(Soon to update) Dale & Jhanna - story Pangarap ni Jhanna ang makapagtapos sa pag-aaral sa kahit ano pa man ang mangyari.Hanggang sa makilala niya ang kaklase niyang si Dale na wala ng ginawa kundi buwisitin siya na parang aso't pusa na laging nagbabangayan tuwing nagkakasalubong. Ngunit sa paglipas ng panahon ang dating inis na nararamdaman niya para kay Dale ay napalitan na ito ng lihim na paghanga.Lingid sa kaalaman niya ganun na rin pala ito sa kanya. Isang araw,nagulat nalang siya nang bigla nalang siya nitong halikan at sabihing may gusto ito sa kanya.Abot hanggang langit ang kilig ni Jhanna nang malaman iyon. Naging magboyfriend sila.Masaya sa umpisa pero nang magselos ito ay nauwi sa isang marahas na pangyayari.Ang pangyayaring iyon ay nauwi sa paghihiwalayan nilang dalawa. Ang pangarap niyang magtapos ng pag-aaral ay hindi na natuloy buhat nang magkasakit ang kanyang ama at na diagnose ng liver cancer. Ang akala niya ay hindi na muli magkukrus ang landas nila.Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana.Nais ng lalaki na maging katulong siya sa condo unit nito kapalit ang malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ama. Tatanggapin niya ba ang alok nito o hahayaan nalang niyang mamatay ang kanyang ama?
Gavin & Bella- story Manyakis.Iyan ang unang reaksyon ni Bella kay Gavin.Dahil sa pagiging touchy at kung makatingin sa kanya ay para siyang hinuhubaran.Nang mag birthday ito ay hindi niya napigilan na ipagkaloob ang sarili sa binatang lihim na niyang minahal.Kasabay no'n ang pinakamasakit niyang natuklasan na engaged na ito sa ibang babae at nakatakda ng ikasal. Nabuntis si Bella at si Gavin ang ama.Paano kung muling bumalik ang binata at hilingin nito na maging buo sila bilang isang pamilya. Kaya ba niyang patawarin at tanggapin ito muli kung kasal pa rin ito sa iba?
Justin & Daniela- story Ang buong akala ni Daniela ay si Justin na ang magiging katuwang niya sa buhay.Ngunit nagkamali pala siya ng akala.Pina-ibig,pina-ikot at pinagpupustahan lang pala siya at ng mga kaibigan nito.Nagalit at kinumprunta niya ito,at inamin naman nito sa kanya ang lahat.Humingi ito ng kapatawaran sa kaniya ngunit paano naman ang puso niyang durog na durog na?Gulong-gulo ang isip niya.Ang gusto lang niya muna ay umalis at magpakalayo. Sa pagbabalik niya ibang Daniela na ang makikita nito.Ibabalik niya rito kung anoman ang ginawang panloloko nito sa kaniya.Ngunit paano niya ipapalasap rito ang lahat ng pasakit na ginawa nito noon,kung pilit naman ibinabalik ang masasayang araw na pinagsamahan nila.Hangang sa matuklasan niya ang totoong hangarin nito kung bakit nakikipaglapit ito sa kaniya.Mamahalin niya pa ba ito,gayong puro pagkukunwari lang pala ang lahta ng ipinapakita nito sa kaniya?