Dangerously In Love Series Book 3- Stars are Blind
Not suitable for 18 years old below.
Destiny is not a matter of chance, But a matter of choice. Ito ay paniniwala ni Kc simula ng makilala niya ang lalaking mamahalin niya habang buhay.
Si Kc Hermosa ay kilalang tagapagmana ng Hermosa Group. Maraming hawak na malalaking negosyo ang mga magulang niya. Nakatakda na sana siyang ikasal ngunit hindi natuloy. Mapapadpad siya sa isang malayong lugar at doon ay makikilala niya si Gio na isang hamak na magsasaka lang. Si Gio na kaya ang makakagamot sa sugatang puso ni Kc. Paano kung may tinatago palang sikreto si Gio, matatanggap pa kaya niya ito.
Dahil sa kahirapan at pagsamantala ng Valencia Real Estate sa mga taga-Mayao ay makikita ni KC ang tunay na kahirapan at reyalidad. Mangangako si KC na tutulungan ang mga magsasaka. Ngunit kaakibat noon ay mas mabigat na kapalit. Magkikita pa kaya silang muli ni Gio at maipagpatuloy ang naputol na pag-iibigan?