------- ***Athena’s POV*** - Magiging abala na ako sa mga susunod na araw dahil sa bagong posisyon ko sa kompanya, kaya napagpasyahan kong ipasyal na sa araw na ito ang aking mga anak. Papasok na rin sila sa paaralan next week, kaya’t tamang-tama lang na mamamasyal kami ngayon. Nasa loob ako ng study room at may inayos lang akong ilang bagay, ngunit handang-handa na akong lumabas at samahan ang mga anak ko. Naghihintay na sila sa kotse, pinauna ko na sila para makapag-prepare pa ako. Naisip ko na ito na siguro ang pinaka-ideal na pagkakataon para mag-bonding kami bago mag-umpisa ang kanilang pag- aaral at pagtatrabaho ko. Papunta na ako sa pintuan para umalis, ngunit napaurong ako nang... "Ma'am, hindi po namin siya napigilan, nagpumilit po siyang pumasok dito," ani ng katulong, kasun

