------- ***Athena's POV*** - (Continuation) - Hindi lang natapos ang sakit sa pagbabalewala ni Kiero sa akin dahil kaninang umaga lang, nakasalubong ko si Kiero sa hospital. Nabuhay na naman ang pag- asa sa akin nang nakita ko syang nagmamadali, pero laking mata ako na nilampasan lang nya ako na parang hindi nya ako nakikita. "How is she?" Narinig ko na tanong ni Kiero sa isang babae. "She's doing okay now. She was actually fine last night, but then earlier today, her fever suddenly spiked, so we decided to bring her here in the hospital just to be safe." Malalaki ang mga hakbang ni Kiero habang nakasunod naman dito ang babae. Ewan ko kung ano ang nag- udyot sa akin dahil sinundan ko pa talaga ang mga ito. "Kiero, I really appreciate you coming. I told Dorena not to call you

