----- ***Third Person’s POV*** - Halos hindi makapaniwala si Airah sa napakalaking mansion na pinagdalhan sa kanya ng bago niyang ina. Napakagara ng bawat sulok—higit na mas maganda at mas malaki pa kaysa sa mansion ni Kiero na dati ay labis na niyang hinahangaan. Noon, naiinggit siya kay Athena dahil sa mala-palasyong bahay na tinitirhan nito, pero ngayon, tila walang-wala ang mansion ni Kiero kumpara sa kung nasaan siya ngayon. Sobrang suwerte niya! Habang iniikot niya ang kanyang tingin sa engrandeng mga pasilyo at detalyadong dekorasyon ng mansion, naramdaman niyang parang maiiyak siya sa sobrang tuwa. “Dalawang buwan mula ngayon, magiging akin ang lahat ng ito,” bulong niya sa sarili. Kasama ng napakalaking kayamanang mapupunta sa kanya, magagawa na niya ang halos lahat ng gusto n

