--------- ***Athena's POV*** - “Wow, mama, ang tataas ng mga building. Ang ganda pala dito, ang daming sasakyan at ang daming malalaking building.” Bibong bulalas ni Abby, nasa loob kami ng kotse at nasa syudad na kami ng Cebu, papunta sa airport. Kanina pa maingay si Abby dito sa loob, habang si Liam ay natutulog, nanghihina kasi ito at sumusuka pa. Ngayon ko lang nalaman na meron pa lang travel sickness si Liam. Ito ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay nakakaramdam ng pagkahilo, pagsusuka, o discomfort dahil sa paggalaw ng sasakyan habang nagbibiyahe. Kabaliktaran naman si Abby. “Pasensya na Atty. Villa Rosa kung maingay si Abby. Nakakahiya sa---” “It’s okay, natutuwa nga ako sa kanya.” Nakangiting sabi ni Atty. Villa Rosa, saka bumaling ito kay Abby. “Abby, mas mataas a

