Slander

1982 Words

------- ***Athena's POV*** - Naninigas ako at hindi makakilos habang nakatingin kay Airah, hindi ko lubos akalain na nakaya nyang ihulog ang kanyang sarili. Ano ba ang pumapasok sa kanyang isip at nagawa nya ito? Pwede nyang ikapahamak ng sobra ang ginawa nya. Sumigaw si Airah, sabay ng kanyang pagkahulog kaya nakaagaw agad ito ng atensyon sa maraming tao. Mayamaya lang, nakita ko na si Kiero na tumatakbo at agad na tinulungan nito si Airah para makatayo. "Anong nangyari?" Tanong agad ni Kiero kay Airah, halata ang pagkaalala sa tinig nito. Napatingin si Airah sa akin at ewan ko pero kinakabahan ako ng sobra. Agad na napaiyak si Airah habang nakatingin sa akin. "Bakit? Bakit mo ako nagawang itulak, Athena? Alam mong maaari kong ikapahamak ang ginawa mong pagtulak sa akin." Umiiyak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD