----- ***Athena’s POV*** - Kinabukasan, umalis na kami ng aking mga anak mula sa hotel at lumipat na kami sa mansion ni Kiero. Pagpasok namin sa loob, agad na namangha ang aking mga anak sa lahat ng nakita nila. Talaga namang hindi maiiwasang mamangha sila sa napakaganda ng lahat ng naroroon. Ito ang unang pagkakataon na nakakita sila ng ganitong karangyang mga bagay, mga simbolo ng isang buhay na puno ng yaman at ginhawa. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang pagkamangha habang tinitingnan nila ang bawat sulok ng mansyon, parang nasa ibang mundo sila ngayon. “Mama, ang laki po ng bahay ni Mister Kiero, pero sa laki po ng bahay niya, wala man lang po telebisyon,” ani ni Abby habang hinahanap ang paborito niyang bagay, dahil mahilig itong manood ng cartoons. “Sinong nagsabi na wala akong

