Misteryosong Lalaki

1147 Words
“Kamusta ang araw mo”, tanong ng isang lalaki na nakapula na para bang kilalang kilala ako. “Okay lang naman”, sagot ko kahit na hindi ko mawari kung sino ba sya. “Mabuti naman kung ganun!”, sambit nya at biglang yumakap sa akin. Damang dama ko ang init ng kanyang mga bisig na humaplos sa aking katawan ng mga oras na iyon, tila ba’y matutunaw nako sa init ng kanyang pagkakayakap sa beywang ko. Nang bigla akong napamulat at nagising dahil sa tunog ng cellphone ko na nakalagay lang sa tabi ng aking unan. Isang panaginip na naman pala ang nasambit ko na lang sa isip ko. Mamaya pa ay tinatawag nako ni ate Ericka, asawa ng nakatatanda kong kapatid na lalaki. “Enyong! Bumangon ka na, kanina pa tumutunog yang alarm mo. Baka malate ka sa eskwela mo sige ka”, pasigaw nyang sabi habang nagliligpit ng mga damit na nilabhan nya. Pagtingin ko sa cellphone ko ay napabangon ako bigla ng makitang mag aalas syete na ng umaga. At dali dali akong kumilos palabas at kinuha ang tuwalya sabay dumiretso sa poso. “Good morning ate kangot”, bati ko sa kanya habang nagbobomba sa poso ng paligo ko. “Nasan si jaja?” Tanong ko sa kanya. “Haynaku, nauna ng pumasok yung pamangkin mo. Alam mo naman yun, kalapit na nga ng school eh kaaga pang pumasok” “Oo nga eh, samantalang ako dalawang tricycle pa ang sasakyan ko bago makapasok tapos late pako nagising”, sambit ko at sabay kaming nagtawanan ni ate Ericka. Pagkatapos ko maligo ay agad nakong nagbihis dahil late nako sa una naming subject. Alas otso ng umaga ang simula ng first class namin pero halos kahating oras nakong late. “Good morning pre!”, bati ko kay Chie na isa sa una kong nakilala at naging kaibigan ko dito sa pinapasukan kong unibersidad sa Tarlac. “Good morning men! Bakit nalate ka ata ngayon?”, tanong nya. “Oo nga pre ehh, badtrip kasing alarm ko hindi ko narinig haha”, tugon ko sa kanya habang hinihingil pa ng konti dahil tumakbo ako paakyat ng building namin dahil late na nga ako . “Napasarap ata tulog mo men ah!” “Oo nga eh, nanaginip na naman kase ako na may kayakap akong isang lalaki” “Uyy uyy, wag naman sana ako yan ahh. Hindi tayo talo alam mo yan. Haha” “Gagi! syempre hindi ikaw yun, lalaplapin kita pag ikaw nga yung nasa panaginip ko. Hahahaha”, sabay kaming nagtawanang dalawa. Lunch time na, dumiretso kami nila Archie sa karenderya na lagi naming kinakainan kasama si Mark, isa pa naming tropa at duon kami kumain. Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay nagtungo kami sa tambayan namin sa kabilang campus malapit sa isang fish pond sa bandang gitna ng school at doon nagpalipas ng oras. Habang nagpapahinga sa ilalim ng puno, bigla na lamang akong natulala habang iniisip ang itsura ng lalaki sa aking panaginip. Hindi ko ito mamukhaan dahil malabo ang imahe ng kanyang mukha. Nang biglang may pumitik sa akin, si Chie pala. “Ano na naman yang iniisip mo, sa bakery na naman ba?”, patanong nyang sabi. “Hindi men, hahaha” “Eh ano na naman kaya yang ikinatutulala mo?” “Iniisip ko lang yung lalaki sa panaginip ko”. “Haynaku, panaginip lang yun. Wag mo na lang masyadong isipin”, pag aalala nya. Mag aalauna na ng tanghali at agad na kaming nagtungo pabalik sa campus namin dahil may klase pa kami. Pag pasok namin sa gate ay may nabangga akong isang lalaki na nakasuot ng jogging pants at white shirt. Nakasalamin ito katulad ng salamin ni Harry Potter, may bitbit na malaking bag sa likod at naka rubber shoes na gray. Nagsorry ako sa kanya dahil sa pagkakabanggaan naming dalawa at nagmamadali ng pumunta ng building namin. Umabot naman kami ni Chie at Mark sa oras ng klase namin. Hingal na hingal nga lang dahil medyo may kalayuan ang kabilang campus na tinatambahan namin dahil tatawid ka pa ng overpass para makarating doon. Sabay sabay kaming nagtawanan ng makaupo na nga kami sa bandang likod ng classroom. “Buti na lang at nakaabot tayo”, sabi ni Mark. “Kaya nga ehh”, sagot naman ni Chie. “Oo nga ehh, muntik pang hindi makaabot dahil may nakabanggaan pako kanina. Mukhang galing din sa kabilang campus at mag P.E class ata sila”, tugon ko. Sa likod lang kase ng building namin ang court ng buong school kung saan doon nagpapaklase ng P.E subject ng iba’t ibang department. May kalawakan kase ang aming unibersidad, magkakaiba ng buildng dipende sa department. College of Business Administration at College of Art and Science ang building na nasa campus namin katabi ang gymnasium ng buong unibersidad. Nasa amin din kase ang court at oval ng school kaya ang ibang department ay nagpupunta pa sa campus namin para mag P.E Class. Sa kabilang campus naman ang Admin Building at iba pang department katulad ng College of Agriculture and Forestry na kung saan kami nakatambay kanina. Nandun din ang College of Education, College of Veterinary Medicine, College of Engineering and Technology, at ang iba pang building. Malaking kalsada lang naman ang pagitan ng dalawang campus. May overpass para sa safety ng mga estudyante dahil highway iyon, daanan ng mga bus na galing manila papunta probinsya kaya mapapagod ka talaga sa pag akyat baba ng overpass bago ka makarating sa kabilang campus. Kung nasa campus namin ang court at gymnasium, nasa kabila naman ang canteen at mga karenderya na pinagkakainan namin. Kaya nagpapahinga muna kami sa tambayan pagkatapos kumain bago bumalik sa building namin dahil baka matunaw agad ang kinain namin sa pag akyat pa lang ng overpass bago makabalik ng classroom. After class ay tumambay muna kami sa harap ng gym para magpahangin at magpahinga bago umuwi. Nakita ko na naman yung lalaking nakasalamin palabas ng campus bitbit ang kanyang bag at nakasuot na ito ng class A uniform. Tatlo kase ang uniform na pwede naming suotin. Una ay ang Class A uniform, dirty white na polo ang kulay na may logo ng university at black slack sa lalaki at blue green slack namn sa babae. Pangalawa ay ang green poloshirt ng university at kahit anong pants ang pang ibaba, pang huli ay ang P.E uniform na maaari mo lamang suotin kapag may P.E class kayo dahil hindi pinapaasok ng guard pag nakasuot ka ng P.E uniform kahit wala namang klase sa P.E. Tinitignan ng guard ang COR kapag makita nilang naka pang P.E ka upang matiyak kung may klase ka nga ba talaga bago ka nila papasukin. Kaya wala ka talagang lusot pag mag susuot ka ng ibang uniporme.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD