Kyla POV Hapon nang magising ako at paglingon ko ay wala na ang dalawang bata. "Nasa baba na siguro?" inaantok na sabi ko. Kaagad akong tumayo bago maligo ulit at magsuot ako ng maong shorts at black na sando. Pagkababa ko ay may mga nakahanda na palang pagkain. Lumapit ako dito at tinikman ang adobo. "Sino ang nagluto?" Tanong ko at napatingin sila sa akin. Narinig ko pa na sumipol si Nikolas pero hindi ko na lamang pinansin. "Si Seven ang naluluto. Magaling siyang cook." sagot sa akin ni Zyne. "Teka, nagugutom ka ba?" Tanong sa akin ni Zyne. Kahit na medyo awkward ako sa kaniya ay tumango na lamang ako. Pinaghila niya ako ng upuan tsaka siya na mismo ang naghain ng pagkain ko. "Hay nako! Mukhang naunahan ang manok ko ah." sabi ni Nikolas pagkakita sa amin ni Zyne habang nakaupo it

