Kyla POV Nakaupo ako sa buhanginan at nakaharap sa mga maglalaro. Malaking ngisi ang nakapaskil sa mukha nina Uno at Nikolas at hindi ako ganoon kamangmang para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng ngisi na iyon. Sa loob ng maraming taon na nakasama ko sina Uno at Nikolas, alam na alam ko na kung saan sila magaling at kung saan ang sila mahina. Volleyball? Such a piece of cake for Uno and Nikolas. Lumingon naman ako sa puwesto nina Zyne at pansin ko na kinakabahan si Zyne samantalang si Seven naman ay walang expression na makikita sa mukha niya. Nagsimula na ang laro at unang nag serve ay si Uno. Sinubukang habulin ni Zyne ang bola pero nabangga niya si Seven at pareho naman silang natumba. Kaya ang ending, service ace ang nangyari kaya naman nagtawanan sina Nikolas at ang dalawang mg

