Chapter 4

2074 Words
Busy si Jaxine sa opisina niya ang biglang may tumawag sa kanya. Napatingin siya sa table kung saan nakapatong ang cellphone niya at kinuha ito. Napangiti siya nang makita ang kaibigan niyang si Nathalie ang tumawag. “Girl,” bati niya matapos sagutin ang tawag nito. “Where are you?” Tanong nito sa kanya. “Office,” sagot ni Jaxine. “Ang boring mo talaga. Lagi ka na lang nagkulong sa opisina mo.” Sermon nito sa kanya. “Kailangan kasi. Alam mo naman na ako lang ang asahan ng pamilya ko ngayon. Isa pa, kailangan kong e-supervise ang factory ko,” rason niya sa kaibigan. “Asus, workaholic ka lang talaga. Mamaya punta tayong bar. Wala akong paki kung gaano ka ka busy basta makita ko pagmumukha mo doon. Period.” Parang boss na bulyaw nito sa kanya. “Busy nga ako, di ba?” Sabi pa ni Jaxine. “Sabi ko nga, di ba? Wala akong paki. Punta ka or kaladkarin kita papunta doon. You choice,” banta nito sa kanya. Napailing na lang si Jaxine sa kaibigan. “Fine, pupunta ako mamaya. Anong oras ba?” “Yes!” Bulalas nito sa kabilang linya. “Ikaw, anong oras ba gusto mo? Ikaw na bahala, basta nandoon na kami bago ka pa man makarating.” “Okay,” sagot na lang ni Jaxine. “Akala ko pa naman ikaw ang pupunta sa akin. It's turns out na ako pa pala pupunta sa iyo.” Natawa naman ang nasa kabilang linya. “Oh, sige na, girl. Gotta go, dress nicely ha? Baka mamaya naka t-shirt ka lang at pantalon.” Natawa naman si Jaxine sa tinuran ng kaibigan. Nagpaalam na rin siya dito baka kung saan na naman mapunta ang usapan. Madaldal pa naman ang kaibigan niyang yon. Napabuga muna siya ng hangin bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi niya namalayan ang oras at inabutan na siya ng gabi sa opisina niya. Kaya naman ay nagliligpit na siya ng mga gamit at ini-off ang monitor sa harap niya. Saktong paglabas niya sa office niya ay mulig tumawag sa kanya ang kaibigan niyang si Nathalie. “Girl, saan ka na?” Tanong nito sa kanya ang sagutin niya qng tawag. Palagay niya ay sobrang inip na inip na ito sa kakahintay sa kanya. Napatingin tuloy siya sa relong pambisig niya. “Girl, ang aga pa. Wala pang alas syete kaya,” reklamo niya sa kaibigan. “Haizt, bilisan mo na lang kaya,” sabi nito sa kanya. “Wag mo sabihing nasa opisina ka pa?” “Nandito pa nga. Pero palabas na,” natatawa na sabi ni Jaxine. “Gagi! Ang boring mo talaga,” sabi nito sa kanya. “Bilisan mo kayang ang pagpunta dito.” “Pakainin mo kaya ako?” Reklamo niya sa kaibigan. “Basta pumunta ka dito after mong kumain,” sabi ng kaibigan niya. Pakiramdam niya ay naparolyo pa ito ng mata habang sinasabi niya iyon. “Okay,” sagot ni Jaxine at ibinaba na ang tawag. Diretso siya sa sasakyan niya kung saan naka-park at pinatunog ito. Agad siyang pumasok sa loob at nagsimulang magmaniho pauwi sa condo niya hindi kalayuan kung saan ang office niya. Nang makarating sa condo ay diretso siya sa unit niya sa 3rd floor. Naisipan niyang magluto muna ang hapunan niya bago magbihis ng damit. Bahala ang maghintay ang kaibigan niya. Hindi naman talaga siya interesado na mag-bar. Wala naman talaga siyang hilig sa bar eh. Napasubo lang siya dahil yon ang hilig ng mga kaibigan niya. Buti na lang at wala dito sa Pilipinas ang dalawa pa niyang kaibigan kundi gabi-gabi silang ng bar. “Ano kaya ang pwede kong lutuin?” Tanong ni Jaxine sa sarili niya habang nakatingin sa nakabukas na cabinet na punong-puno ng mga delata. “Hmmm, ito na lang corned beef. Lagyan ko na lang ng patatas.” Kinuha niya ang isang lata ng carne Norte at nagtungo sa ref para kumuha ng tatlong piraso na patatas sa vegetable compartment. Kumuha siya ng isang bowl ng tubig at doon inilagay ang binalatan niyang patatas bago ini-slice ng pinong-pino. Nag-slice na rin siya ng sibuyas at bawang para dagdag lasa na rin. Nang matapos ay saka na siya nagsalang ng isang basong bigas sa rice cooker at nilagay ang cooking pan sa kalan matapos buhayin ang apoy nito. Sanay na siya sa mga gawaing ito simula ng mag-isa na siyang manirahan dito sa city. Ayaw kasing sumama ng mga magulang niya kaya mag-isa siya. Mas prefer nilang manirahan na malayo sa city. Siya nasanay ayaw nilang mapagod sa byahe kaya nga mas pinili niyang malapit lang sa office niya ang condo para mabilis siyang makarating kung sakali. Napangiti siya nang maamoy ang aroma ang niluto niyang corned beef na may patatas. Kahit paano ay alam siya sa pagluluto. Hindi man siya magaling magluto ng mga lutong bahay pero masasabi niya na kaya naman niyang magluto ng hindi makarating sa ospital ang sino mang kakain ng niluto niya dahil sa sakit sa tiyan o kaya naman ay nalason ng niluto niya. Nina-transfer niya sa bowl ang niluto niya at kumuha ng pinggan upang takpan ang niluto niya. Hindi pa naman luto ang nin niya kaya naman ay naisipan niyang maligo at magbihis muna habang hinihintay na magluto ang kanin. Namili muna siya ng damit na susuotin niya at nakita niya ang isang bodycon sleeveless above the knee dress na kulay dirty white. Napangiti siyaat kinuhang dress mula sa hanger. “Ito na lang suotin ko. Tingnan natin kung sermunan pa ako ng kaibigan kong yon kapag ito ang suot ko,” murmur niya sa sarili. Nilapag niya ang damit sa kama at diretso na sa Cr upang maligo. Ilang minuto lang naman ang tinagal niya doon dahil nakaramdam na siya ng gutom kaya binilisan niya ang pagligo. Agad niyang isinuot ang dress na napili niya at tiningnan ang sarili sa human size mirror na nandito sa kwarto niya. Kitang-kita niya ang kurba ang katawan niya dahil flexible ang damit na suot niya. Medyo naiilang a siya pero naisip niyang bar naman ang pupuntahan niya kaya siguradong mas marami ang mas maikli sa damit na sinuot niya ang mga damit nang mga ito kaya di na rin siya nagpalit pa ng bagong damit. Naglagay lang siya ng konting blush on at lipstick sa mukha bago lumabas sa kwarto. Hinayaan lang niyang nakalugay ang buhok niya. Natural na straight naman ang buhok niya kaya di siya namomroblema kung sakaling matuyo ito. Saktong pagbalik niya sa kusina ay luto na ang kanin niya sa rice cooker kaya naman ay naghain na siya at nagsimula nang kumain. Hindi naman siya nag-worry a baka masirang lipstick niya dahil na waterproof naman. Napatingin siyasa relo at nakita niyang alas otso na ng gabi. Tinadtad na rin siya ng text messages ng kaibigan niyang si Nathalie. Hindi na lang niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos ay lumabas na siya sa condo at sumakay ng elevator diretso sa basement kung saan naka-park ang sasakyan niya. Diretso niya itong minaniobra papunta sa bar kung saan naroon ang kaibigan niya. Ight class ang bar na pinuntahan niya kaya hindi nakapagtataka may humarang na agad na bouncer pagpasok niya sa entrance ng bar. “Miss, I.D?” Tanong nito sa kanya Napataas naman ng kilay si Jaxine “Do I look teenager to you? Sa tangkad kong ito, hinanapan nyo ako ng I.d?” Mataray na sagot ni Jaxine. “Pasensya na, protocol lang,” sagot ng bouncer. Nagkataas pa rin ang kilay na kinuha niya nang I.d niya sa pouch na dala niya sa ibinigay sa bouncer. Kinuha naman ito ng bouncerat tiningnan. Ilang saglit lang ay ipinalik na sa sa kanya ang I.d niya. “Pwede ka ng pumasok, miss. Pasensya na po,” napakamot na wika ng bouncer. Taas noong nalampasan ni Jaxine ang bouncer at pumasok sa loob. Ang totoo, Wala naman siyang plano na ganun ang gawin niya, kaso sa klase ang lugar na pinuntahan niya ay hindi pwede na kimi-kimi ka or else ikaw ang magdusa kapag may makakasaluma kang pangit ang ugali. Halos lahat na nadaanan niyang tao mapa-babae man o lalaki ay napa-second look sa kanya nang lagpasan niya ang mga ito. Hindi niya mawari kung nabighani ba or ano ang mga ito sa kanya ngunit dedma na lang siya. Inikot na lang niya ang mga paningin niya upang makita ang kaibigan. At nang mapansin niya ito sa isa sa mga vip table ay nagpasya siyang lapitan ito. May mga kasama ito ngunit di niya namukhaan dahil nakatalikod ang amg ito sa gawi niya. “Girl,” bati niya dito ang makarating siya sa pwesto. Lahat na nasa table ay napalingon sa gawi niya. “And the mighty Jaxine is here,” flat na wika ng isang kasama nila sa table na tila hindi natuwa sa pagiging late niya. Napataas na lang ng dalawang kilay si Jaxine. Kahit kailan ay hindi niya napansin na nagkakasundo sila ang babaeng ito. Palagi itong may masabi sa kanya. “Girl, bakit ngayon ka lang?” tanong ni Nathalie sa kanya. “Sorry, traffic,” rason niya. “Ng ganitong oras? Wag ako, Jaxine Dane Labrador, wag ako,” bwelta ni Nathalie sa kanya. Napailing na lang si Jaxine at tumabi sa kaibigan. “Bakit di mo sinabi na may kasama ka pala?” “Surprise!” Yun lang ang sagot ni Nathalie with action pa ng sabihin niya yon. Napabaling na lang ng tingin si Jaxine sa kainin sana pangisi. Saka bina lingan ang dalawang babae sa kabilang side ng table. “Kailan pa kayo nandito sa Pilipinas?” Tanong ni Jaxine sa mga ito. “Ako, kahapon lang. Si Ellen ay noong isang araw pa.” Si Brianna ang sumagot sa kanya. Napatango na lang si Jaxine sa sagot ng kaibigan. “Buti, umuwi pa kayo dito?” Dagdag ni Jaxine. “Of course! Anong akala mo sa amin? Di marunong umuwi?” Sagot ni Ellen sa kanya. “Chill! Nagtanong lang naman,” sagot ni Jaxine. “Wag na kasing magtanong. Kitang-kita naman eh. Obvious na nga, nagtanong pa,” sopla sa kanya ni Ellen. “Ellen, enough. We're here to celebrate our return not to argue with each other,” saway naman ni Brianna dito. Naparolyo naman ng mata si Ellen samantalang nakatingin lang sina Nathalie at Jaxine sa kaibigan. Huminga na lang ng malalim si Jaxine sa inasta ni Ellen. Sa simula pa lang ay ayaw na talaga nito kay Jaxine. Pero dahil kaibigan siya ng kaibigan nito ay wala siyang choice kundi pakisamahan si Jaxine. Ganun din naman ang huli sa kanya, kumbaga, civil lang sila sa isa't-isa. Kung wala lang siguro si Nathalie ay baka di rin sila magkakilala. “So, what do you want to drink, girls?” tanong ni Brianna sa kanila. “Anything. How about you, Jax?” Tanong ni Nathalie sa kanya. “Kahit ano,” sagot na lang ni Jaxine. “Okay,” sagot ni nagsimula ng mag-order ng inumin matapos magtawag ng waiter. Palihim na napabuntong hininga si Jaxine. Ayaw lang niyang mamili ng inumin dahil kahit anong piliin niya ay sila pa rin ang masusunod. Isa pa, ayaw niyang masabihan na maarte ng mga kasama niya kaya pinili niyang hayaan silang mag-order. “Here,” sabi ni Nathalie sa kanya sabay abot ng isang basong sojo. “How's your factory?” Biglang tanong ni Ellen sa kanya. “Okay naman,” sagot ni Jaxine. “Paano na hindi magiging okay kung 24/7 nakabantay tong si Jaxine sa factory niya?” Singit ni Nathalie. “Kulang na lang doon siya matulog sa opisina niya.” “Naku, girl. Magkakasakit ka niyan,” sabi naman ni Brianna. “Gayahin mo siya Nathalie, super relax sa buhay. May asawa na, parang buhay dalaga pa rin. Tapos ikaw, dinaig mo pa ang pinaka-busy na tao sa mundo.” Nagtawanan sila matapos sabihin yon ni Brianna. Di niya alam kung matuwa o mainsulto sa sinabi ng babae. Inisang lagok na lang niya ang baso ng sojo saka tumayo. “Excuse me, cr lang ako,” paalam niya sa mga kasama. Nang tumango ang mga ito ay diretso na sita sa banyo ng bar. Nakaramdam siya ng pagbabawas kaya nagpaalam siya sa mga ito. Bahala na kung ano ang sabihin nila pagkatapos. Pinakaayaw pa naman ng mga ito ay ang maghintay ng matagal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD