Tahimik ang mini auditorium nang pumasok si Maki. Wala siyang klase dahil may Girl Scout at Boy Scout meeting ang mga estudyante niya. Dahil mababaliw siya sa katahimikan sa kuwarto niya at tapos na ang lahat ng trabaho niya ay pinili niyang magtungo doon para tumugtog. May bago siyang piyesa na na-compose na aawitin ng mga bata. Para sana iyon sa gaganaping mini concert nila dalawang linggo mula sa araw na iyon. Kung tutuusin ay mas gusto niyang sa bahay tumugtog para mas tahimik at mas inspired siya sa gamit na keyboard. Ang kaso lang ay nagkasundo sila ng pinsang si Ponyang na iwan ang mga magulang niya para magkasarilinan. Sumama muna si Ponyang ilang kaibigan dahil day off naman nito. She set up the keyboard then started playing with the keys. Tumugtog muna siya ng isang piyesa ni

