-Mercy- “Nanay, papasok na po ako sa paaralan.” Nakayukong paalam sa akin ng aking anak. Tumango lang ako dito at hanggang ngayon ay umiiwas pa rin akong kausapin ito, gusto kong matutunan nito na hindi kailangan na palaging siya ang masusunod sa aming dalawa. Ako pa rin ang kanyang ina at kapakanan lang niya ang iniisip ko lalo na at napapalapit siya sa kanyang ama na kamag-anak si Lucifer. “Sige halika na at ihahatid na kita sa paaralan mo at mula ngayon ay hatid sundo na rin kita ng sa ganoon ay masigurado kong makakauwi ka ng maayos. At kakausapin ko rin ngayon ang mga guro mo ng sa ganoon ay malaman ko kung ano ang pinagsasabi nila sayo na hindi magaganda laban sa akin. Anak, ayokong malaman mo na hindi ako marunoing lumaban sa akin lang ay umiiwas muna ako hangga’t kaya kong magtim

