bc

Married to a Stranger for One Year

book_age18+
detail_authorizedAUTHORIZED
1
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
family
HE
age gap
sweet
bxg
city
cheating
disappearance
lies
affair
lawyer
like
intro-logo
Blurb

 

Naniniwala si Luna Salcedo sa kapalaran… hanggang sa matuklasan niya na ang lalaking pinag-alayan niya ng lahat ay may asawa na pala. Nagsinungaling ito sa kanya, nilinlang siya, at ginamit ang kanyang pangalan para sa kapangyarihan. Ang pagtataksil na iyon ay hindi lamang bumasag sa kanyang puso, kundi tuluyang nagbura ng anumang bakas ng paniniwala sa pag-ibig.

Samantala, si Theo Cervantes, isang matagumpay na abogado, ay hindi naniniwala sa pag-ibig. Ang tanging pinagtitiwalaan niya ay ang kanyang anak na si Yna at ang mga kasunduang nagpapanatili ng kaayusan sa mundo. 

Pero nang may isang estrangherang babae na biglang humawak sa kanyang pulso sa gitna ng isang restawran at iginiit na siya ang pakasalan, nagpasya siyang makisali sa laro… at dalhin ang panlilinlang nang higit pa sa inaasahan. Nag-alok siya ng isang kontrata - isang taon ng huwad na kasal.  

Isang kasunduan iyon kung saan mababawi ni Luna ang kanyang karera at dangal, habang ibinibigay naman ni Theo sa kanyang anak ang isang mother figure sa katauhan ng babae, na matagal nang hinahanap ng anak.

Ganunpaman, kailangang harapin ni Luna ang mas malalim na katotohanan - na ang kapalaran ay hindi laging dumarating sa anyong ninanais natin, kundi sa anyong lumilitaw kapag gumuho na ang lahat. At minsan, sa pagtigil natin sa paghahanap, saka lamang natin natatagpuan ang talagang nakalaan para sa atin.

Hindi inaasahan ng dalawa na matagal nang pinili ni Yna si Luna bilang ina sa kanyang puso. At ang mga pader na itinayo ni Theo ay unti-unti nang bumabagsak, at ang taong ipinangako niyang hindi para sa kanya ay siya palang nag-iisang karapat-dapat na muling paniwalaan.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Luna Kaming mga Salcedo ay naniniwala sa itinakdang pag-ibig—gaya ng pananampalatayang ibinibigay sa Diyos. Sa aming pamilya, ang pag-ibig ay hindi hinahanap; ito ay basta dumarating. At ako, si Luna Salcedo ay naghintay ng dalawampu’t anim na taon. Dalawampu’t anim na taon ng pakikinig sa aking ina na paulit-ulit na nagsasabing, “Kapag dumating na ang oras mo, Luna, malalaman mo agad iyon.” Dalawampu’t anim na taon ng pakiramdam na ang puso ko ay isang walang laman na operating room na naghihintay sa tamang surgeon. Lumapag ang eroplano sa Pilipinas na may bahagyang pag-alog. Sa labas, abala ang lungsod, walang kamalay-malay sa aking pagdating. Idiniin ko ang telepono sa aking dibdib. Naka-OFF pa rin ito. Halos labindalawang oras na mula nang lumipad kami mula London, at alam kong kapag binuksan ko ito, mahigit isandaang tawag mula sa aking ama na si Damian Salcedo ang sasalubong sa akin, kasama ang ilang mensahe mula sa aking ina. Alam na alam ko na ang sasabihin niya. “Luna, pakiusap, kausapin mo kami… huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo.” Pero huli na para roon. Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, sinuway ko ang aking ama. Sa unang pagkakataon sa loob ng dalawampu’t anim na taon, tumigil akong maging batang kumakain ng gulay nang walang reklamo, kumukuha ng tuwid na marka sa lahat ng bagay, at matiyagang naghihintay na ihain ng kapalaran ang pag-ibig sa isang bandehadong pilak. Ngayon, narito ako sa Pilipinas. Iniwan ko ang lahat para sa isang lalaking dalawang buwan ko pa lamang nakilala. Para sa isang lalaking minsan lamang akong hinalikan sa bubungan, bago siya muling bumalik sa kanyang bansa. Isa siyang cardiovascular surgeon, isang Pilipino na pansamantalang nasa London para sa tatlong-buwang mini-residency. Ako naman noon ay nasa aking pediatric emergency rotation. Nagtagpo ang aming mga landas sa isang pasilyo, pagkatapos sa isa pa, pagkatapos sa cafeteria… at kalaunan, sa aking mga panaginip. Ang halik ay dumating na parang isang hindi inaasahang diagnosis: bigla, walang babala, at walang puwang para sa pagtanggi. “Hindi ko matigil ang pag-iisip tungkol sa’yo, Dr. Luna Salcedo,” bulong niya laban sa aking mga labi, at ang kanyang pagkakabigkas noon ay nagbigay ng kakaibang tunog sa aking pangalan—isang tunog na tila isang pangako. Ako, na kailanman ay hindi pa nahulog sa pag-ibig, ay nabihag sa sandaling iyon. Hindi ko sinabi sa kanya na darating ako. Nais kong maging sorpresa ang pagdating ko. Ibinaba ako ng taxi sa mismong lugar na itinuro ni Adrian, nang iguhit niya sa isang tissue paper ang mapa noong huli naming pag-inom ng kape. “Kapag dumating ka sa Pilipinas,” sabi niya, at bahagyang dumampi ang kanyang kamay sa akin sa ibabaw ng mesa, “dito mo ako matatagpuan.” Itinago ko ang tissue paper na iyon. Nasa akin pa rin—gusot; at may mantsa ng kape sa sulok. Marangya ang gusaling nasa harapan ko. Pinindot ko ang doorbell ng kanyang apartment gamit ang nanginginig na mga daliri. Sa kabilang kamay ko ay ang maleta na naglalaman ng buong buhay ko para sa susunod na tatlong buwan. Bumukas ang pintuan. Pero hindi si Adrian ang nagbukas. Kundi isang babae. Isang babae na may maitim na buhok na nakapusod nang magulo. Nakasuot siya ng panglalaking kamiseta—kamiseta ni Adrian. Nakilala ko ang tatak na lagi niyang ginagamit. Napansin ko na may hawak na mainit na tasa ng kape ang babae sa pagitan ng kanyang mga daliri. Sa kaliwang kamay niya, isang singsing-pangkasal ang sumalo sa sikat ng araw at diretsong tumama sa aking mga mata. “Yes?” tanong niya, nakataas ang isang kilay. Ang utak ko na sanay na suriin ang mga pasyente sa loob ng ilang segundo, ay agad na nagproseso ng impormasyon—isang mabilis na reaksyon na sabay kong pinahalagahan at kinapootan. “Hinahanap ko si Adrian Luciano,” sagot ko, nakatitig sa kanya nang may katiyakang walang puwang para sa pagdududa. Dahan-dahang itinaas ng babae ang kanyang mga mata. Ang kanyang tingin ay gumapang mula sa aking mukha, bumaba sa maleta na nasa tabi ko, at muling bumalik sa akin. Ngayon ay mas matalim, mas maingat. “Sino ang naghahanap sa kanya?” tanong nung babae. Sa pagkakataong ito may bahid ng pag-iingat sa kanyang tinig. Mahigpit kong pinisil ang hawakan ng maleta habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Pakisabi, si Luna Salcedo,” sagot ko. “Ah,” tugon niya, at ang kanyang mga labi ay kumurba sa isang anyo na hindi maituturing na ngiti. “Ikaw pala si Little Dr. Salcedo, tama ba?” Little Dr. Salcedo? Ang salitang iyon ay bumagsak sa akin na parang batong mabigat. Hindi iyon ang titulong pinaghirapan kong makamit; hindi iyon ang Dr. Salcedo na tawag sa akin ng aking mga pasyente. Hindi rin iyon ang pangalang Luna na nakalaan lamang sa mga taong may pagmamahal sa akin. Ang titulong Little Dr. Salcedo ay isang pagmamaliit. Isang paghamak. Paglalagay sa kahon. Kung ganun, alam ng babaeng ito kung sino ako. Sa sandaling iyon, biglang lumitaw si Adrian sa likuran niya—walang suot na pang-itaas, magulo ang buhok, at ang ekspresyon sa kanyang mukha ay mabilis na nagbago mula sa antok patungo sa pagkataranta sa loob lamang ng isang segundo. Tatlo kaming nakatayo sa bungad ng pintuan, bumubuo ng isang tatsulok kung saan ako ang labis na naiiba. Binuka niya ang kanyang bibig. Isinara. Muling ibinuka, pero tila walang kasiguruhan kung paano magsisimula ng sasabihin. At sa kanyang mga mata, nakita ko ang isang bagay na higit pang sumira sa akin kaysa sa kamisetang nakasuot sa katawan ng babae, kaysa sa singsing-pangkasal, at kaysa sa salitang Little Dr. Salcedo. Nakita ko ang bahagyang bakas ng kalkulasyon sa kanyang tingin. Hindi siya natatakot na saktan ako. Ang iniisip niya ay kung gaano kalaking pinsala ang puwede kong idulot sa kanya—sa kanyang reputasyon, sa kanyang kasal, sa kanyang karera, sa scholarship niya sa London na bahagyang nakasalalay sa koneksiyon ng aking ama. Aking ama… Ang taong una kong sinuway sa buong buhay ko. Para dito. Para sa kanya. Para sa isang sinungaling. “L-Luna…” Sa wakas ay nasambit niya, at ang marinig ang aking pangalan mula sa kanyang mga labi ay tila isang sugat na muling nabuksan, isang tahi na nasira. “Mali ang iniisip mo.” Sa sandaling iyon, tumawa nang maikli ang kanyang asawa—isang tawa na kumalabog na parang butong nabali. “Seryoso ka ba, Adrian? Talagang gagawin mo ito? Titingnan mo siya sa mata at magsisinungaling?” Pagkatapos ay lumingon ang babae sa akin, at sa pagkakataong ito ay ngumiti siya. Isang ngiti na tumagos sa akin. “Sasabihin ko sa’yo kung ano ito, Little doctor… “ Huminto siya sandali, saka nagpatuloy na may paghamak. “Ikaw ay isang paraan lang. Isang tuntungan. Hindi ka niya kailanman ginusto. Ang interes niya ay nasa apelyido mo. Sa mga koneksyon ng tatay mo. Sa liham ng rekomendasyon na puwedeng pirmahan ng iyong tiyuhin. Ikaw ang pampalubag-loob, ang reserbang plano kung sakaling hindi niya makuha ang gusto niya sa madaling paraan.” May isang bagay sa loob ko na tuluyang nabasag. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng asawa ni Adrian, sinusukat ang pinsalang idinulot niya—at nakita ko sa kanyang mga mata ang kasiyahan. “Lumayas ka. Ikaw ang Salcedo na pinakamadaling naloko.” Bawat salita ay parang sibat na tumatama sa akin. “At hayaan mong balaan kita, Little Doctor— huwag ka nang lalapit uli sa asawa ko.” Sinuyod ng mga mata niya ang mukha ko na may paghamak bago siya muling nagsalita, halos bulong lang pero puno ng lason. “Maliban na lang kung gusto mong patuloy na kumilos bilang kung ano ka na talaga. Isang homewrecker… isang cheap na kerida." Pagkasabi niya nun, sumara ang pinto sa aking mukha. At kasabay nito… lahat ng bagay na pinaniwalaan kong totoo ay gumuho. Ang pinakamalaking pagkakamali ng aking buhay ay hindi ang pagsakay sa eroplanong iyon. Kundi ang pagtitig kay Adrian Luciano at ang pagsumpa— na may bulag at katawa-tawang pananampalataya, na na kay Adrian ang aking kapalaran… …samantalang sa katotohanan, wala naman pala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
483.4K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.4K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.1K
bc

THE WIDOWED CEO’S PROSTITUTE

read
41.4K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
13.9K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.9K
bc

In Bed With Kuya Red

read
51.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook