Chapter Four: Meet Again
For the past one week all I ever did was to focus myself from working. I came back to the Hospital. Naging busy ako para kalimutan ang masasamang nangyari sa'kin. Bumalik ako sa condo ko. I missed staying in our house. I missed baby Caira.
One week nalang ay kasal na ni Reign. Kami ng mga pinsan ko ang nagaayos para sa preparation para kasal niya. Natapos narin ang pamanhikan pero di ako nakasama dahil may trabaho ako non.
Sweet naman masyado ang malapit nang mag asawa sa harap ko. Kasama ko ngayon si Audrey at Drew sa isang restaurant. It's my break time and walang work ngayon ang dalawa kaya free sila. Kumain nalang ako ng cheesecake.
"What? Ulol ba siya. He must be crazy to that girl...No, I can't. I'm with my wife" Saad ni Travis sa phone.
Sana all wife. Tsk. Nagiging bitter na yata ako. Napaisip kasi ako kung di ako niloko ni Art baka naghahanda narin kami para sa kasal namin. But, good thing na di pa kami kasal nong nagloko siya. I don't want to be divorce. Inubos ko na ang pagkain ko at nagpaalam sa kanila. May rounds pa'ko.
Bumalik ako sa office para ilagay ang bag. Kinuha ko na rin ang folder para tingnan ang mga patients ko. Sinimulan ko na ang rounds kasama ang nurse.
Paging Doctora Camille please proceed to Doctor Soriano's office right now
Binigay ko muna kay Nurse Eida ang folder at pumunta sa 5th floor. Bakit kaya ako pinatawag ni Doctora Soriano. She's our Head Doctor and a neurologist. I first knock the door before she let me come in. Pormal akong umupo sa harap niya. She's in her mid- 40's but she's still pretty.
"I call you here coz I'll hear a report that there is a Medical Mission in Cebu and I will assign you and your team for this"
Saglit akong nagulat sa sinabi niya. Nagpasalamat ako kay Doc Soriano bago lumabas. Napangiti ako sa narinig. Ininform ko agad sa team ko ang napagusapan. Next month na iyon at excited kaming lahat. Minsan nalang kami na-a-assign sa Medical Missions and this kind of opportunity is blessing to us.
After ng shift ko ay umuwi agad ako. Last day ay pina renovate ko ang buong condo. From paints, furniture and wall designs coz it will just remind me of Art and our memories together. Mas mabuti narin iyon kasi nakakaalibadbad ng kulay ng unit. I change it to pastel color.
I went to ref and get some food. I'm starving and I'm craving for pizza. It's weird coz I've never been a fan of pizza. Siguro malapit na ang monthly period ko kaya nag ce-crave ako. I just order two box of ham and cheese pizza. Gosh, it's unhealthy but I'm really craving. Naligo at nagbihis muna ako bago umupo sa couch.
I just turn on the TV. Wala akong papers na aalalahanin ngayon at inaantok narin ako. It's still early but I'm now sleepy. The doorbell ring to I open the door and pay the pizza I order. Natatakam kong nilapag ang box at binuksan agad. My mouth watery when I saw the overload ham and cheese. Nilantakan ko agad ito.
It's delicious and satisfying. Naubos ko ang dalawang box. Napa burp ako ng malakas dahil sa kabusugan. After I ate I drink plenty of water. Before I went to my bedroom I first drink Milk. Binuksan ko muna ang phone ko at bag scroll sa sss.
I react to the prenuptial shoot of Reign and Travis. Halatang pinaggastusan dahil sa ganda. Well, no doubt it's Saavedra. Sumagi sa isip ko si Calix, it's been a week after it happened. Napailing nalang ako at winaglit siya sa isipan. Nag scroll pako hanggang sa humikab ako sa antok. I off my phone and sleep.
In the next morning, nagising ako na medyo nahihilo. Napahawak ako sa bibig at nagmadaling pumunta sa sino para sumuka. Sinuka ko ang lahat tapos ay nagmumog. Napahawak ako sa ulo ko, medyo sumasakit kasi.
Kahit medyo di maganda ang pakiramdam ay naligo ako at nagbihis. May appointment ako ngayon kaya di ako pwedeng umabsent. Feeling ko nag ka diarrhea ako dahil sa pizza na kinain ko. Kinuha ko na ang bag tapos ay bumaba. I get inside to my car and drive my way to Hospital.
May dalawang operations ako ngayon kaya after ng Operation ay pagod ako. Tumunog ang phone ko kaya sinagot ko agad ang tawag ni Mailey. I stretched my body. Nangalay yata sa tagal ng operasyon kanina.
[Punta ka dito sa condo ni Audy]
"Ano meron? Akala ko ba walang bridal shower?"
[Wala. Tayo tayo lang magpipinsan. Wala ka naman sigurong work tom right? Kakauwi lang ni Audy galing sa flight niya]
"Sige sige. I'm on my way"
Bumalik ako sa office ko para ayusin lahat ng gamit. I assign the other rounds for Nurse Eida. She's my trusted Nurse. Nag ayos nalang ako ng mukha bago ako lumabas. Medyo malayo ang condo ni Audrey kaya late na'ko nakapunta sa condo niya.
Nandoon nga sila. All girls. My other cousins is here. They welcome me. Maraming foods and drinks sa mesa kaya natakam agad ako. Nagiging matakaw na'ko lately at di na sumusunod sa healthy food plan ko. Kumuha ako ng bowl ng pretzel at umupo sa tabi ni Joan.
Nagkatuwaan sila doon at umiinom. I miss hanging out with my cousins. Mas gustuhin ko pang makasama ang mga pinsan ko na parang barkada ko narin kesa sa mga fake friends. Attitudes man sila but I know they are true. After all we're real family. Di kasama si Ate dahil may Caira siya.
"How are you Camille? Naka move on na ba?" Biro ni Aina. She's also a Doctor like me.
"Yeah, still in process. Kayo parin ba ng boyfriend mo?" I asked back. Natahimik siya at biglang uminom. Tsk. Broken.
Nagkwentuhan at kulitan pa kami. Kanya kanyang bulgar ng secrets at ka jeje-han namin dati. Halos sabay sabay lang kaming lumaki lahat. Kahit nasa malalayo na tumira ay nagkaka bonding parin. Kami kasi ang 3rd Generation ng Salazar Family. Puno kami ng tawanan don. Ang iba pa ay lasing na.
"I feel you Camille nong niloko ka ni Art. Pota! Niloko din ako ni Andre, buti nalang di ko siya nilegal edi nakakahiya iyon" biglang sabi ni Celine.
Medyo nagulat kami roon. We all know Celine as goody one. She's so responsible and intelligent. Never pa siyang nagka boyfriend kaya nagulat kami nang marinig na niloko pala siya ng boyfriend niya. Inalo agad namin siya. This is the real family. Kahit anong problema ay nagdadamayan. They're my family and friends, at the same time.
After non ay nagsiuwian narin sila. May nalasing pa. Dito ako patutulugin nina Audy. Nagpaalam narin sila sa'min. Napaupo agad ako sa couch. Si Reign naman ay katawagan ang fiance niya. Napapikit agad ako at humikab. Inaantok na'ko. Dahil apat lang naman kami ay sa iisang kwarto lang kami. May sofa bed naman si Audy sa room niya.
"Una na'ko matulog. Goodnight guys"
Hinayaan nalang nila akong pumasok sa kwarto at matulog. Madali akong nakatulog dahil sa pagod. Kinabukasan ay sumasakit ang ulo ko at parang mabubuwal na naman. Napabangon ako at dumiretso sa C.R. para sumuka. Gosh, what's happening to me. Diarrhea na naman ba.
Naghilamos ako. Ganito nalang every morning. Napatingin silang lahat sa'kin na may ibig sabihin. Nangunot naman ang noo ko sa tingin nila. Napahawak ulit ako sa bibig ko nang maramdamang mabubuwal na naman ako. Sumuka agad ako.
"Okay ka lang Cammy?" Reign asked.
Tumango nalang ako at pinunasan ang mukha ng towel. Di parin nila ako binitawan ng tingin. Napabuntong hininga si Mailey.
"Camille are you pregnant?" Nanigas yata ako sa sinabi ni Mailey. Napakagat labi ako. I don't know what to say coz I didn't know.
Pinaupo nila ako. Napayuko nalang ako. It's not impossible for me not to get pregnant. Something happened to me, us. Baka nga may nabuong bata dahil sa nangyari and that scares me. Napalunok ako at nilalaro ang kamay. I'm fvcking nervous.
"Hey, Cams. Buntis ka ba? Ganyan ba ang nagyayari sa'yo every morning?" Tumango ako sa tanong ni Audrey sa'kin. Napasinghap sila.
"Audy may extra PT ka ba diyan?" Tumango naman agad si Audy. "Wait lang..." May kinuha siya sa box niya. It's a pregnancy test.
Binigay ni Maye sa'kin iyon at subukan ko daw. Nanginginig ang kamay kong hinawakan iyon at pumasok sa C.R. Pikit mata kong ginawa ang lahat ng procedures. Lumabas na'ko sa C.R. Pikit mata kong inabot sa kanila ang PT.
I'm fvcking scared to know the result.
They all gasped. "s**t! You're pregnant, Camille!"
Nanghina ang tuhod ko sa sinabi ni Reign. Inalalayan ako nila ako na umupo sa kama. Nanginginig ang kamay ko. s**t! I'm fvcking pregnant with Calix. Isang malaking kahihiyan at disappointment nito sa Pamilya ko pag nalaman nila. Napayuko nalang ako at tahimik na umiyak. I don't know what to do. Inaalo nila ako at pinapakalma.
"Hey, stop crying baka makakasama iyan sa baby. You should be happy right kasi dala mo ang baby niyo ni Art"
Tangina! Di ko alam kung anong gugustuhin kong mangyari. Kung anak ba to ni Art na manloloko o anak mo Calix na totally stranger para sa'kin. Pero wala eh hindi kay Art 'to. It's Calix' child. Mas lalo akong umiyak sa sinabi niya. Will I tell to them? Gosh! This is damn frustrating.
"Hindi... Hindi si Art ang ama nito"
They gasped. "What? If hindi siya. Sino?" Di nila makapaniwalang tanong.
Umiling lang ako. I can't say to them. Baka pag nakilala nila ang ama ng magiging anak ko ay guluhin lang nila. I don't want to ruin someone's life. It's my fault. Hindi ko rin naman alam kung saan hahagilapin si Calix. Ako ang ina kaya ako ang magaalala sa magiging anak ko.
Nong araw na iyon ay di nila ako pinagagalaw. Di narin nila pinilit pa kung sino ang ama nito. They just advice me. Pinakain nila ako ng masustansyang pagkain. They look so paranoid. Nakahinga ako ng maluwag nang malamang di nila ako hinusgahan. They took care of me.
Umalis nadin si Reign dahil may aasikasuhin pa siya pati din si Maye. Naiwan ako kay Audrey na todo bantay sa galaw ko. Buti wala siyang flight ngayon kaya masasamahan niya ako. Buong araw ay natulog lang ako at kumain. Hindi narin nagsalita si Audrey but I know that she's worried.
Gabi na at di pa ako inaantok. Nanood lang kami ng Movie sa Netflix habang kumakain ng popcorn. Tahimik Lang kaming nanood. Si Audy ang unang bumasag sa katahimikan.
"Anong plano mo ngayon?" Napaisip din ako kung anong gagawin ko.
"Hindi ko pa alam. Itatago ko muna 'to. I don't want to disappoint my parents. Alam mo namang iyong nangyari kay Ate"
"Paano ang baby? Iyong ama ng bata? Di mo ipapanagutan iyon?" Tumayo siya para kumuha ng popcorn at gatas tapos ay nilapag ulit sa mesa.
"Di na. I can raise my baby on my own. I should keep it a secret. If medyo lumalaki na I'll resign besides may ipon na'ko" That's my plan... for now.
Napabuntong hininga nalang si Audrey. Nagtanong pa siya kung saan daw nangyari. Nagulat pa siya nang malaman na sa Cruise nangyari iyon. Sinabi ko rin na tinakbuhan ko si Calix pagkatapos. Para siyang natatawa na nagulat sa sinabi ko.
"Wait, seriously? Babae ka! Bakit mo naman tinakbuhan. What if he's serious about you?"
Umiling nalang ako. It's impossible. One night stand lang iyon. We're broken and drunk that time. Unlucky, I'm the girl so I should face the responsibility. Wala naman na akong magagawa pa. Nandito na'to. Panindigan ko 'to. I'll raise my child on my own. Even if I want to give him/her a complete family, I just can't.
Sa mga nagdaang araw ay bumalik na'ko sa condo ko. Ayaw pa nga nong tatlo buti nalang ay napilit ko. I can't always stay in Audrey, may trabaho siya at ako. Pinag reresign pa nga nila ako pero pinaliwanag ko na sa kanila ang plano ko. Buti naintindihan nila iyon. Besides I just can't resign, I love my job and I also need to work.
They still checking on me lalo na si Mailey. After her work photoshoot she will come here and check my foods. Minsan dinadalhan niya pa ako. Na busy naman si Reign para sa nalalapit niyang kasal.
Nagsukat narin kami ng mga gowns. Nakasabay pa namin once ang ibang pinsan na girls ni Travis. They all pretty and so sophisticated. Pero mababait naman sila. Everyone is excited for Reign and Travis' wedding. Ayos na lahat at hinihintay nalang ang kasal.
Pumapasok parin ako sa Ospital but I'm more careful. Di pa'ko nag pa check sa OB dahil kinakabahan ako. I'm driving my way to our house. Day-off ko ngayon and I want to visit my family. I miss Caira narin. She didn't know she will have a cousin soon. Napahawak ako sa tiyan.
My baby
Pinagbuksan agad ako ng pinto ni Manang. Sabi niya ay wala sila Mommy at Daddy. Nasa taas naman sila Ate Maira. Pumunta agad ako doon at kumatok. I open the door and surprise them. Malaki ang ngiti na sinalubong ako ni Caira. Nakita niya ang pasalubong kong chocolates.
Nahiga ako sa kama nila. Their room is full of cute designs. May alphabet posters, dolls, glow in the dark stars at kung ano ano pang design for kids. I remember that I helped Mommy and Ate to make this room for baby Caira. Dati nong nagaaral palang ako ay lagi akong tumatambay dito just to watch Caira sleeping in her crib.
"Napadalaw ka? Day-off mo? Kamusta ka naman" Ang daming tanong naman ni Ate.
"I'm fine. Gusto ko lang mag relax. Ang lonely ko sa condo. I miss my Caira..." I pinch Caira's nose. "Ikaw Ate
kamusta ka?"
"Okay lang. If Caira turns 6 I'm planning to look for a job. Ayoko naman na laging umaasa kina Mommy."
I like how Ate take care of Caira. Iyong araw na di siya pinanindigan ay inuna niya ang anak kesa ang emosyon. She was hurt but she makes herself okay for her baby. Sana gaya rin ako ni Ate. Magpapakatatag din naman ako para sa magiging anak ko. I will take care my child.
Dumating ang araw ng kasalan ni Reign and Travis. I'm freaking excited. Nasa condo ako ngayon ni Mailey. Nandito kaming tatlo nag aayos. Aligaga masyado si Mailey habang nagaayos ng mukha niya. Kinulot ko na ang buhok ko at nilagyan ng clip sa side ng buhok ko. I love my off shoulder rose pink dress.
Kanya kanya kami ng ayos tatlo. Ininom ko muna ang gatas matapos suotin ang white heels. Di parin tapos si Mailey sa pagaayos niya. Tinulungan ko nalang si Audrey sa pag zipper ng dress niya. My phone suddenly ring.
"Yes, My?" Nakaipit sa kamay at ulo ko ang phone.
[Saan na kayo, Cammy? Make it fast, baby. We're waiting. Magsisimula na]
"Yeah, Mom. Love you"
Pinadali ko na sila. Di kami pwede ma late. Si Mailey pa naman ang maid of honor. Kaming magpipinsan ang bridesmaid. Kinuha ko na ang pouch ko at hinila na silang dalawa. Ang tigas kasi ng ulo na doon nalang mag ayos. Ako na ang nagmaneho. May tunawag naman sa phone ni Mailey.
"Ang bagal mo kasi Maye!"
"Shut up, Audy!"
Nagbabangayan pa sila. Hays, ako ang nase- stress sa kanilang dalawa. Binilisan ko ang pagmamaneho papuntang Simbahan. Agad kaming bumaba nang huminto ang kotse sa simbahan. Nasaway pa kami ni Tita Audet dahil sa bagal namin.
Kinuha na namin ang flowers at pumwesto. Parating na daw ang bride. Nasa pang limang line ako. Partner ko ang pinsan ni Travis na si Greg. Inakla ko na ang kamay ko sa braso niya. Partner naman ni Audy si Seb. Ang gwapo ni Seb sa suot niya.
Dumating na ang bridal car. Nilabas nito ang maganda kong pinsan. It really suits her the simplicity and elegance of her wedding gown. I'm happy for her. After all the challenge they've been face at the end sa Simbahan parin ang tuloy.
Minandaran na kami ng organizer na umayos na dahil mag sisimula na ang kasal. Kahit di ako ang bride ay kinakabahan parin ako. The solemn music of 'Ikaw at Ako' played. Nagsimula nang maglakad ang groom at ang best men. Di ko sila kita dahil nasa likuran ako.
Sunod naman ang ring bearer, flower girl and boy, bridesmaid and groomsmen. Unti unti narin kaming naglalakad. Nakita ko agad sa harap sila Mommy at Daddy. Naaninag ko na rin si Caira na siyang ring bearer. She's so adorable.
Napaangat ako ng tingin sa altar. Tila tumigil ang pagikot ng mundo ko nang makita siyang muli. Nasa harapan siya katabi ni Travis. He's the best men of my cousin's soon to be husband.
I saw him again. Calix.
Nagtagpo ang mata namin. Hindi ko maputol ang tinginan namin. Malapit pa akong mamali ng daan dahil sa kakatitig sa kanya. Hindi niya rin pinuputol ang tinginan namin. Naputol lang iyon nang hawakan ako ni Audrey.
"Okay ka lang?" Tumango agad ako. Nag focus nalang ako sa ceremony.
Naglakad na si Reign sa aisle. Nakangiti siya at pasimpleng pinahid ang luha nito. Hinawakan na ni Travis ang braso ni Reign. Napatingin ako sa kanya at agad din iniwas. Nagsimula na ang ceremony. Naiyak pa kaming lahat sa wedding vows nila. We all clap after they both kissed.
Finally, they are married. Nakakaingit. My family are happy for them. Matapos ng seremonya ay sabay na kaming lahat na pumunta sa reception. Kinarga ko si Caira na super cute sa damit niya.
"You're so pretty, Tita- Mommy" Caira cutie said.
"Awh. And so you are." I pinch his cheeks.
Sumabay na'ko sa kotse nila Ate Maira. Madali lang kaming nakapunta sa reception. Marami nang pagkain doon. Binaba ko muna si Caira at pumunta kay Wendy habang karga ang baby niya. Parang naging reunion narin 'to ng family namin.
Pumasok na ang newlyweds. Nagsimula naring kumain at iba pang seremonyas. Giving gifts, speeches at kung ano ano pa. Di naman mawawala ang hagisan ng bulaklak at garter. Lahat kaming babae ay pinatayo sa gitna.
"Sumali kana sa kanila, Camille" tinulak pa'ko ni Mommy para pumunta lang ako sa gitna. Wala akong choice kundi pumunta.
Nag ready na si Reign sa harapan. Hinagis niya na ang bulaklak. Wala talaga akong plano na kunin at makipagagawan doon pero sa kasamaang palad ay napunta sa'kin ang bulaklak. Nagpalakpakan naman sila.
"Wohoo! We're expecting a wedding next year"
"Alam na! Si Camille na talaga ang susunod!"
"Ayun! Groom nalang ang kulang"
Nahiya agad ako sa sigawan at kantsawan ng mga Tita ko. Bumalik nalang ako agad sa mesa. Sinundot pa ni Mommy ang tagiliran ko. Sunod naman ay ang mga boys. At sa minalas nga naman na pagkakataon. Siya pa talaga ang napili.
Tinawag na ako ng host para tumayo sa harap. Gosh, I want to back out. Seriously! Kailangan ba talaga naming mag kita ulit matapos ang kahihiyang nangyari. Kainis naman!
"So, alam niyo na ang mechanics. Dahan dahang susuotin ng guy ang garter sa legs ni girl"
Kagat labi habang dahan dahang tinataas ni Calix ang garter. Nanindig yata ang lahat ng balahibo ko sa ginawa niya. Shems! Ayoko na. Nasa hita ko na iyon pero nag sigawan silang lahat na higher.
"Higher pa!"
Walang nagawa si Calix kundi itaas pa ang garter. Hanggang sa naabot na nga iyon sa taas. Naghiyawan at palakpakan naman sila pagkatapos non. Agad akong umalis doon. Nag excuse muna ako na pupunta lang sa washroom. Patakbo akong pumunta sa wash room ng hall.
Napahawak ako sink. Kumakabog ang dibdib ko sa gulat at sa isang di maipaliwanag na dahilan. Why we need to meet again? Why I didn't think that Travis and Calix are possible relatives. Ang liit naman ng mundo para saming dalawa.
Sobrang nakakahiya na makita siya ulit. After what we did and after I run away, it's so embarrassing. I just saw the man that I had s*x with. I just meet the father of my child.
Naghugas lang ako ng kamay saka lumabas. Nagulat ako nang makita si Calix sa labas. Aalis na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin.
"Can we talk?" He said. He doesn't change.
"For what? You know Calix we don't have to talk. Just forget it" Inagaw ko ang kamay ko at umalis.
Just forget it Calix. We both know that it's just a mistake. We should forget each other. Huwag na tayong gumawa pa ng bond sa isa't isa. I can't risk an another heart break. I'm sorry.