Chapter Five

3404 Words
I almost forget what happened to us. Di ko na siya inalala. Dahil sa hindi ko talaga kilala ang buong pagkatao niya at ayokong magulo ang buhay niya. But now I saw him again. Pinagtagpo ulit kami ng tadhana. Ganoon kaliit ang mundo namin para magkita muli. Sa kasal pa talaga ng pinsan namin kami nag kita ulit. Bumalik ako sa mesa na parang walang nangyari. Di din naman nila napansin ang medyo pagkabalisa ko. The ceremony went well. May surprise video pa ang pinsan ni Travis para sa kanya. And with all the picture shown, Calix is present there. It's obvious that they all so close. Puro tawanan ang paligid dahil sa kadugyutan at kabaliwan nila Travis noon. Andon din kami sa pictures. Nong unang araw na nagkita si Reign at Travis. We are drunk that time, sa bar ni Travis. Natawa na medyo nahiya nalang din ako. Bago mag uwian ay nag picture taking muna. I really tried my best to avoid Calix. I don't want to make a commotion. After the picture taking ay nag si uwian na din kami. Nagpaalam ako kila Mommy na kina Audrey muna ako matutulog. I kiss Baby Caira's head na nakatulog na before I leave. Nakisakay ako sa kotse ni Mailey dahil don din naman siya matutulog. Bago umalis ang sasakyan namin ay nagkatinginan pa kami ni Calix. Umiwas na'ko ng tingin. Napahilig nalang ako sa upuan at pinikit ang mata. Pagkarating sa unit ay naligo at nagbihis agad ako. Inabutan naman ako ng gatas ni Audy. Napagod ako kanina. Di parin ako maka get over na nakita ko ulit si Calix kanina. Hindi ko alam kung anong gagawin. Umupo muna kaming tatlo sa couch. Pinupunasan pa ni Mailey ang buhok niya. Napansin yata ni Audy ang lalim ng iniisip ko. "Ano bang iniisip mo?" "Ah, eh, wala..." Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba. Di ko alam kung ano bang magiging reaksyon nila pag nalaman nilang ang ama ng anak ko ay isang Saavedra. "Ano nga? Kanina ka pa balisa sa simbahan hanggang reception. What seems the problem ba?" Napansin pala ni Mailey iyon. Binabagabag parin ako ng isipan ko. Bumuntong hininga ako bago sinabi sa kanila na si Calix Saavedra ang ama ng magiging anak ko. Napayuko nalang ako. Napasinghap sila sa narinig. Di sila makapaniwala sa sinabi ko. "Seryoso ka ba? Si Calix talaga?" Dahan dahan akong tumango. Kinabukasan ay di nila ako pinaalis. Di pa nga pumunta sa shoot si Mailey para samahan lang ako. May flight naman si Audrey ngayon kaya kaming dalawa lang dito. Pinaghandaan niya ako ng healthy foods. "Magbihis ka. Sasamahan kita sa OB" Sumunod nalang ako sa kanya. Siguro tama na kailangan ko ng mag pa check na'ko sa OB. Nagbihis agad ako at kinuha ang purse. Sumakay agad ako sa kotse at pumunta sa malapit na Ospital. Buti nalang di ito iyong Ospital na pinag tatrabahuan ko. Pumasok agad kami doon. May kilala daw si Maye na OB-Gyne. Hinawakan ni Maye ang kamay ko bago kami pumasok. Sinalubong agad kami ng babaeng Doktor. She's pretty. "Cams, this is Doktora Abby, OB-gynecologist. Abby, this is my cousin si Camille" nakipag handshake pa'ko sa kanya. Chineck niya ako. Di pa masyadong klaro ang baby dahil dugo palang ito but I already feel the connection between us. Pagkatapos non ay nireseta niya ako ng vitamins and healthy foods na dapat kung kainin. Nagpasalamat agad kami sa kanya bago lumabas. "Let's go to Superstore so we can buy healthy foods and vitamins" "Thank you, Maye" nginitian niya ako. Bumili na nga kami ng fruits, vegetables, milk, biscuits at iba pang masustansyang pagkain. Bumili rin kami ng vitamins sa pharmacy. Umalis saglit si Maye para bumili ng cereals. Naiwan ako saglit dito at hinihintay siya. Nahagip ng mata ko si Calix kasama ang isang babae. Nasa Milk section sila. Medyo malaki na ang tiyan ng babae. They seems couple buying milk for their baby. Sa di malamang dahilan ay nasaktan ako. Para siguro sa anak ko, oo tama. Para sa anak ko. Buti nalang dumating na si Maye kaya nakaalis na kami agad. Umuwi kami sa condo ko. Tinulungan ako ni Maye na ayusin ang pinamili namin. Bago umalis si Maye ay madami pa siyang paalala sa'kin. Kesyo di daw ako magpapalipas ng gutom. Huwag daw mag puyat at laging uminom ng vitamins at gatas. "Thank you, Maye" I hugged her before she leave. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Di ako masyadong nahihirapan kasi alam kong may tutulong sa'kin. I have my cousins to help me. Kinuha ko sa purse ko ang picture ng ultrasound ko. Nakangiti ko itong hinawakan. This baby is blessing to me. Nagpahinga agad ako. Kinuha ko nalang muna ang cellphone ko para mag scroll. Di pa naman ako inaantok. Biglang may nag text na di naka register na number +0909******* ;Hi. Can we talk? Sino naman 'to? Kahit di ko kilala ay nireplyan ko nalang. +0938******* ;Who's this? Anong kailangan mo? +0909******* ;Camille, this is Calix. Can we talk please. Nagulat naman ako na sa Calix pala 'to. Di ko alam kung bakit niya ako ginugulo. Kung iniisip niya iyong nangyari sa'min ay wala na iyon. Camille ;Ano namang pag uusapan, aber? Calix ;About us. About that night. Nagreply nalang ako na bukas nalang dahil pagod ako. I'm not yet ready to talk and face him. I don't know what I will say to him. Di ko nga rin alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang pagbubuntis ko. But he had a wife who's pregnant also. Ayaw kong makasira ng pamilya. Hays, ano ba kasi 'tong pinasok ko. Gulong gulo na'ko. I know that I can't keep this matter forever to my parents, to my family. Pero pagnagkataon na malaman nila magiging isang malaking kahihiyan 'to. Dadagdagan ko lang ang isyu sa buhay ko. Marami na naman silang masabi. My boyfriend just cheated on me with my bestfriend and now I'm pregnant with the cousin of my husband's cousin. Saavedra pa talaga. They will ask me many questions at pagnalaman nila pati pamilya ko madadamay, baka nga pati din ang pamilya ni Calix. Magugulo ang lahat. Buti ay si Audrey, Mailey at Reign palang ang nakakaalam. I can trust them. Dapat di ako nagiisip ng ganito dahil baka makasama sa baby ko. Doctor Abby said that I should avoid myself from stress. I let a heavy sigh and close my eyes. Gosh, go away stress. Pinili ko nalang matulog. Pagkagising ay dinner na kaya nagluto ako ng pagkain. After kumain ay uminom na'ko ng vitamins and milk. Kinabukasan ay nag text ako kay Calix na magkita kami mamayang 9:30 am. Dadaan muna ako sa Ospital para mag weekly leave. Straight narin kasi ang absent ko. Nagtaka naman si Doctor Soriano sa pag leave ko. Sinabi ko nalang na kailangan ko ng oras para sa sarili ko. Buti pumayag siya. Sa ilang taon ko ba namang nagtrabaho dito. Pagkatapos dumaan sa Ospital ay pumunta na'ko sa resto na pag meet up-an. Kinakabahan pa'ko dahil di ko alam kung anong pag uusapan namin. I've been thinking about this yesterday night. I don't know if I will tell him about the baby or not. Kung sasabihin ko di din naman ako sigurado kung tatanggapin niya. Maaga ako kaya naghihintay muna ako sa kanya dito. Sumimsim ako sa hot coffee caramel, napaso pa'ko dahil sa na tense ako. Mas lalo akong kinabahan nang makita siyang papasok sa coffee shop. He's wearing a long sleeves and jeans. Ang gwapo naman. Aish! Tumigil ka Camille. Kalandian mo! Napatigil din siya saglit nang makita ako. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Munti akong ngumiti. Nilalaro ko ang kamay sa ilalim ng table. "You want coffee or anything?" I shake my head. "Meron na'ko. Ah, let's talk. Di rin na'ko magtatagal." Tumango siya. "Ah, okay. About that night.. Ahm,..." Parang pati siya ay di alam kung anong sasabihin. "Ahm, what happened to us last night... Ah, let's just forget about that. Wala naman siguro iyon diba?" Medyo nauutal kong sabi. His eyebrows furrowed. "Forget? I can't just forget about that Camille. First, I apologize for what happened. I honestly didn't know, I was so drunk. Yes, wala tayong alam non. But I'm here to say if may nabuo man papanagutan ko iyon" Nagulat ako sa sinabi niya. I didn't expect him to say those words. I thought he will just said that I will forget that coz it's just a one night stand. Di ako makapaniwala. "I'm really sorry for that Camille. Hinanap kita but I can't find you. I just only know your name." Pareho lang naman kaming may mali. We're drunk that time. Napakagat labi ako. I'm still doubting if I will tell him about the baby. Sabi naman niya na papanagutan niya raw ako. "Anong papanagutan eh diba may asawa kana. Buntis pa nga iyon!" Iyon nalang ang biglang lumabas sa bibig ko. Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Di siguro siya makapaniwala na alam ko iyong tungkol doon. Ano siya, two timer? Pareho pang buntis. Grabe talaga ang mga Seaman, ang daming sinisisid. Seamanloloko nga naman. "What do you mean?" Ay nag mamaang maangan pa. Naku! "Duh, iyong kahapon sa Superstore. May kasama kang babae habang namimili kayo sa Milk Section. Don't you dare deny it. Mahiya ka naman!" Saglit kaming pinagtitinginan ng mga tao. Para kasi kaming couple na may LQ. Nanlaki ang mata ni Calix at bahagyang tumawa. Huh! May time pa talaga siyang tumawa ha. Grabe! "What? So nakita mo pala kami ng pinsan ko kahapon? It's Janelle, my cousin. Sinamahan ko siya dahil wala ang asawa niya. I can't leave her alone, she's pregnant. i****t iyon, Camille" Ako naman ang nanlaki ang mata at nahiya. Ang kapal ng mukha ko na mag judge pero mali pala ako. Shems, di talaga pwede to sa Ospital. I can't just make diagnosis without examine. Naku talaga, Camille! Pahiya ka tuloy sa mga pinagsasabi mo. He chuckled when he saw my reaction. "Aish! Malay ko ba..." "Well, now you know. And for your information I don't have a wife or girlfriend" "Tsk. Wala akong pakialam." I rolled my eyes that makes him laugh. I let a heavy sigh. Actually, I'm now sure to my decision. I will tell him about the baby. Hindi ko sasabihin para panagutan ako or whatsoever. Calix have a rights to know after all he's the father of my child. Kaming dalawa ang gumawa nito. I don't care if he will take the responsibility or not, I just want to inform him so my conscience won't bother me. Kinuha ko ultrasound picture sa bag ko at nilapag iyon sa mesa. Nagtataka niyang tiningnan ang picture. Di ko alam kung anong reaksyon niya dahil nakayuko ako. "You're pregnant? I'm happy for you... and to your ex. You will have your own family.." Di ko alam kung matatawa o ano ba ako sa sinabi niya. He thinks that I had baby with Art? Baliw ba siya! "Ano ka ba! Hindi kay Art iyan... It's yours. I'm pregnant.. with you" Hanggang ngayon ay di parin makapaniwala si Calix. Halos matawa ako sa naging reaksyon niya kanina. Parang baliw na bigla nalang tumayo. At nong nalaman niya na baby niya 'to ay di siya alam kung anong gagawin. Kahit maliit na bagay ay napupuna niya. "Aish! Tumigil ka nga. Di ako lumpo. Buntis lang ako" Kainis kasi kahit pag tayo o ano ay naka alalay. "It's better this way. I should take care of you and our baby" Napakagat labi nalang ako sa sinabi niya. Our Baby. Bwesit na lalaking 'to pinapakabog ang puso ko. Andito ako sa condo ko. Nagpumilit kanina na ihatid ako at para malaman ang environment namin. He even check my foods and other stuffs. "Calix are you really serious about this? It will be a big responsibility. Kaya ko naman mag isa" sabi ko. Pinitik niya ang noo ko. "Anong kaya mo? I can't let that happen. I'm the father and I should take the responsibility. I will take care of you both." Napahimas ako sa noo ko. "What about our family?" Iyon ang mas nagpa bother sa'kin. He sigh. "Let's talk about that. For now, let me stay here.." napaharap ako sa kanya. "Ano? And why? You don't need to. Kaya ko na" At the end talo parin ako. He really insist to stay here so he can watch over me. Dahil isang kwarto lang naman ang unit ko ay doon daw siya matutulog sa sofa bed. Binigyan ko nalang siya ng dalawang unan. "Gatas mo" ininom ko agad iyong binigay niya. "Sure ka talaga na dito ka matutulog?" "Yeah, I'm sure. Sanay ako sa ganito. Sige na, sleep well" Sabi niya. Ngumiti nalang ako at nag goodnight sa kanya bago pumasok sa kwarto ko. Humiga na'ko sa kama at napatitig sa ceiling. Hinawakan ko ang tiyan ko. "Baby, your father will take care of you. Di na mag isa si Mommy sa pagaalaga sa'yo..." Gumaan ang pakiramdam ko nang masabi kay Calix. He has a rights to know his child. Mas magaan sa loob na willing siyang alagaan ako para sa baby namin. Atleast di niya ko tinakbuhan. If ever he ran away I can still take care of my child. Kinaumagahan ay lumabas ako nang kwarto nang may maamoy na mabango. Saglit akong nagulat nang makita si Calix sa kusina na nagluluto. And geez, he's topless, apron is just covering his body. Nahawakan ko kaya iyon nong gabing iyon? Ay, shet! Tumigil ka, Camille. Stop it! Ang harot mo! "Gising ka na pala. Good morning. I made you breakfast" he said with a smile. Shit na malagkit wag kang ngingiti diyan Saavedra! Umupo nalang ako sa counter at pinagmamasdan siya habang nagluluto. I didn't know that he know how to cook. Fried egg, vegetable rice and bacon ang niluluto niya. Amoy palang masarap na. "Anong recipe pa ang kaya mong lutuin? Baka fried lang ang alam mo" "Ahm, I know Spanish ang Italian Cuisine. I can also cook a Mechado, Caldereta and even Bicol Express for you now, baby" I swallowed hard. Parehas akong nagulat sa galing niyang mag luto at sa pag tawag niya sa'kin ng baby. My heart suddenly beats so fast. Napairap nalang ako na siyang kinatawa niya. "Bilisan mo nalang. I'm starving.." "Yes, baby..." Hinagisan ko siya ng throw pillow malapit lang sa'kin. Mabuti naka iwas siya kaya di natapon ang ulam na hawak niya. Kainis na lalaking 'to. Umirap akong umupo. Nagsimula na kaming kumain. Para akong walang kain ng ilang araw sa dami ng kinain ko. "Baka mabulunan ka." Saad niya sabay abot sa'kin ng tubig. Ininom ko agad ang tubig. Busog na busog ako nang matapos akong kumain. Si Calix parin ang nagligpit at naghugas ng pinggan. Pinaupo niya lang ako sa sofa at hayaang tingnan siya sa ginagawa. Ang boring naman mag buntis wala kang ginagawa. "Uuwi kana?" Tanong ko. "Maybe. Ahm, can I used your bathroom for a while?" Tumango lang ako. Nanonood lang ako ng Good Doctor, di ko alam kung pang ilang Season na'to. Nakaka-amaze kasi ang ginagawa niya. Nakakamiss din pumasok sa Ospital. If natapos na ang weekly leave ko babalik agad ako sa trabaho. Lumabas si Calix na naka towel lang sa baba. I swallowed hard and avoid my gaze. Ganyan ba talaga siya. Naka topless lang? What if may biglang pumasok na babae tapos makikita iyan. Eh, ano namang pakialam mo, Camille? Girlfriend ka? Asawa? "Hoy, magbihis ka na nga." Hinagisan ko siya ng unan. "Camille Meryl that's too much. Kanina mo pa'ko hinahagisan ng unan." Dahan dahan siyang lumapit sa'kin. "You need to be punish, Lopez" Napaurong ako kahit wala na akong maurungan. Napalunok ako nang nilapit niya ang mukha sa'kin. Nakakalunod ang mga mata at labi niya. Our face is so close. My heart is beating so damn fast. Biglang bumukas ang pinto kaya agad kong naitulak si Calix. Namilog ang mata ni Mailey at Audrey nang pumasok sila. Medyo nakanganga pa si Maye. Audrey's brow furrowed. Tumikhim naman si Maye. Agad pumasok si Calix sa kwarto ko. Nagpantay ang kilay nang dalawa nong maupo. "Ano iyon? Kailan pa kayo nag live in ha? At ano iyong nakita namin? Kakatapos niyo lang?" Nagulat ako sa sinabi ni Maye. Hinampas ko siya. Napalakas yata dahil napadaing siya. "Sorry. Ikaw naman kasi eh. Mali iyong iniisip niyo. Di kami live in. Wala ring nangyari. Ahm, he'll just take the responsibility. Papanagutan niya ako, I mean our baby." Lumabas si Calix sa kwarto ko na nakabihis na. Nagpaalam na siya na aalis muna. Tumayo ako para maihatid lang siya sa pintuan. "I'm sorry about that. Ah, I'll be back tomorrow. Bye. Don't skip your meals and vitamins. Take care, baby" "Tsk. Baby ka diyan. Alis na!" Tinulak ko siya palayo. Before siya umalis ay kumindat pa siya sa'kin. Napailing nalang ako at agad sinara ang pinto. "Kyahh! Ano iyon? May pa baby na?" Nagulat ako dahil nakasilip pala ang dalawa. Pinandilatan ko sila ng mata. "Ang baby sa tiyan ko ang tinutukoy niya." I defended. "Ah! Kaya pala sa Mommy nakatingin." Nagtawanan sila sa sinabi ni Audy. Mga baliw! Napairap nalang ako. Ayaw ko nang mag defend dahil baka sabihin nila na guilty much ako. Chineck muna nila ang fridge at vitamins ko. Ang OA din ng mga 'to. I can't blame them I was like this when Ate's pregnancy before. Mas OA nga si Mommy non. Ganoon rin ba si Mommy sa'kin if malaman niyang buntis ako? I sighed. I really want to tell them about this but I'm scared. Baka makadagdag lang ako sa problema nila. Umupo nalang ako pabalik sa couch. Naupo din ang dalawa. "So nasabi mo na. Ano plano niyo next?" "I don't know... Ano bang pwedeng gawin?" Audy hold my hand. "Cammy, you need to decide. Hindi forever na matatago mo ang malaking bagay na'to kina Tita. This is a big matter, you and Calix can't handle it na kayo lang... Besides di naman kayo mag asawa or whatsoever..." Audrey is right. Baka mahirapan kami ni Calix if may tinatago kami sa Pamilya namin. Natatakot lang talaga ako sa magiging reaksyon nila Mommy at Daddy. Sa magiging reaksyon ng buong pamilya ko. Baka maging usap- usapan pa kami at magiging malaking kahihiyan. But should I really think about those people? Right now, I should think about my child. Aish! Bahala na nga. They stay here for awhile before they leave. Matagal daw hindi makakadalaw si Audrey dahil may flight siya. Nagpaalam na sila sa'kin. That night I just stayed up in my unit. Watching TV. Sleep. Eat. Calix also texted me. Calix ;Did you take your vitamins? Camille ;Yes, Daddy Calix ;Good, Mommy. Sleep well Pinatay ko na ang cellphone ko. Bwesit na lalaking iyon. Gusto ko lang naman siyang asarin pero ako parin pala ang talo. Nag text pa siya ng goodnight pero di na'ko nagreply. Updates lang dapat tungkol sa baby ko di na dapat lumagpas don. No commitment just responsibility. Tama, iyon nga! In another day, someone push the buzzer. I open it to assume it's Calix but it's not. Malaki ang ngiti nila at agad pumasok sa unit ko. Marami silang dala na paper bags "Hoy, na estatwa ka jan, Cammy. Ipag handa mo kami, bisita mo kaya kami." Gulat parin ako na nandito ang mga pinsan kong lalaki. Ngayon ko nalang sila nakita ulit dahil halos lahat sila ay busy. Si Seb naman galing lang Japan kaya marami agad pasalubong sa'kin pati narin sa ibang girls. Deritso naman sila upo sa couch. "Napadalaw yata kayo?" Sabi ko habang kumukuha ng orange juice. "Wala lang. Miss kana namin. Pinapunta ko rin sila Maye at Audy dito. Kakauwi lang din ni Reign ngayon." Tumango nalang ako sa sinabi ni Andi Nakakamiss din kasama ang mga ulupong na'to. Feel na feel at home naman sila. Sila pa nga ang kumuha ng foods sa fridge. "Puro naman gulay iyong fridge mo, Cammy. Wala ka bang canned soda or chichirya man lang? Masyado kang healthy living." Reklamo ni Drew. Binatukan ko nalang siya at sinabing wala na siyang mamili dahil iyan lang ang meron. Pumasok muna si Seb sa kwarto ko para magbihis. Mukhang dito na siya dumiretso ah. "Camille, what's the meaning of this?" Nagulat ako sa hawak ni Seb ngayon.... He's holding my ultrasound picture.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD