Prologue

492 Words
Prologue Papikit-pikit pa ang aking mga mata habang dahan-dahan akong bumababa sa hagdan, ng maulinigan ko ang seryosong pag-uusap nila Mom at Dad sa may sala. Madaling araw na rin ako nakatulog kanina nang dahil sa debut party ko na ginanap kagabi. Napahawak ako sa sentido ko nang bigla itong kumirot. Pakiramdam ko ay medyo lutang pa rin ako hanggang ngayon. But hell! The party was so awesome and great! Everything was okay last night. Except na lang sa iilang mga bisita na hindi ko naman personal na kilala. Para kasing may kakaiba sa kanila. Their skin looked pale and they're so expressionless. Hindi ko nga alam na may gano'n pa lang mga kaibigan ang parents ko. Actually, some of them seems familiar. Hindi ko nga lang alam kung saan ko sila nakita o kung nakita ko na nga ba talaga sila. Napailing ako dahil sa naisip. Lutang pa nga talaga ko. ''After 4 long years, I'm glad to know that he will come back,'' I heard Dad say. Napataas ang kilay ko nang dahil sa narinig. Sino naman kaya 'yong tinutukoy nila na babalik na? Eh, wala naman na kaming mga kamag-anak na nasa ibang bansa. All of them were already here. Well, that's what I know. ''Yeah. I still can't believe it. It looks like everything will happen according to the plan,'' Mom said so happily. Plan? What plan? Oh, my! What the hell are my parents talking about? ''Nicole will surely like him. I'm sure of that,'' Dad said confidently. Teka, bakit napasama ang pangalan ko sa kung anumang pinag-uusapan nila? Hindi na ko nakatiis at mabilis na tinahak ang daan patungong sala. Dad was the first one who saw me because he was facing my direction. His eyes widened in shock. Naguguluhang tiningnan siya ni Mom kung kaya naman ay napalingon rin ito sa may direksyon ko. They both stand up upon seeing me with their mouths hanging open. Ano ba ang nangyayari sa kanilang dalawa? I crossed my arms at them. ''Sino 'yong tinutukoy n'yo na babalik at magugustuhan ko?'' Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa na halata pa rin ang gulat nang makita ako. They looked like a criminal that has been caught doing some unforgivable crime. Ilang segundo pa ang lumipas bago sila tuluyang nakabawi. Then a wide smile formed on my Mom's lips that made me shiver. Parang may kakaiba kasi sa paraan ng pagngiti niya sa 'kin. Napalunok ako bigla. Malakas ang kutob ko na hindi ko magugustuhan ang kung anumang isasagot nila. Dad sighed, then looked straight at my eyes. ''It's... It's your fiancee that will come back.'' My jaw dropped on what he said. Bata pa lang ako ay may mga naririnig na ako tungkol sa magiging 'fiance' ko raw.  That I'm going to meet him once I turned the age of 18. But I didn't mind it and chose to ignore it. Dahil naisip ko na baka biro lang naman ang tungkol sa bagay na 'yon at hindi totoo. Pero ngayon... Wait. I just turned 18 yesterday! So, it means... ''What? No way!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD