Lolet. "Wow himala wala ka yatang dalang babae sir," pangiinis ko sa kan'ya habang naglalampaso. "Bakit ikaw wala yatang date?" Sagot n'ya naman, bago naupo sa sofa. Kakauwi nya lang at hindi ko alam kung saan galing. Pero mukhang pagod, baka sa company nila, pero pwedi ding sa bar or club. "Saan po kayo galing sir?" Kuryosong tanong ko. "Sa company malamang," pabalang niyang sagot. "Ikaw?" Aniya. "Po?" Kunot noong sagot ko. "What are you doing here? It's your day off right?" "Ahhh, oo nga po! Aalis naman po ako maya-maya pagtapos ko rito." "Don't do that, you may go now," anito. "Ayy grabe ka sir, sa tuno ng pananalita mo parang pinapalayas mo na ako," nakanguso kong bigkas. "What do you think?" Sagot pa niya na tila iniinis ako. "Tssk! Oo na lalayas na ako pagkatapos ko rito

