NAPATITIG si Verra sa sarili habang nasa loob siya ng banyo. Ilang buwan na ba ang nakalipas? Ilang buwan na ba siyang nagmumukmok habang nasa loob ng kaniyang kwarto at wala na yatang balak pang lumabas doon. Hinahatiran na nga lang siya ng pagkain sa kaniyang kwarto at halos 'di na niya makilala ang sarili.
Dark bags under her eyes, swollen skin, dry lips and her hair is like a nest. Kulang nalang ay ibon para mapugaran na ang buhok niya. Her face was puffy from crying. Ang hirap magmove on, 'yan ang masasabi niya. Ilang taon niyang minahal na halos sambahin na niya pagkatapos ay iiwanan lang siya. Sa ganda niya pang 'yan, talagang nakuha pa siyang lokohin ng Landon na 'yon?! How dare him?!
Biglang tumunog ang cellphone niya. Tamad niyang dinampot 'yon. She swipe it to answer it, ni hindi na niya tinignan kung sino ang caller.
"Hoy gaga!" Napangiwi siya ng marinig niya ang kaibigang si Lucy sa kabilang linya.
"Hmm?" She just moan. Wala siyang lakas para makipag-usap, ewan niya nga at bakit niya pa 'yon sinagot.
"Bumangon ka nga diyan sa hukay mo! Gugunaw na ang mundo! Lumabas ka nga diyan! We need to shop for upcoming BTS" BTS, na meaning ay Back to school. Oo nga pala, pasukan na pala at senior high na siya.
Tamad siyang bumalik sa kama. Humilata nanaman siya doon at hindi inabalang may kausap pa pala siya.
"Hoy bruha! Bumaba ka dito! Kailan ka lalabas diyan,huh?! Kapag binalikan ka ng taran-tadong 'yon?! Hindi ka na babalikan n'on dahil malaking cactus ang gungg-ong na 'yon"
Nakakarindi ang kaibigan niya pero bakit gusto niyang umiyak imbis na sigawan din si Lucy? Binanggit nanaman kasi nito ang tungkol sa nobyo niya...sa dating nobyo niya pala.
"I just want to sleep"
Pumalatak ito. "Hala hindi pwede! Bumangon ka riyan kung ayaw mong sugurin kita diyan at ako na mismo ang maghagis sa'yo papunta sa banyo para lang mahimasmasan ka"
"Fine" suko niya. Bakit niya ba naging kaibigan ang babaeng 'to? Well, kahit ganiyan si Lucy, she just love her. Ganoon ito kaalala sa kaniya lalo na ngayong grabe ang nararanasan niya. Hindi niya yata kayang magmove on.
She walked towards the bathroom and took a bath. Nilinisan niya lahat ng kasuluk-sulukan ng katawan niya. Pagkatapos n'on ay guminhawa naman ang pakiramdam niya. Napapangiwi pa siya kapag naaalala niya na halos wala siyang ligo. Baka lalo siyang hindi balikan ni Landon kapag naging kasing baho na niya ang kanal. Gross. Ew.
"DONE" tamad niyang bungad kay Lucy nang matapos siya.
Umangat ang tingin nito sa kaniya galing sa binabasa nitong magazine.
Sumimangot ito. "Bakit ang tagal mo? Ganoon na ba kakapal ang libag mo sa sobrang tagal mo sa banyo?"
Halos mapamura siya sa kaibigan, minsan nagiging kadiri ang bibig nito. Hindi yata talaga nito mapigilan ang bibig sa pagsasabi ng gustong sabihin.
"Nevermind, halika na nga. We need to shop para naman may maisuot tayo sa darating na pasukan"
SA isang maliit na mall sa Villa Larra lang sila nagpunta. May mga kilalang boutique naman doon. Kahit ano kasing suotin ni Lucy ay pwede but she have to wear a school uniform kundi ay baka mapagalitan siya sa kaniyang ama. Lucy is studying in Manila kaya okay lang sa eskwelahan nito na hindi mag-uniform, isa pa ay kayang paikutin ng ama nito ang pera masunod lang ang gusto ni Lucy.
Tumingin-tingin sila sa nakahilerang mga damit sa isang boutique, ang alam niya'y kilala ang may-ari ng boutique na ito. She's very successful and she really have a good taste pagdating sa fashion.
Pumili lang siya ng pumili. Hindi naman niya masusuot lagi ang mga ito sa eskwelahan. Marahil ay sa mga event and foundations lang nila.
"Oh my God!" Biglang tili ni Lucy kaya napalingon siya rito.
Tinaasan niya ito ng kilay nang makita itong amuse na amuse sa hawak na lingerie and two piece.
"Saan mo naman gagamitin 'yan?" Taas kilay niyang tanong rito.
Lucy rolled and eyes. "Isusuot" she said using the tone 'duh'.
Umirap lang siya sa kaibigan at tinaasan ito ng kilay. "Are you going to wear that in school?"
"Nope,baka ikamatay na ng mga lalaki kapag nakita nila akong isuot 'yan" puno ng pagmamayabang na ani'to.
Halos masamid siya. Ang kapal! "Go, praise yourself"
"Excuse me?" She raised her brow at her. "I'm just stating the fact, isa pa, I'm gonna use those for seducing someone"
Napanganga siya rito. She groaned. "Don't tell me..."
Ngumisi lang ito sa kaniya. "Then I don't"
Sinamaan niya ito ng tingin. "You're hopeless,babs" natatawa niyang sabi kay Lucy, but Lucy just smirked at her and she was sure that her bestfriend is up to something.
Lucy flipped her hair,"Halika na nga, bayaran na natin ang mga 'to"
Sumunod nalang siya sa kaibigan. Ito naman ang magbabayad kaya wala siyang problema, isa pa'y hindi niya naidala ang mga cards niya.
Pagkatapos nilang mamili ay napagpasyahan nilang manood nalang ng sine. Sakto namang mahaba ang pila kaya pareho silang nainip.
When they turned to buy tickets, may isang lalaking tumayo sa harapan ni Verra. He's tall kaya hindi niya makita ang itsura nito.
Ang lalaking 'to! Nakuha pa yatang sumingit! He used his charm as usual kaya nakuhang sumingit!
"Hoy kuya! Ako ang nauna sa'yo kaya kung pwede nga umalis ka diyan!" Malakas na hinampas niya ang balikat nito.
Verra heard him groaned. Unti-unti itong humarap sa kaniya and Verra shocked when she saw who the man is.
"Excuse me,miss. Nagmamadali kasi kami ng kasama ko kaya pwedeng mauna muna ako?" malamig na sabi nito.
Napanganga siya sa kagaspangan ng ugali nito. Kailan pa ba magbabago ang isang Prince Cage Monteverde? Hindi ito tulad ng inaakala ng lahat na isang prinsipe, he's opposite of being a prince. Baka ito pa ang kontrabida at bagay na bagay itong maging villain,but for all women out there, taliwas 'yon dahil tunay na prinsipe ang turing ng mga ito dito.
"Excuse me, I was the one who came here first then you probably used your charm to this..." Tinapunan niya ng tingin ang babaeng nagbibigay ng ticket. "Bwisit!" She needs to calm down. Binalingan nalang niya si Lucy at hinila. "Let's go, 'wag na tayong manood ng sine. Let us go home"
Umiling ito. "Pats, I really want to watch that, pumila nalang tayo ulit or tatawagan ko nalang si Primo para mapabilis pa" a smirk form her lips when she mentioned her personal butler Primo. Kaya naman talaga ni Lucy na gawin ang lahat in just a snap of her finger but now Verra won't allow that.
"No, let's just go home" gusto niya rin namang manood but her mood goes down because of that arrogant man named Prince Cage. Lagi talagang mainit ang dugo niya dito mula noon pa. Matagal na siyang galit sa mga playboy at mas lalong nadagdagan 'yon lalo na ngayong niloko siya ng kaisa-isang lalaking minahal niya.
Hindi pa sila tuluyang nakalalabas ng may biglang humatak sa kaniyang braso. Pinigilan niya ang mapatili lalo na nang kulang nalang ay mawalan siya ng balanse.
"Here. Take it" his cold voice sent shivers to her body.
Natahimik siya.
"Oh.My.God" mahinang bulong ni Lucy sa kanilang tabi.
Biglang tumaas ang init papunta sa kaniyang ulo. Umismid siya bago niya tinapunan ng tingin ang dalawang ticket na nilalahad nito.
"Anong gagawin ko diyan?"
He tsked. Tila nairita 'to bigla dahilan para mapaismid siya ulit. Their feelings are mutual. Naiirita rin siya dito. "Just accept it,okay?" His voice remains cold. As always.
Hindi niya agad 'yon tinanggap kaya hindi yata ito nakatiis at ito na mismo ang naglagay sa kamay niya. Walang sabi-sabing tinalikuran sila nito. Cage wrapped his strong arm in his girlfriend or must be one of his fling's shoulder.
"Let's go honey, sa condo nalang tayo" he said to his current fling.
"Bakit mo kasi binigay sa babaeng 'yon 'yong tickets?! I want to watch that movie pa naman!" Maarteng sabi ng babaeng kasama nito na kulang nalang ay pulang bilog para sa ilong nito at papasa na itong clown. Ilang patong kaya ng make up ang ginawa nito?
"You'll enjoy that..." Nilamon na ng kalayuan ng mga ito ang boses ni Cage. The girl giggled.
Napatunganga nalang siya sa tickets na hawak niya, binalingan niya ang kaibigang si Lucy na parehong laglag din ang panga.
"What was just happened?" 'di makapaniwalang sabi nito.
"She just gave the tickets to us" she obviously stated. "Sa atin din naman dapat 'to kaya 'wag natin tanggihan ang grasya"
They went inside the cinema. Okupado parin ng isip niya ang nangyari kanina. That was the first time Cage talk to her at 'yon ang unang beses na naging nice ito sa kaniya kaya hindi niya maiwasang hindi magtaka.
Ngumuso siya habang patuloy parin ang palabas. Ni hindi niya nga ito na-enjoy hanggang sa matapos na ang palabas.
"ALAM mo, hindi mo kailangan i-big deal 'yon. Remember, Prince Cage Monteverde is an ass, a certified playboy, a fucker and a walking pe-nis that need pu-ssies to f**k. Come on girl! Huwag kang mahulog doon, kanina ka pa tulala and 'I'm so inlove' was obviously written on your face!" Her friend Lucy exaggeratedly said. Tulala siya kasi first time 'yon at hindi niya inaasahan. Masyado lang talagang OA ang kaibigan niyang 'to. In love?! Oh come on! Hinding-hindi na siya ulit maiinlove!
"Stop it, Babs. Just eat tapos lumayas ka na"
Tinaasan siya nito ng kilay. "Pinapalayas mo'ko?"
Umiling siya. "Just leave and stop that topic about Cage, I don't wanna talk about him. Look, hindi pa ako nakakamove on at isa pa ikaw 'tong nagbibigay ng big deal sa nangyari kanina.Hindi.Ako!" Inis na niyang litanya.
Lucy groaned. "Sabi ko na nga ba,e. Landon again, kaya ka ba tulala kasi nag-iisip ka nanaman ng plano para maging kayo ulit?"
Hindi ganoon, wala na siyang balak pang balikan ang gag*ng ex niya dahil napag-isip-isip niya na hindi worth it ang binata. Hindi nito deserve ang kagandahan niya!
"Shut up,Lucy. I don't have time for that s**t. You need to go home. Pinapasakit mo lang ulo ko"
Lucy pressed her lips together. "I'm just trying to help and to comfort you but it seems that you didn't appreciated it" madamdaming sabi nito.
Napairap nalang siya dito. "Oh God, hindi mo bagay. Umuwi ka na nga!"
"Che! O'sya, bye na! 'Wag kang mahingi-hingi ng payo sakin,a. Hindi na kita dadamayan uli! Good bye, take care yourself, Love yah!" Binigyan siya nito ng halik sa pisngi.
"Bye, love yah too. Ingat sa daan. Madapa ka sana!" Pahabol niya rito nang tuluyan na nga itong umalis.
Naiwan nanaman siyang nakatunganga sa sala nila. Landon. Cage. Sino pa ba ang lalaking magbibigay ng sakit sa ulo niya. Thinking about them make her brain hurts! Mga bwisit na lalaki!
MABILIS na lumipas ang araw naging buwan at bukas na nga ang pasukan nila. Ni hindi pa siya nakakapag-ayos ng buhok at balak niya sanang magpakulot ngayon. Ganoon naman hindi ba? Kapag raw nagmomove on kailangang baguhin ang buhok. 'Yong iba nga ay nagpapaiksi ng buhok but for her she wouldn't cut her hair because of that scumbag. Hindi deserve ng Landon na 'yon ang maganda niyang buhok.
"Yaya! Where's Daddy?"
Nilingunan siya ng kaniyang yaya para sagutin. "Maagang umalis,ija. Si Carding nalang raw ang maghahatid sa'yo. Hindi ka na niya mahahatid dahil maagang umalis para raw sa meeting"
Tumango nalang siya bago niya dinampot ang isang hotdog at kinain 'yon. Wala na siyang sapat na oras para kumain pa.
"Bumalik ka dito Verraline! Kailangan mo munang mag-almusal!" Sigaw ng kaniyang yaya but she just waved her hand to her maid.
"Late na ako,yaya! Sa canteen nalang ako kakain!"
Nag-aabang na si Mang Carding sa tabi ng kanilang Van. Pinagbuksan muna siya nito ng pinto bago ito umikot sa driver seat.
Nakarating siya sa University nila and she's a senior now. Napasimangot siya nang may maalala sa University na 'to. She and Landon spent many memories here. Happy and bad. Lahat 'yon binigyan niya ng halaga na nauwi lang naman sa hiwalayan.
"Hey Verra!" Matinis na sigaw ni Donna, isa sa close niyang kaklase mula naghigh school siya,ang kaniyang narinig.
Bumaling siya sa kanan at nakita niya ito kasama sina Cyrene, Maricar, Caesy and Kathlene. They are all sophisticated liban nalang sa inosenteng si Caesy, she's wearing her thick eye glasses with books in her hands. A typical nerd but she's pretty. Nakatago nga lang.
"Hey girl! Balita ko wala na kayo ni Landon? Anyare?" Sumikip ang dibdib niya nang bungaran siya ni Cyrene ng tanong na 'yon.
"Yeah, it's true" mahina niyang usal.
"Tumigil ka nga Cyrene. Gumana nanaman 'yang pagkachismosa mo. Kakasimula lang ng pasok,e" Maricar butted in.
"I just want to know. Ang KJ mo!" Cyrene laughed but she finds it irritating.
Kathlene poked me. "Ayos ka lang,te? Move on na ba?"
Sinabunutan naman ito ni Maricar. "Isa ka pa,e!"
"Aray,a!" Kathlene tsked. "Titigil na! Makasabunot naman 'to!"
Umirap lang si Maricar rito. "Guys, sa cafeteria nalang tayo, okay?"
Sabay-sabay naman silang tumango. Isang maingay na cafeteria ang bumungad sa kanila. Namiss niya tuloy bigla ang kaibigan niyang si Lucy. Kung narito ito ngayon dito ay sigurado siyang nakiki-ingay na rin ito ngayon.
Nailibot niya ang kaniyang tingin sa buong cafeteria. Tila nanlamig siya nang matuon ang kaniyang mata sa malamig na titig ni Cage sa kaniya. Siya na ang unang umiwas ng tingin saka niya pilit na nilunok ang batong nakabara sa lalamunan niya.
"Anong gusto niyong kainin?" Caesy asked.
"Manlilibre ka?" Nakataas kilay na tanong naman ni Kathlene.
"Nope, just asking" saka ito tumayo para umorder ng sariling pagkain.
Kaniya-kaniya naman ang irap nilang lahat.
Nakaorder na sila ng pagkain nang biglang bumukas ang pintuan ng cafeteria. Napasinghap silang lima nang makita ang dalawang taong kakapasok lang sa cafeteria.
Her heart broke into pieces. Agad na nag-init ang kaniyang mga mata nang makita kung sino ang dalawang taong kakapasok lang.
Landon's arm was around Mylene's shoulder. His eyes were twinkling in so much happiness. Ni minsan hindi niya nakita ang dating kasintahan na ganoon kasaya. What's the meaning of this? Si Mylene ba ang bagong kasintahan nito? Ang sarili niyang kaibigan?!
"That b***h! Magbabayad siya!" Tuluyan ng nagdilim ang kaniyang paningin. Binalot ng matinding galit ang dibdib niya. Hindi siya papayag na hindi niya maubos ang buhok ng malanding kaibigan niya na paniguradong umakit sa lalaking pinakamamahal niya!
Her world collapsed and her heart broke into pieces, on that day she curses and hates all the men in world.
Makikita ng lahi ni Adan na hindi dapat minamaliit ang mga kababaihan dahil hindi habang-buhay na magtatanga-tangahan ang mga kalahi niya.
Men are assholes, hinding-hindi na siya mahuhulog sa mga lalaki hanggang sa huling hininga niya, oo, hanggang huling hininga niya lang dahil ang Forever na pinapaniwalaan niya noon ay tuluyan na niyang inalis sa kaniyang utak. Forever doesn't exist, it's just made you stupid for believing for that s**t!