Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Dahil may konting liwanag pa naman na galing sa labas at may naaninag pa siya sa loob ng silid ay hindi na siya nag-abalang buksan ang ilaw dahil baka magising si Mina. Napansin niyang nakasindi ang ilaw sa banyo, baka gising na si Mina, kaya hinintay na lang niya hanggang lumabas ito, ngunit, mayamaya ay may narinig siyang ingay sa loob. Lumapit siya sa pintuan upang pakiramdaman kung ano ang nangyayari doon. Gumuhit ang gitla sa noo niya dahil mukhang sumusuka ito, kaya agad niyang binuksan ang pintuan at tiningnan si Mina sa loob. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita niya itong sumusuka at mukhang hinang-hina na. “Mina! Are you okay?” Agad niyang nilapitan ito at inalalayan. Hinagod niya ang likod nito dahil patuloy pa rin itong sumusuka ka

