Magkakasunod akong napakurap. Pero hindi pa rin ako nagpapaawat. Agad akong sumunod dito. Gulong-gulo talaga ang utak ko. Pero kailangan kong malaman ang totoo kaya naman muli akong sumunod sa aking Ina. Hindi ako puwedeng magkamali at alam kong siya ang aking nawawalang Ina. Ang nunal nito sa leeg na kulay pula at medyo malaki ay alam kong tunay. Mas naging sosyal lamang siya ngayong tingan kumpara sa dating ayos nito. Malalaki ang aking hakbang para sumunod ulit dito. Ngunit bigla itong lumingon sa akin at kitang-kita ko ang galit sa mukha nito. “Ano bang problema mo, pangit! Puwede ba huwag mo akong sundan. Saka isa lang ang aking anak. Wala akong ibang anak. Kaya puwede ba! Lubayan mo ako!” malakas na sigaw nito sa akin. Nagbuntonghininga muna ko. “Ano po bang nangyari sa inyo? Bak

