Hindi ako makakilos ng mga oras na ito. Hindi pa rin ako umaalis dito sa ibabaw ni Xavier. Sobrang higpit pa rin nang pagkakahawak nito sa akin at para bang ayaw akong bitawan. Kasabay noon ang pagkahalik sa aking labi ng mariin. Aaminin kong sobang nalasing ako sa bawat halik ni Xavier. Parang may nag-uutos sa akin na hayaan ko lang ito sa ginagawa nito sa aking katawan. Mayamaya pa’y mabilis niyang pinagpalit ang pwesto namin at ako ngayon ang nasa ilalim niro. Tumingin ako sa mukha ni Xavier at kitang-kita ko ang matinding pagnanasa nito habang nakatingin sa akin. Tingin ko rin ay hindi na ito magpapaawat pa. Muli na naman sana akong hahalikan nito nang mabilis kong iniwas ang aking mukha. Kaya tumama ang labi niya sa aking leeg. Hindi pa ito ang oras para sa aming dalawa ni Xavier.

