Chapter 67 Jesirey’s Pov NANDITO na kami ni Evelyn sa coffee shop. Pinaupo ko na muna siya dahil kakausapin ko na muna ang staff ko. Gusto ko lang kamustahin ang negosyo. Maayos naman at sinabi na din nila ang mga kulang. May binigay sila sa ‘kin na listahan kaya kinuha ko yun saka ako naglakad papunta sa table kung saan naka pwesto si Evelyn. Doon ko nalang iche-check ang mga kulang kaysa pumunta pa ako sa maliit kong office. Umupo ako sa katapat na upuan ni Evelyn saka ko ipinatong ang dala kong papel. “May sarili ka po palang negosyo, ma’am Jhie.” Sabi ni Evelyn habang nakangiti. “Ah.. oo. Matagal na din ang coffee shop ko.” Sagot ko kay Evelyn. “Maganda po ang shop mo, ma’am Jhie.” Papuri niya kaya napangiti ako. “Salamat. Teka.. umorder ka ng kape mo. Ako ng bahala magbay

