Chapter 68 Jesirey’s Pov KASAMA KO PARIN si Evelyn sa loob ng office ko. Tinanghali na kaming dalawa kakalinis at sa wakas ay natapos din namin. Kailangan ko talaga siyang ilibre para kahit papano ay makabawi ako. Kahit katulong siya ni Demetri ay kailangan ko parin siyang ilibre. Magbibigay din ako ng pera sa kanya para naman mabayaran ko ang pagtulong niya sa ‘kin. Hindi din naman kasi biro ang nilinisan namin. “Tama na yan, Eve. Okay na yan..” sabi ko sa kanya na balak na naman sana linisan ang maliit kong banyo sa loob ng office. Masyadong masipag ang babaeng ‘to. Siguro ay sanay talaga siya maglinis. Kaya pala nong unang dumating siya sa bahay ni Demetri ay sinabihan niya ako na hindi masyadong malinis ang bahay. Nahiya ako do’n dahil para na niyang sinabi na hindi ako magaling

