bc

Hello Again, Ex-Husband

book_age18+
16.6K
FOLLOW
100.2K
READ
friends to lovers
self-improved
CEO
single mother
heir/heiress
sweet
bxg
city
cheating
like
intro-logo
Blurb

YOUNG CEO'S CLUB #1

"Sana'y di na lang kita minahal..."

SERENA VALERIE SANDERS, a woman who's world revolves around her husband. They've been married for two years before she gets fat and been shamed because of her body. She's one of the four heiress to the Lopez Clan who dominates the hotel industry in the country.

CALVIN MARCUS SANDERS, a husband who loves his wife, and his ex. He sits as The Young CEO'S Club President while running his family's empire.

ARKIN ILUSTRE ADLER, a man who loves this one woman and willing to sacrifice his happiness, just to make her happy. Can he just watch the love of his life go in despair or will he help stand her up?

To what extent could they fight for their love?

DISCLAIMER:

Names, places, and events are all product of my imagination.

This story consist explicit words, graphic s****l scenes, and violence. R-18

Read at your own risk.

Plagiarism is a crime, basa lang tayo peepz.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 IMAHE
SERENA I'm busy preparing for my meeting later nang umakyat si Nana Rosa at may iniabot sa aking envelope... To Mrs. Sanders. I don't know why but I suddenly felt nervous, there is something in this envelope that's telling me na may hindi magandang mangyayari ngayon. Inilapag ko ang envelope sa dresser ko at pinag-isipang mabuti kung bubuksan ko na ito. Nang tingnan ko ang telepono ko kung may message na ba o tawag sa'kin si Calvin ay nadismaya ako, it's been three weeks pero hanggang ngayon ay nakapatay pa rin ang cellphone niya. Matagal kong tinitigan ang sarili sa salamin bago inabot muli ang envelope. Sa nanginginig na mga kamay ay binuksan ko ito, isang sulat ang unang nakapukaw ng pansin ko. "I hope you find my gift to be helpful Serena. If you happen to see this, go to Sanders Realty, Calvin is waiting there for you. Love, Angie." "Who the hell is Angie?" tanong ko sa sarili. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at sinilip ang iba pang laman ng envelope, and there I saw Calvin in a room, topless, his body is spread on the bed with a woman sleeping beside him. There's a watermark on the side of the picture stating the date and time the photo was taken, February 14, 20**. 4:53pm. It was just last week, Valentine's Day. Napatakip ako sa bibig ko at sunod sunod na tiningan ang iba pang litrato, si Calvin kasama ang isang babaeng nakatalikod habang yakap niya, nasa dagat sila at mukhang masayang-masaya. Hindi ko napigilan ang mabilis na pagpatak ng mga luha ko at parang masokistang ipinagpatuloy ang pagtingin sa mga litrato. Mayroong kuha na nasa isang restaurant sila, in a candlelight dinner... holding hands. Sa lahat ng litrato ay hindi ko makita ang mukha ng babae, paano ay palaging nakatalikod ito o natatakpan ng buhok ang mukha niya. "Ito ba ang pinagkakaabalahan mo Calvin sa ilang linggong hindi mo pag-uwi? Alalang-alala ako sa'yo pero heto ka, mukhang kinalimutang may asawa ka at nasa kandungan ng iba..." sa galit ay naibato ko ang mga litrato. Sa lahat ng litrato ay nakangiti si Calvin, bagay na kaytagal ko nang hindi nakikita... Isang taon na nga ba? Ang pinakamasakit ay makitang may kayakap siyang ibang babae sa kama, mukhang kinunan ito mula sa labas ng kwarto dahil may reflection pa ng camera. Pinunit ko ang litrato kung saan nasa ibabaw niya ang babae na nakatakip naman sa bibig at hindi ko pa din makilala. May isang litrato na umagaw ng pansin ko dahil may nakasulat sa likod nito, a photo of Calvin kneeling infront of the woman, it looks like he's proposing in the shore in sunset. Halos madurog ang puso ko dahil sa sakit na makitang nagpo-propose ang asawa ko sa ibang babae habang kasal pa kami. 'Amanpulo with my fianceé, 2-14-20**' Pinunit ko ito, pinulot ko ang mga litrato at ibinalik muli sa envelope bago lumabas ng kwarto. Narinig ko ang pagtawag ni Adela, isa sa mga kasambahay namin ni Calvin. Tinatawag niya ako marahil para magkape at mag-almusal bago pumasok sa trabaho, pero ilang araw na akong walang gana at madalas magsuka sa umaga. Magpapacheck-up na sana ako ngayon kaya maaga akong aalis pero dahil sa envelope na dumating ay nawala na sa isip ko ang pagpunta sa ospital. Nagmamadali akong sumakay sa sasakyan ko at umiiyak na tumungo sa kumpanya ng asawa ko. Paghinto ng sasakyan ay inayos ko ang sarili ko, naniniwala akong baka may sumisira lang sa amin ni Calvin, baka edited lang ang mga litratong 'yon. 'Magtiwala ka lang Serena, mahal ka ni Calvin' positibong bulong ng isip ko. Naglalakad ako sa hallway ng office ni Calvin. Pagdating sa executive wing ay nakita ko agad ang sekretarya niya at naging kaibigan na rin na si Camille. Malakas ang kabog ng puso ko habang papalapit sa desk ni Cam. Nanlaki naman ang mata ni Camille pagkakita sa akin. "F-first Lady! S-sandali m-may ka-meeting si boss... Yna!" Pero parang wala akong narinig at nilagpasan lamang siya. Pipigilan pa sana ako ni Camille nang may marinig ako mula sa loob. "Ooohh Babe yeah... that feels good..." halinghing ng boses babae sa loob. Sinakluban ng sobrang kaba ang dibdib ko. Pero may tiwala pa rin ako sa asawa ko at naniniwalang hindi ako lolokohin nito. "Ooh Calvin baby... " Natulos ako sa kinatatayuan ko, hahatakin sana ako ni Camille nang buksan ko ng marahan ang seradura ng pinto at inawang lang ng maliit. Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa nakita, Calvin is on his swivel chair while a woman is riding him. Nakapikit si Calvin na nakasandal pa ang ulo. "Yes baby that's it... hump me more..." turan ng aking asawa habang nakapikit pa rin at ang kamay ay nasa bewang ng babae. Napatakip ako ng bibig at halos mawalan ng balanse sa aking nasaksihan. Mabuti at inalalayan ako ni Camille kundi ay bubuwal na ako. Walang pakialam ang dalawang taong pinapanood namin at tuloy pa rin sa ginagawa. Napansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Camille, halata ang kaba sa mukha nito, bakit? Matagal na ba niyang alam na ginagawa sa akin 'to ni Calvin? Gusto kong magtanong ngunit nanatiling tikom ang bibig ko sa sakit na nararamdaman ko. Mukhang hindi narinig ng dalawang magkaulayaw ang pagbukas ng pinto dahil sa sidhi ng pagnanasa nila sa isa't isa. Hindi ko na kinaya ang nakikita kaya tumalikod na ako at hinatak pasara ang pinto sa opisina ni Calvin. Kahit ganoon ang nadatnan ko ay ayaw ko pa ring masira ang reputasyon ng asawa ko. 'Why Calvin? Nagtiwala ako sa'yo. 'Di ko pinakinggan mga sinasabi ng mga kaibigan ko... Mahal kita kaya malaki ang tiwala ko sa'yo pero ano 'to?' at nagsimula nang pumatak ang masaganang luha sa mga mata ko. Naninikip ang dibdib na nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakatingin sa kawalan, nararamdaman ko rin ang sikmura kong parang hinahalukay. Hawak ang bibig ay lumakad ako palabas ng building. Nakatingin sa akin ang mga empleyado ng Sanders Builders, ang iba ay nagulat, ang iba naman ay naiiling, ang iba naman ay lungkot ang makikita sa mga mata. 'May alam kaya sila sa kalokohan ni Calvin?' Muling kumirot ang puso ko sa kaisipang pinagkaisahan ako ng lahat. Paglabas ng building ay hindi ko na napigilan at nasuka ako sa gilid ng mga halaman, lumapit sa'kin ang guard at nagtatanong kung ayos lang ako at ikukuha sana ako ng tubig, tumanggi ako at pinahid muli ang luha ko habang naglalakad papalayo. Tumingala ako sa langit at lumuluhang bumulong, "Ito na ba? Oras na ba para sumuko? Isusuko na ba kita Calvin? Lalaban pa ba 'ko? Mahal na mahal kita pero sobrang sakit nito..." hawak ang dibdib at patuloy na lumuha sa gitna ng daan kahit maraming nakakakita sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.3K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
41.4K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.1K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook