[Lea's POV]
"H-huh? Mom naman, hindi nga ako pinapansin nun."
"Sinong Cy ba yan?" Tanong ni Dad.
"Yung crush ng anak natin simula noong elementary. Hindi mo pa ba iyun nakikita? Siya yung palaging hakot award sa stage."
"Si Theo ba? Akala ko bakla yun." Sinamaan ko ng tingin si Dad sa kanyang sinabi. Si Cy? Bakla? Come on!
"Seriously, Dad? Baka bigyan ka namin ni Cy ng apo ay baka magwala ka." Malakas akong napatawa nung siya naman ang sumama yung tingin sa akin.
"Huwag mo akong mabiro nang ganyan, Eleanor." Napanguso na lamang ako at hindi na sumagot nung tinawag niya ako sa aking second name. Tss, pikon lang si Dad, e.
.
"Hoy, parang gaga ka talaga, Lea. Ba't naman hindi ka nakagawa ng essay?" Nakakunot-noong turan ni Pia sa akin bago umupo sa harapan ko.
"Nakalimutan ko, e... hehe." Napakamot ako sa aking ulo nung maalala yung nangyari kanina. Sinermunan ako ng english teacher namin kasi ako lang yung walang essay. Narinig siguro ni Pia mula sa mga kaklase ko kaya siya naman yung sumesermon sa akin.
"Are you crazy? Baka matanggal ka sa varsity team niyan."
"Ako? Matatanggal? Baka nga sila pa yung magmakaawa na huwag akong umalis. I'm the only best player they've got. The team made it this far because of me." Mayabang na sagot ko at binigyan siya ng mapanghamong tingin. Pia just frowned at me before shaking her head in disappointment.
"You still need to maintain your grades, Lea. Kahit magaling ka pa, hindi ka pa rin matatanggap sa mga universities kung palya yang grades mo."
Hindi lang maintindihan ni Pia kasi iba yung goal niya sa paglalaro. You need to give your all kung gusto mo talagang manalo.
Habang papunta kami sa aming next subject ay hindi ko maiwasang mapatigil nung makarinig ng pagtunog ng bola. Bago kasi kami makapunta sa kabilang building ay madadaanan namin ang lawn tennis court.
May naglalaro ba?
Tumingin ako sa mga kaklase ko at dire-diretso lang silang naglalakad papunta sa ICT building.
Nagdalawang-isip pa ako kung papasok ako. Kasi naman, e! Paanong may maglalaro, eh may klase pa nga. Sabi ni Coach ay bawal mag-practice kapag hindi pa dismissal.
"s**t," bulong ko at pumasok na ng court. Mabilis lang talaga ako... promise!
Nung makapasok na ako ay pinanliitan ko ng aking mga mata ang babaeng naglalaro. Hindi siya part ng Lawn Tennis Team ng PHS at ngayon ko lang siya nakita rito.
Naglalaro siyang mag-isa at kalaban niya ang tennis wall. Matangkad siya at kinulayan yung buhok niya ng kulay brown. Mukhang may lahi rin itong British.
Napahawak ako sa dibdib ko nung makaramdam ng hindi pangkaraniwang pagpintig ng puso ko. Kahit pader lang yung kalaban niya ay makikita mong mahusay siya sa paglaro at nag-ensayo talaga nang mabuti.
"Who's that?" I asked Lanz when I saw him standing outside Coach's office.
"Siya yung transferee. Pinayagan siya ni Dad na mag-ensayo para sa try-out mamayang dismissal."
"Anong pangalan niya?"
"Violet. Violet Barty, galing Australia yan. Noong isang linggo pa sila dumating dito sa Pinas."
Australia... isa sa mga powerhouse ng lawn tennis sa buong mundo. Common sport yung lawn tennis sa Australia kaya hindi biro kung galing sa bansang yan ang makakalaban mo.
"Ikaw si Adelaide right? Ang Lawn Tennis Queen ng PHS?" Nagulat ako nung makitang naglalakad na pala siya papunta sa gawi namin. Incredible, she's smoothly fluent in tagalog.
"Lea, just call me Lea. Hindi ako sanay na tinatawag ako sa real name ko." Peke akong ngumiti at sinuri ang kabuuan niya.
Ang ganda niya at mukhang mayaman din. Hindi ko maiwasang mainggit nung makita ang racket na bitbit niya... oversize na Wilson.
Medium sized lang yung akin at plain black and white habang yung sa kanya ay kulay yellow at pink naman sa loob ng kanyang frame.
"Lea... Hmm." Napataas ang kilay ko nung tila sinusuri rin pala niya ako.
"Seriously? Ikaw si Lea?"
"Oo nga. Paulit-ulit? Maganda ka nga, bingi naman."
"Lea!" Siniko ako ni Lanz dahil sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "What?" Iniling lang niya ang kanyang ulo at napabuga ng hangin.
"I... I just never thought that you're this short," she smirked.
"Ano raw?" Pabulong na tanong ko kay Lanz dahil sa accent at bilis umenglish ni Violet .
"Sobrang pandak mo raw." Nanlaki ang mga mata ko at agad na dumilim ang aking mukha.
Pandak... ako?
"Oh, really? You better know your place, transferee, it is the Lawn Tennis Queen you're talking to."
"I never seen you played, so I won't expect that you'll be so good."
"Edi kalabanin mo ako nang magkaalaman tayo." I said and started unbuttoning my uniform. I have my tennis shirt under and of course, my cycling shorts underneath my skirt. I'm ready to play anytime I want.
"Lea, may klase ka pa at pinagbabawal ni Dad na maglaro habang may klase pa!" Suway sa akin ni Lanz pero ngumisi lang ako.
"Don't worry, i'll end this quickly... and with no mercy."
.
Hinihingal akong pumasok ng room at lahat agad ng mga mukha ay napalingon sa akin.
"Miss Gonzaga, where have you been?! You're twenty minutes late, buti ay naisipan mo pang pumasok."
"Sensya na po, Ma'am, tumae po kasi ako at nahirapan akong maghanap ng tissue." Agad na humalakhak ang mga kaklase ko sa aking palusot.
"Go to your seat now, Miss Gonzaga. Ibang klase rin yang palusot mo."
Yumuyuko na akong dumiretso sa upuan ko na hindi natatanggal ang ngisi. Hanggang yabang lang pala ang Cana na iyun. Isipin mo, hindi nga tumagal ng tatlumpong minuto ang laban namin.
"Kindly get one-fourth piece of paper for our short quiz containing the lesson we have discussed earlier which is about Computer Programming."
Computer... ano raw? Binuksan ko ang bag ko na kinakabahan kasi ako lang yata ang walang kaalam-alam kung anung Computer ba ang diniscuss kanina. Tumingin ako sa ICT teacher namin at tinaasan niya ako ng kilay kaya pilit lang akong ngumiti sa kanya bago ko sinulat ang pangalan ko sa one-fourth.
Identification pa talaga... tangina naman.