bc

BASTARDO #5: THE CRAZIEST JERK IS IN LOVE ( Tagalog )

book_age18+
16.5K
FOLLOW
83.2K
READ
billionaire
revenge
forced
police
doctor
heavy
serious
office/work place
others
abuse
like
intro-logo
Blurb

Kyle Anderson ay dating pulis at kaya siya umalis sa serbisyo ay dahil sa mga tiwaling opisyal. Galit siya sa mga corrupt official at sa mga hindi marunong sumunod sa batas. Higit sa lahat ay ayaw niya sa mga babaeng kulang na lang ay tumihaya sa kaniyang harapan. Mababa ang tingin niya sa mga babaeng hindi makapaghintay na ligawan. Isa na rito ay ang babaeng sumira sa araw ng kaniyang kasal dahil sa kalandian.

Kaya hindi niya kailanman pagsisisihan ang ginawa niya sa babaeng iyon. Tama lang na pinalasap niya ang hindi nito kailanman makakalimutan.

Maliit palang si Zoey, ay nakatanim na sa puso at isipan na ang lalaking nagbigay ng bracelet sa kaniya ang mamahalin at mapapangasawa niya. Kaya naman nagsikap siya at sumumpa sa sarili na someday ay maging isang successful surgeon, at nagtagumpay siya. Subalit sa paghahangad na mapalapit sa lalaking minamahal ay naging dalagang Ina siya. Nagbunga ang panghahalay sa kaniya ng lalaking labis na sinamba at minahal. Ngayon ay napalitan na iyon ng poot, galit at pagkamuhi sa kadahilanang kaya pala siyang ipamigay sa kaibigan nitong lalaki.

chap-preview
Free preview
Prologue

KYLE POV.


Kanina pa ako nakahiga, pero hindi pa rin dalawin ng antok. Heto at gising na gising pa rin ako. Lately madalas na pumapasok sa alaala ko ang batang babae na iyon. Kumusta na kaya siya, siguro dalagang dalaga na, maganda at hot. Baka nga may boyfriend na rin siya ngayon. At siguro ay hindi na rin niya tutuparin ang pangako niya noong mga bata pa lamang kami. O baka naman ay nag-asawa na siya at siguro natupad na rin ang pangarap niyang maging isang magaling na doktor?


Nakaramdam ako ng disappointment at kirot sa dibdib, lalo pa ngayong ilang weeks na lamang ay ikakasal na ako. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita. Kagaya ng kanyang iniwang pangako. Talagang lahat ng pangako ay walang katotohanan.


Kinabukasan ay nagising akong masakit ang aking ulo. Kaya naman ay tumuloy agad ako sa loob ng banyo upang makapag hilamos. Matamlay din ang aking pakiramdam hanggang bumalik sa loob ng kwarto. Muli akong nahiga, lately parang may gusto akong gawin na hindi ko matukoy kung ano. Pero kailangan kong pumasok sa opisina. Kaya kahit mabigat ang aking pakiramdam ay muli akong bumangon at nalakad papasok sa loob ng banyo upang maligo.


At hanggang sa opisina ay hindi pa rin ako mapalagay. Ngunit marami akong trabaho kaya sinikap kong pansamantalang kalimutan kung ano ang mga gumugulo sa aking isipan.


Ginawa kong busy ang aking sarili sa maghapong pagtatrabaho. Upang mawalan ng puwang ang mag-isip nang walang kwentang bagay. Mabuti na lang at marami ang mga papeles na kailangan kong pirmahan kaya hindi ko na masyadong namamalayan ang paglipas ng mga oras.

 

"Sir, almost 2-PM, na at hindi ka pa rin kumakain.”

 

"Paki-order mo na lang ako ng pagkain at dito na ako kakain ng lunch.”

 

"Sige po, Sir.” nakangiting sagot ng aking mabait na secretary.


-

 

Matuling lumipas ang mga araw at naging kainip inip sa akin ang bawat oras. Wala akong ganang magtrabaho kaya sumandal na muna ako. Kailangan ko rin yatang ipahinga ang aking mga mata. Kaya pumikit na muna ako upang kahit paano ay mabawasan ang pananakit.

Nang biglang pumasok sa aking isipan ang babaeng walang sawang lapit nang lapit sa akin. Maganda, sexy at hot, hindi ko iyon maitatanggi. Pero ayaw na ayaw ko sa mga ganitong uri ng babae. Halos ibalandra na sa harapan ko ang sarili at kulang na lang yata ay yayain akong mag s*x kami. Syempre hindi ko siya pinapatulan. Kaya siguro matapos ko siyang tanggihan. Kung saan saang bar siya pumapasok at kung sino-sino ang kasama niyang lalaki. 


Nang tawagin ako ng aking secretary ay bumalik ako sa realidad.

 

“Sir, narito na po ang lunch mo.”

 

“Salamat,” saka pa lamang ako nakaramdam ng gutom. Kaya mabilis na nilapitan ko iyon at agad na kinain.

 

Muling lumipas ang mahabang oras ng hindi ko namamalayan. At kung hindi pa kumatok ang aking secretary ay hindi ko pa malalamang gabi na pala. 

 

"Sir hindi pa ho ba kayo uuwi? Almost 9-PM, na at naka-uwi na ho ang lahat ng mga trabahador.”

 

"Y-yeah, pauwi na rin ako, salamat.”

 

Inayos ko ang aking sarili at dinampot ang coat na nakasabit sa sandalan ng upuan. Pagkatapos ay tuloy tuloy na akong lumabas ng aking opisina. Mga panggabing guard na lamang ang tanging naiwan sa building. Matapos nilang bumati sa akin ay nagpaalam na ako sa kanila. Pagdating ko sa aking sasakyan ay naisipan kong tawagan ang kaibigan kong si Lexus.

 

"Tol, dating gawi.”

 

"Sige, mag kita tayo doon, Pare.”

 

Sa bar counter ako naupo at agad na nag order ng hard liquor. Hindi naman nagtagal ay dumating ang kaibigan ko. Nagpatuloy kami sa pag inom. Hanggang matawag ang aking pansin sa isang babaeng nagpoprotesta.

 

“Ano ba bitiwan mo nga ako!”

 

"Huwag ka ng umarte b*tch! Sisiguraduhin ko naman na mararating mo ang langit.”

 

"F*ck you! Asshole! Sabi ng bitawan mo ako!”

 

"Pare, tingnan mo ang hot ng babaeng yon. Teka lang parang si Sexy Lady, yon ah!”

 

"Baka Lady Gaga! Hindi Sexy Lady!” natatawa kong sagot sa kaibigan kong si Lexus.

 

"Hypocrite! Kundi ko pa alam ay pinagnanasaan mo rin kaya ang babaeng yon huh!”

 

"G*go! Wala akong pakialam sa mga ganyang klase ng babaeng may mababang uri!”

 

"Bakit ba ganyan ka sa kaniya? If i know naaakit ka sa babaeng iyon, aminin?” pangungulit pa ng aking kaibigan.

 

"Pwede bang manahimik ka pare?!” at mabilis akong tumayo . Upang lapitan ang babaeng patuloy na nagpupumiglas. At kahit medyo madilim ang ilaw sa pwesto namin. Nakita ko pa ang pagtataka sa mukha ni Lexus. Kaya sininyasan ko siya at agad namang sununod siya sa akin. Pagdating ko sa kinaroroonan ng babae ay malakas kong sinipa ang lalaking pilit na kumakaladkad dito. 

 

"Holy sh*t! Sino kang tarantado ka bakit ka nakikialam?”

 

"Huwag kang mamilit ng babae kong ayaw niya sayo!” at inisahan ko pa ng sipa. Kaya naman ay tuluyan nitong nabitawan ang babae ng mapalupasay ito sa sahig.

 

"Tama na pare, baka mapatay mo ang lalaking iyan!”

 

"Bitawan mo ako Dude, at bibigyan ko lang ng leksyon ang gagong ito!”

 

"Ano ka ba naman, alalahanin mong kasal muna bukas! Baka gusto mong sa jail ka lipasan ng gabi?”

 

Sa halip na sumagot ay binalingan ko ang babaeng lasing. Halos mabuwal na rin ito sa pagkakatayo dahil sa kalasingan. 


 "And you sl*t! Mag-iinom ka ng hindi mo pala kaya!” malakas kong sigaw sa kanya ngunit tila hindi naman ako niya naririnig. Kaya sa sobrang inis ko ay walang kahirap hirap ko siyang binuhat. Animo'y isang sakong bigas nang isampay ko siya sa aking balikat.

 

"Dude, Pakilagay ang bag niya sa kotse ko.”

 

"Pare, ipapaalala ko lang sayo na kasal mo bukas.”

 

"Alam ko, bye!" At humarurot na ang sasakyan ko palayo. Ngunit bigla akong napaisip kung saan ko nga ba dadalhin ang babaeng ito? Kaya pansamantala ay huminto ako sa gilid ng kalye. Pero walang pumasok sa aking isipan kundi sa mansion ng ama ko. Kaya muli kong pinasibad ang sasakyan patungo sa mansion Montemayor. Pagdating ko sa pintuan pa lamang ay nakasalubong ko si Mommy Cleo. Ang step mom ko, at kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.

 

"Kyle! Anong nangyayari, Hijo, at sino ang babaeng yan bakit mo siya dinala dito?"

 

"Ang babaeng ito ay sakit ng aking ulo! Kaya maaari ba na dito muna siya magpalipas ng gabi, Mommy Cleo?”

 

"Who is she? Nakalimutan mo yata ang kasal mo bukas?"

 

"Hindi ko po nakakalinutan at ang babaeng ito. Nakuha ko sa loob ng isang bar na nagpakalasing. Hindi naman pala kayang dalhin ang sarili."

 

"Bakit mo siya dinala dito?"

 

"Wala akong mapagdalhan sa kanya kaya dito ko siya dinala."

 

"S-Sige iakyat mo na siya sa guestroom at magpahinga ka na rin or else haggard ka bukas sa mahalagang araw mo.”


"Okay Mom, salamat.” tinalikuran ko na ang step mom ko at umakyat na ako sa guest room. Pagbagsak kong ibinaba ang katawan ng kinaiinisan kong babae. Pagkatapos ay agad ko siyang tinalikuran at nagtungo na ako sa aking kwarto. 


Subalit hindi ako mapalagay habang nakahiga ay laman ng aking isipan ang babaeng yon sa guestroom. Kaya bumangon ako at pinuntahan siya. Nang makita ko ang nakatihaya na katawan ay hindi ko mapigilan ang init na biglang lumukob sa aking katawan. At tuluyan na akong nagpadala sa tawag ng kamunduhan. Total matagal ng lapit nang lapit sa akin ang babaeng ito kaya dapat ng pagbigyan.


Kinabukasan ay ginising ako ng sunod sunod na katok. At nang magmulat ako ng mata ay nagtaka pa ako kung bakit wala ako sa sarili kong kwarto. Hindi ko sana papansinin ang kumakatok. Ngunit nang maalala ko ang araw na yon ay mabilis akong bumangon. At pagbukas ko ng pinto ay nakatayo doon si Mommy Cleo.

 

"M-mommy C-Cleo.” nagkanda-utal-utal kong tawag sa kanya.

 

"Yes, it's me kaya bumangon ka na riyan at almost lunch na.”

 

"W-what?” napalakas kong tanong sa kanya. "..... sh*t! Bakit ako nakatulog ng ganun kahaba, at bakit hindi niyo naman ako ginising ay kasal ko ngayon?” may bahid ng inis na tanong ko kay Mommy Cleo.

 

"Hindi na kailangang gisingin ka pa dahil pinakansela ko na ang kasal mo, kagabi pang 11-PM!”

 

Napalingon ako sa aking narinig at nakita ko si Daddy, nakatayo siya sa gilid ng pintuan. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba dahil sa kaseryosohan ng kanyang mukha. At pag-alaala sa babaeng dapat na mapapangasawa ko.

 

"Fix yourself at sumunod ka sa library!” narinig kong utos ni Daddy sa akin.

 

"I-I will, Dad.”

 

Hinagilap ko ang aking jeans at mabilis na sinuot iyon. Ngunit bago ako lumabas ay lumingon pa ako at nakita ko sa puting bed sheets ang mga na tuyo ng dugo doon. At habang patungo ako sa library ay nasalubong ko ang ilang kasambahay.

 

"Where is the woman?” pasinghal kong tanong sa kanila.

 

"Ah, si Miss Ganda po sir?”

 

"Y-yeah.”

 

"Kanina pa ho umalis mga 5-AM, at nagmamadali ho.”

 

Naguguluhan ako habang naglalakad at pagdating ko sa library ay hindi na ako kumatok. Mabilis kong itinulak ang pinto at pumasok, "D-Dad?”

 

"Honey, can you leave us for a while? At padalhan mo kami ng kape, please?” narinig kong pahayag ni Daddy sa aking step mom.

 

"Sure, Honey.”

 

Nang sumara ang pinto ay napaayos ako ng upo. At nakaramdam din agad ng kaba sa klase ng titig niya sa akin. Kakaiba rin ang nakikita kong aura ni Daddy.

 

"Now explain, Kyle Anderson!” hindi agad ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang aking isasagot. Baka magkamali ako ay siguradong mas magagalit siya sa akin

 

"I'm so sorry dad, I was drunk last night and....”

 

"Nakalimutan mong kasal mo? Dahil napasarap ka sa pakikipag s*x?”

 

"D-dad!” nabigla kong sagot sa kanya.”

 

"Who is the lady? Alam mo ba ang nagawa mo sa babaeng yon ha?”

 

"Flirt po ang babaeng yon kaya nangyari sa amin ang bagay…”

 

“Bakit mo siya dinala dito? Alam mong walang ibang babaeng maaaring tumapak sa mansyon, unless ang mapapangasawa ninyo!”

 

"But Dad, she’s nothing....”

 

"Nothing? Alam mo ba ang sinasabi mo! Kinuha mo ang kainosentehan niya nakita ko siya bago umalis at hirap na hirap siyang maglakad habang umiiyak! Ngayon sabihin mo sa akin kung wala lang sayo ang babaeng iyon?”

 

Hindi ako naka sagot, kung totoo na v*rg*n ang babaeng iyon. Ano ang mga nakikita kong kalandian sa mga kilos niya. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko ang pakikipag make out niya sa iba’t-ibang lalaki?

 

"Ni hindi mo nga naiakyat dito sa mansyon ang babaeng pakakasalan mo! Go! Makipag usap ka diyan sa fiancee mo at makipaghiwalay ng maayos.”

 

"Hindi po gano’n kadali yon  Dad, at hindi ako makipag hiwalay dahil mahal ko ang fiance ko.” pangangatwiran ko sa aking ama.

 

"At paano ang babaeng dinala mo dito? Siya ang nararapat na mapapangasawa mo, Kyle Anderson! At hindi ang babaeng gusto mong pakasalan!” Hindi ko magawang sumagot kay Daddy. Bagkus ay tumayo na ako at humakbang palabas ng library. Kuyom ang aking kamay ng sumakay ako sa aking kotse. At habang mabilis na nagmamaneho ay tinawagan ko ang aking kaibigan. 


“Hurry, alamin mo kung saan nakatira ang babaeng yon!”


“Who?”


“Ang b*tch na yon, sinira niya ang kasal ko!” hindi na ako makapaghintay na makaharap ang babaeng yon.


“Saglit lang, Pareng Kyle.”


Habang naghihintay ay gumilid muna ako sa daan at mabagal na nagmamaneho. Hindi naman nagtagal ay may narinig akong pumasok na mensahe. At nang tingnan ko ay address ng babaeng yon. 


Few minutes later....

Madilim na madilim ang mukha ko ng umakyat ako sa building. Kung saan nakatira ang aking pakay. At halos mabasag na ang pindutan ng doorbell sa lakas ng pagdutdot ko doon.

 

"N-nariyan na....” naulinigan kong sagot mula sa loob. Pagbukas niya ng pinto ay kitang kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Sa katunayan ay napaatras pa ito at humawak sa wall.

  

"You b*cth! Sinira mo ang araw ng kasal ko. Pagbabayaran mo ang ginawa mong ito, sl*t!

 

"K-kap…”

 

"Sinong nagbigay ng permission sayo na tawagin mo ako sa initial ng full name ko?” halos naglabasan ang ugat sa aking leeg sa matinding galit ko.

 

"A-anong kailangan mo?” tanong ng nangangatal niyang boses. 

 

"Maniningil ako sa ginawa mong pagsira sa mahalagang araw na ito sa buhay ko!”

 

"H-huwag! P-Please huwag mong gawin ito….”

 

“Anong huwag, hindi ba at ito ang gusto mo. Kating kati ka sa akin. Kaya ngayon ay magsasawa ka sa kakakamot ko hanggang magdugo na iyan. At nang hindi ka na makalakad pa!”

  

"... f*ck you! Sisiguradohin ko na hindi na iyan mangangati pang muli ng hindi ka na makakapanira ng relasyon ng iba!” malakas kong sigaw sa kanya. At sa sandaling iyon ay wala akong nararamdamang awa sa kanya. Bagkus ay paulit-ulit kong ginawa ang bawat naisin ko. Pagkatapos ay tinawagan ko ang aking best friend. Sinabi kong pagsawaan niya rin ang babaeng ito.



Few minutes later....

  

"PARE! A-Anong ginagawa mo sa kanya?” narinig kong sigaw ng kaibigan kong si Lexus. Dumating na pala ito ng hindi ko man lang namamalayan.

 

"Hindi mo ba nakikita Dude? Sinira lang naman niya ang kasal ko!” at gusto kong matawa sa reaksyon ng b***h na 'to. Habang nagsisikap na takpan ang hubad na katawan sa mga mata ng kaibigan ko. Ngunit ng lumingon ako kay Lexus ay nakatalikod na ito.

 

“Oh, bakit ang dakilang babaero ay nakatalikod. Go! f*ck her hanggang magsawa ka sa kanya!” malakas kong sigaw sa kaibigan kong si Lexus.

 

"Enough pare, ano ba itong ginagawa mo sa kanya?”

 

"Dapat lang yan sa katulad niyang b*tch!” 

 

Beast ang tawag sa kaibigan kong si Lexus. Dahil sa mga babaeng hindi nakakalampas sa mga kamay niya. Ngunit bakit tila yata napipilan ito nang makita ang babaeng sumira sa kasal ko?


“Ano bang problema mo, Pareng Lexus?”


“Tama na, Pareng Kyle, wala kang awa sa babae. Kung alam ko lang na ganito ang dadatnan ko ay hindi sana ako nagpunta dito!”


“Whatever!” at iniwan ko na lang sila ng babaeng yon. Saka ako sumakay sa aking sasakyan at pinaharurot iyon palayo. Subalit muntik na akong mapasubsob sa manibela dahil sa biglang tapak ko sa preno. Tila ako nagising sa pagkakatulog mula sa masamang panaginip. Kaya nagmamadali akong nag u-turn upang balikan ang babaeng yon sa kaibigan ko. Subalit pagdating ko ay wala na sila doon kaya nahampas ko na lamang ng malakas ang manibela.















editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Possessive Uncle Is My Lover (Super SPG)

read
530.8K
bc

The Billionaire's Young Wife (Strawberry & Spencer)

read
1.2M
bc

Sweet Seduction

read
228.1K
bc

Loving His Enemy (Love in Disguise Book 3)

read
9.9K
bc

The Man with a Fragile Heart

read
187.4K
bc

My Desired Husband [Tagalog]

read
7.9K
bc

The Billionaire’s Surrogate Wife

read
1.2M
dreame logo

Download Dreame APP

download_iosApp Store
google icon
Google Play