Chapter 5

2036 Words
***Tala POV*** "PO?" Tila nabibinging balik tanong ko sa tanong nya. Tama ba yung narinig ko? Tinatanong nya kung nasaan ako kahapon. Ngumisi sya. "Hindi kita nakita kahapon. Nag day off ka?" "Ah.." Nalito ako sa kung ano ang isasagot sa kanya. Hindi ko naman kasi inaasahan na tatanungin nya ako kung nasaan ako kahapon. At bakit nya tinatanong? Tumikhim ako. "P-Parang ganun na nga po. Tapos na kasi ang training ko at ngayon naman ang start ng pagiging regular employee ko." Sagot ko. "Oh, I see.. akala ko umalis ka na at hindi mo na tinuloy ang training mo." "Naku, hindi po. Kailangang kailangan ko po ng trabaho kaya di pwedeng basta na lang po akong umalis." Tumango tango naman sya habang nakatingin sa akin. "Ah, baka may gusto pa po kayong idagdag sa order nyo, sir. Pastries po, pambara." Alok ko pa sa kanya para maiba na ang topic. Pahapyaw naman syang tumawa. "What pastries do you have?" "Meron po kaming croissants, muffins, cinnamon rolls, cookies and brownies, cheesecake.." Inisa isa ko ang mga pastries namin para sa kanya na nakadisplay sa salaming estante. Mataman naman syang nakikinig sa akin at nagtatanong din kung ano ang masarap at ano ang bestseller namin. Ngunit sa huli at ako naman ang pinapili nya para sa kanya. Hindi raw kasi sya mahilig sa pastries at hindi nya alam kung ano ang dapat nyang bilhin. Hindi rin daw sya mahilig sa matamis. Kaya naman ang pinili ko para sa kanya ay yung hindi katamisan. Wala naman syang tutol. Napansin ko namang patingin tingin sa amin si Ma'am Pinky at Ethel. Nag alala naman ako na baka may mali akong ginawa. "Thank you, sir. Enjoy your coffee and pastry." Nakangiting sambit ko kay Sir Garett at inabot na sa kanya ang order nyang kape at pastry. "You're welcome." Aniya at ngumiti din. Tumalikod na rin sya at imbes na dumiretso sa pinto ng coffee shop ay dumiretso sya sa flower shop. Nag usap sila saglit ni Ma'am Pinky bago sya tuluyang lumabas. Nangingiting sinundan ko naman sya ng tingin dahil malaking tip na naman ang iniwan nya. Mahigit 500 din yun. Agad ko na nga yung hinulog sa tip box. Nagulat ako ng pagharap ko ay nasa harapan ko na si Ma'am Pinky at Ethel. Naniningkit ang mga mata nilang nakatitig sa akin na para bang may ginawa akong krimen. "B-Bakit po, Ma'am Pinky, Ethel?" Nalilitong tanong ko. "Paano mo nagawang pabilhin ng pastry si Garett?" Tanong ni Ma'am Pinky sa tonong animo isa syang imbestigador at lalo pang naningkit ang kanyang mga mata. "Oo nga. Paano mo sya nagawang pabilhin ng pastry eh never sya bumili ng pastry dahil hindi sya mahilig sa matatamis." Dugtong pa ni Ethel na gaya ni Ma'am Pinky ay lalo ring naningkit ang mga mata. Bahagya naman akong napaatras dahil parang dadaluhungin na nila ako. "I-Inalok ko sya kung gusto nya." "Tapos um-oo agad sya?" Tanong pa ni Ma'am Pinky. "O-Opo ma'am, ako pa nga po ang pinapili nya dahil di nya alam kung anong pastry ang o-order-in nya." Tugon ko pa. "Ikaw ang pinapali nya?" Sabay na bulalas nilang dalawa. "O-Oo nga." Nagtinginan si Ma'am Pinky at Ethel. Salitan ko rin silang tiningnan na dalawa. "A-Ano bang problema? May.. nagawa ba akong mali?" Nalilito pa ring tanong ko. "Wala naman, Tala. Actually nakakamangha nga ang ginawa mo kanina." Ani Ma'am Pinky na malapad na ang ngiti. Tumaas ang kilay ko. "Ano pong nakakamangha sa ginawa ko?" "Yun na nga. Nagawa mong mapabili si Sir Garett ng pastry. Sa ilang beses nyang pagpunta rito sa coffee shop ay kape lang talaga ang binibili nya at kahit anong alok namin ng pastry ay ayaw nya. Kesyo di raw sya kumakain ng matatamis. Pero ikaw nagawa mo syang mapabili at ikaw pa ang pumili." Sagot ni Ethel. "Talaga? Di ko alam yan, ah." Sabi ko. "Now you know. Keep up the good work, Tala." Ani Ma'am Pinky at kinindatan ako. Alanganing ngumiti naman ako. Sa tinuran nya parang espesyal na customer si Sir Garett. Ngumuso naman si Ethel. "Pero parang gusto kong magselos, ah. Parang ang dating kasi ikaw ang favorite barista ni Sir Garett dahil napabili mo sya ng pastry." "Uy, huwag kang magselos. Nagkataon lang yun. Baka bet nya lang kumain ngayon ng pastry kaya napabili." Agad na sabi ko. Sa lahat ng ayaw ko ay may selosan sa trabaho. Makakaapekto kasi yun sa samahan. "Ano ka ba, di naman ako seryoso. Natutuwa pa nga ako dahil madadagdagan ang sale natin." Ngumisi ako. Mabuti maman pala at ganun ang mindset ni Ethel. "Sige po, ma'am. Huwag kayong mag alala. Sa tuwing bibili ng kape si Sir Garett lagi ko na po syang aalukin ng pastry." Sabi ko. "Okay. From now on, ikaw na ang inaatasan kong laging umestima sa kanya." Wika ni Ma'am Pinky. Nag thumbs up naman ako. "Sige po, ma'am." Bumalik na kami sa counter ni Ethel ng may pumila ng mga customer. Si Ma'am Pinky naman ay bumalik na rin sa flower shop dahil dumating si Ma'am Criselda. Pero hindi nito kasama si Ma'am Ciella na ilang araw na ring hindi pumapasok. "Bye, ma'am!" Paalam namin kay Ma'am Pinky. Kakasara lang namin ng shop at sabay sabay na kaming uuwi ngayon. "O sya, mag iingat kayo sa pag uwi, ha. Mauna na ako sa inyo." Ani Ma'am Pinky at sumakay na sya sa sasakyan ni Sir Cedric. Nagpaalaman na rin kami sa isa't isa ng mga kasamahan ko. Halos lahat sila ay may motor pati na si Ethel. Ako lang ang nag nag co-commute. "Tala, ingat ka, ha." Bilin naman ni Kuya Jem sa akin. "Salamat, kuya." "O kung gusto mo ihatid ka muna namin sa sakayan?" "Oo nga." Pag sang ayon ni Ethel. "Hindi na kailangan. Hayun lang naman ang sakayan, o." Natatawang sabi ko. Pero na-a-appreciate ko naman ang concern nila sa akin. "Baka kasi may makasalubong kang masamang loob dyan." "Wala naman siguro. Saka may mga naglalakad pa namang mga tao. Ayos lang ako." "O sige, basta mag iingat ka at alerto ka sa paligid mo." "Saka mag chat ka sa gc natin kapag nakauwi ka na sa inyo." Bilin pa ni Ethel. "Oo, salamat. Sige mag lalakad na ako." Tumalikod na ako at iniwan ko na sila na pawang mga nakasakay na sa mga motor nila. Magkasalungat kasi ang daan na uuwian namin. Malapit lang naman ang sakayan na nasa kabilang kanto at marami pa namang naglalakad sa kalsada kaya hindi ako natatakot. Malalaki ang hakbang ko at sumasabay sa ilang naglalakad sa gilid ng kalsada. Pagdating ko sa abangan ng jeep ay merong tatlong lalaki doon na nag aabang din. May mga dumaraan na jeep pero hindi sila humihinto dahil mga puno na kaya naghihintay na lang kami ng jeep na hindi pa puno. Umalis ang isa sa tatlong lalaki at tumawid ng kalsada. Mayamaya ay umalis din ang isa at naglakad palayo. Mukhang nainip na sa paghihintay ng jeep. Isang lalaki na lang ang natitira at abala sya sa hawak na cellphone. "Hi miss." Napapitlag ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa bandang likuran ko. Lumingon ako at napaatras nang makita ang isang lalaki. Pamilyar sya sa akin. Sya yung lalaking may weird na tingin sa akin nung bumibili sya ng kape. Ngumiti sya sa akin. Mukha naman syang mabait pero iba ang pakiramdam ko sa kanya. "Natatandaan mo ba ako?" Tanong ng lalaki. Naaamoy ko pa ang sigarilyo sa kanya at may kaunting amoy din ng alak. "Ah.." Nag aalangan akong sagutin sya. Pahapyaw na tumawa ang lalaki. "Mukhang nakalimutan mo na ako. Bumili ako ng kape sa coffee shop nyo last week. Trainee ka pa lang nun." Marahan akong tumango. "Natatandaan na nga kita." Sabi ko. "Tala, right?" Tumango akong muli at pilit na ngumiti ng tipid. "I'm Paul." Pagpapakilala nya sa sarili sabay lahad ng kamay sa akin. Tiningnan ko ang kamay nya at kahit nag aalinlangan ay tinanggap ko yun. Pero agad ko ding binawi. "Regular employee ka na pala." "Oo, tapos na ang training ko." Sagot ko at nagbawi ng tingin sa kanya. Tumingin ako sa kalsada para tingnan kung may paparating ng jeep. Pasimple din akong lumayo sa kanya ngunit lumalapit naman sya. Hindi sa pagiging judgemental pero iba talaga ang pakiramdam ko sa kanya. "Mukhang mahihirapan kang makasakay sa jeep. Kapag ganitong mga oras kasi ay puno na ang mga jeep na dumaraan." Aniya. Hindi naman ako umimik at nakatingin lang sa kalsada. Piping nagdarasal na sana ay may dumating ng jeep na masasakyan. "Kung gusto mo ihahatid kita sa terminal ng mga jeep. At least doon hihintayin mo na lang na mapuno ng pasahero ang jeep bago umalis." Alok pa nya. "H-Hindi na. Okay na ako dito." "Sigurado ka? May motor ako. Kahit nga ihatid kita sa bahay mo ayos lang." Humugot ako ng malalim na hininga. Nag uumpisa na akong kabahan sa kanya. Gusto ko na syang tarayan pero nagpipigil ako. Baka mauwi lang sa kapahamakan ang pagiging matapang ko. Napansin ko na ring patingin tingin na sa amin ang lalaking may hawak na cellphone. Siguro ay nakahalata ng may kakaiba. Sa kabutihang palad naman ay may paparating na jeep at kakaunti lang ang sakay nun. Huminto yun sa harap namin. Dali dali na akong sumakay at sumunod naman sa akin ang lalaki na may hawak na cellphone. "Ingat, Tala." Sabi ng weird na lalaki. Nang tingnan ko sya ay may nakakaloko ng ngisi na sa kanyang labi. Nag iwas ako ng tingin at nakahinga ng maluwag ng umandar na ang jeep. Wala namang ginawang masama sa akin ang weird na lalaki. Pero mabigat ang pakiramdam ko sa kanya. Para bang may gagawin syang hindi maganda. Di bale ng masabihang judgemental basta nag iingat. 'Makagawa nga ng pepper spray para pang proteksyon.' . . MADALAS na ngang pumupunta si Sir Garett sa coffee shop para bumili ng kape. Halos araw araw nga yon tuwing umaga pagbukas namin ng shop. Minsan naman ay sa gabi sya pumupunta. At gaya ng bilin ni Ma'am Pinky ay ako lagi ang ume-estima sa kanya. Dahil madalas na ngang pumupunta sa coffee shop si Sir Garett ay nakikilala ko rin ang personality nya. Bukod sa saksakan sya ng gwapo, macho at mabango ay mabait din sya at galante talaga. Lagi din syang nakangiti sa akin. Kaya minsan tuloy ay hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kilig. Sino ba naman kasing hindi kikiligin sa kanya? Yung mga bato lang siguro. Pero hindi ko naman pinapahalata ang kilig ko at lowkey lang ako. Isa pa ay hanggang kilig lang ako sa kanya. Hindi ako nag aambisyon na mapansin nya. "Try nyo naman po sir yung ibang pastries namin. Yung muffin hindi nyo pa po na-ta-try." Alok ko kay Sir Garett. Ngumisi sya. "Parang lahat yata ng pastry nyo gusto mong ipatikim sa akin." Naging ngiwi ang ngiti ko at napakamot ako sa likod ng tenga. "Eh.. ganun na nga po, sir. Pero kung ayaw nyo po, okay lang. Wala naman pong pilitin." Sabi ko. Medyo nahihiya na ako sa kanya dahil baka nakukulitan na sya sa akin. Sa tuwing o-order kasi sya ng kape ay lagi kong inaalok ng pastry. "Sinabi ko bang ayaw ko? Give me twelve pieces of muffin." Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nya at muling lumapad ang aking ngiti. "Okay, sir. Twelve pieces." Agad ko na ngang inasikaso ang muffins nya at nilagay ko yun ng maayos sa box. "Pwedeng pwede nyo po itong ibigay sa girlfriend nyo, sir. Siguradong magugustuhan nya 'to." Daldal ko pa. "I don't have a girlfriend." Tumaas ang kilay ko at ngumisi ako. "Parang di naman ako naniniwala, sir. Sa gwapo nyong yan wala kayong girlfriend. Parang napaka imposible naman." Mahina syang tumawa. "I'm telling the truth, Tala. Wala akong girlfriend." Aniya habang nakatitig na naman sa akin. May tuwa akong naramdaman sa sinabi nya ngunit pinagkibit balikat ko rin yun. Naalala ko kasi na kaya siguro wala pa syang girlfriend dahil nga si Ma'am Ciella ang gusto nya. Kaya nga rin siguro sya pabalik balik dito sa coffee shop ay para makita si Ma'am Ciella. Kaya lang ay lagi namang wala si Ma'am Ciella dahil busy sa ibang bagay. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD