***Tala POV*** "GARETT, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko at dahan dahang umahon sa tubig baha palapit sa kanya. Nakasunod lang ang tingin nya sa akin. Medyo nahiya naman ako dahil basang basa ako sa ulan at tubig baha. Paglapit ko sa kanya ay hinawakan nya ako sa bewang sabay halik sa pisngi ko. Nag init naman ang mukha ko sa hiya dahil nakatingin sa amin ang iba naming kapitbahay. Si Sol nga ay may malisyoso nang tingin habang may nanunuksong ngiti sa labi. "Pumunta ako sa coffee shop para dalawin ka. Pero hindi ka pala pumasok at sinabi sa akin ni Pinky na binaha kayo." Aniya. Napakamot ako sa batok. "Oo nga, eh. Napaka-unpredictable naman kasi ng baha. Pero mabuti nga at mag uumaga na tumaas ang tubig at hindi sa kalagitnaan ng gabi." "Pero bakit hindi mo sinabi sa akin? Hi

