***Tala POV*** "NAKAKATAKOT naman pala ang nangyari sayo kagabi. Mabuti na lang at di ka talaga natangay ng lalaking yun." Saad ni Ethel. "Oo nga, eh. Laking pasalamat ko talaga na biglang dumating si Sir Garett at niligtas nya ako. Kung hindi sya dumating, baka kung ano na talaga ang nangyari sa akin." Sabi ko habang pinupunasan ng malinis na basahan ang counter. Kasalukuyan kaming walang customer kaya malaya kaming magdaldalan ni Ethel. "Dumating si Sir Garett at tinulungan ka nya kagabi?" Tila di makapaniwalang tanong ni Ethel. Lumingon naman ako sa kanya. "Oo, bigla syang dumating at tinulungan nya ako." Ngumisi sya. "Ibig sabihin tama nga ako. Sinundo ka nya kagabi." Umusli ang labi ko. "Oo, yun ang sabi nya. Na-late lang daw sya ng kaunti dahil naipit sa trapik." Binunggo

