TITLE: DECEIVED BY MY MAFIA BOYFRIEND: Akala Ko Normal Sya
CHAPTER 1 - Ako si Eliana
Ako si Eliana Rose Soriano. 20 years old.
Akala ng lahat sa school inosente ako kasi laging nasa library ako. Pero matapang ako, nuh.
Hindi nila alam, pag uwi ko sa bahay, bawal ako magsinungaling kasi pamilya namin may kakayahang malaman ang sekreto ng bawat isa. Kaya lagi nahuhuli mga kuya ko. Hindi sila mautak, curious lang kayo? Yes, may tatlong kuya ako. Ako ang pang-apat. Ako yung bunso. Kaya kailangan ko talaga mag-ingat.
Ngayong araw, late ako sa klase. Pagpasok ko, may nakaupo na sa upuan ko. Siya si Enzo. Matangkad, masungit, parang maldito, at may sugat sa kamay.
Sabi niya sakin, "Anong ginagawa mo dyan sa harapan ko? Bat ka pa nakatayo dyan? Umupo ka na. Maya-maya darating na si Miss Jezebel sa unang klase natin."
"Sungit mo naman, pasalamat ka gwapo ka," pabulong ko.
"Sabi mo, may sinasabi ka ba?!" sabi niya.
"Wala. Sige, dyan ka na lang umupo sa upuan ko. Maghahanap na lang ako ng mauupuan," sabi ko sabay irap sa kanya.
**CHAPTER 2 - Ang Bagong Kaklase**
Nang humarap na ako sa kanya, napabuntong-hininga ako nang makita ko mukha niya. Mapapasabi ka talaga na, ang pogi bes, as in Oh my god.
Sabi ng utak ko, *gagi sobrang pogi bes, luluhuran, papakainin, aalagaan, papakasalan. Tangina self control, ang purpose mo dito mag-aral hindi lumandi!*
Nagsalita na siya. "Ano, kailangan mo? Naghahanap ka ba ng mauupuan?"
"A-auh oo! Naghahanap ako ng mauupuan ko!" Sabi ko. Bulong ko sa sarili, *gagi nauutal ako hay nako!*
"Ah sige, dito ka na lang umupo. Wala namang umuupo dyan, ako lang mag-isa."
"Ah sige, thank you," sabi ko. Umupo na ako sa tabi niya, nilapag ko yung mga gamit ko at kinuha ko na yung notebook ko kasi nandito na yung teacher namin.
**FAST FORWARD**
Natapos na si Ma'am Jezebel sa pagtuturo at biglang may nagsalita. Paglingon ko, si ano pala, si Ewan — yung katabi ko pala.
"Oum... may kailangan ka ba?" tanong ko.
"May kasabay ka ba kakain ng lunch?" sabi niya.
Biglang sumagi sa isip ko na siguro aayain niya ako mag lunch! Ackkk nakakakilig, hay nako may bago na naman akong inspiration sa school!
"Oum, wala nga eh. Mag-isa lang ako, wala pa kasi akong nakikilalang kaibigan."
"Pwede tayo maging kaibigan kung okay lang sayo?" sabi niya.
"Okie, friend na tayo! Buti ka pa hindi ka masungit, hindi ka gaya ni Enzo. Ang sungit sungit, siguro wala siyang kaibigan dito?"
"Kilala mo si Enzo?" gulat niyang tanong.
"Oo! Anong reaction yan, nakakita ka ba ng hindi ko nakikita? Bago yan, magpakilala ka nga. Kanina pa tayo naguusap, hindi ko pa rin alam pangalan mo!"
"Ako nga pala si Marco Rossi."
"Auhh okay, now alam ko na name mo!"
**MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO**
Tapos na kami kumain at nagpaalam na ako.
"Uuwi na pala ako Marco, baka hanapin na ako ng mga kuya ko."
"Sige, byeee. Free ka ba bukas?"
"Oum... yes wala naman akong masyadong gagawin bukas, bakit mo natanong?"
"Magkita tayo bukas, may pag-uusapan tayo."
"Sige, see you tomorrow, byeee."
"Byeee."
---