Maaga pa rin nang matapos kami sa umagang bakbakan. Wala nang kulog at ulan, pero parang nakabaon pa rin sa balat ko ang init ng nangyari kanina. Nakatagilid ako, nakayakap kay Adrian, at ramdam ko ang t***k ng puso niya na parang musika sa tenga ko.
Kung sino man ang makakita sa amin ngayon, malamang hindi maniniwala. Si Police Senior Inspector Adrian Villareal — laging tuwid ang tindig, laging seryoso sa trabaho, at parang impenetrable na opisyal — ngayon, nakapikit, bahagyang nakangiti, nakahimlay sa bisig ko. At ang higit na nakapagpatigil ng paghinga ko: kanina siya ang nagbigay, siya ang naging mas... marupok, kahit isang sandali lang.
Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang mukha niya.
"Adrian..." mahina kong bulong.
Dumilat siya, diretso sa mga mata ko. Ang mga mata niyang laging matapang sa duty, ngayon ay may lambot na parang hindi ko pa nakikita kahit kailan.
"Bakit ganyan ang tingin mo, Sarge? Para kang nakakita ng multo."
Napailing ako, natatawa. "Hindi ko lang inakala... na kahit sa gano'ng bagay, kaya mong panindigan ang macho aura mo."
Ngumisi siya, umupo ng kaunti at parang sinasadya pang ipakita ang hubad niyang katawan. Walang bahid ng hiya. "Macho pa rin naman ako kahit... kanina ah. Wala namang nabawas, hindi ba?"
Napatawa ako, pero sa loob-loob ko, mas lalo ko siyang hinangaan. Ang tapang niya, hindi lang sa laban, kundi pati sa pagtanggap ng sarili.
Umayos siya ng higa at biglang tumitig sa akin na parang may iniisip.
"Sarge, curious ka siguro bakit ako marunong sumayaw ng macho dancing."
Napakunot ang noo ko. "Tangina, oo. Hindi ko matanggal sa isip ko 'yung ginawa mo sa club. Akala ko sanay ka na talaga."
Bigla siyang natawa, nilapit ang mukha sa akin at bumulong, "Dati akong macho dancer."
Nanlaki ang mata ko. "Ano?!"
Humagalpak siya ng tawa, halos mabaliw sa reaksyon ko. "Loko lang!" sabay kindat. "Pero seryoso, mahilig na talaga akong sumayaw noon pa. Sumali ako sa dance club mula elementary hanggang college. Ballroom, hip hop, folk dance, name it — kahit anong klase, kaya kong sabayan."
Napahiga ako at napailing. "Tangina, akala ko totoo."
"Pwede rin naman, kung gusto mo," sagot niya, nakangisi, sabay kinindatan ako ng malandi.
Tumawa ako, pero seryoso rin akong namangha. "Kaya pala... natural na natural ang galaw mo. Hindi ko alam kung matatakot ako o... mas lalong mahulog sa'yo dahil doon."
Sandaling natahimik si Adrian, tapos bumuntong-hininga.
"May aaminin din ako, Sarge. Dati, noong nag-aaral pa ako at naghahabol ng promotion, umiinom ako ng chaste tea. Inirekomenda ng mentor ko para makapag-focus ako at hindi magulo ang isip ko sa mga bagay na pwedeng maka-distract."
"Gaya ng libog.." napangisi ako.
"Tumpak ka.." sabay tawa niya.
Napatango ako, nakikinig nang mabuti.
"Itinigil ko lang 'yon nang maging Senior Inspector na ako. Nakatapos na rin ako ng Masters in Criminology, naabot ko ang mga target ko. Akala ko wala na akong mararamdaman na gano'n... pero sakto naman dumating ka. At doon ko naramdaman, bumalik lahat ng matagal ko nang kinikimkim na pagnanasa."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Ang bigat ng tinig niya, parang bawat salita ay direktang tumatama sa puso ko. Pinisil ko na lang ang kamay niya.
"So... ibig mong sabihin, ako ang dahilan kung bakit bumalik ang init na matagal mong tinago?"
Ngumisi siya, nakatitig ng diretso. "Ikaw lang, David. Sa tagal ng panahon, ngayon ko lang naramdaman ulit ang ganito. At hindi ko na hahayaang mawala pa."
Naramdaman kong kumirot ang dibdib ko sa sobrang saya. Hindi na ito basta init lang ng katawan — ito na 'yung mas matindi, mas totoo.
Hinila ko siya papalapit at hinalikan sa noo. "Walang atrasan, Adrian. Ako na ang bahala sa'yo... kahit saan tayo dalhin ng laban na 'to."
At sa mga sumunod na oras, hindi na kami lumabas agad ng silid. Nakahiga lang kami, nag-uusap, nagtatawanan, at paminsan-minsan, naghahalikan. Sa labas, bumalik ang araw, tila ba pati langit ay natutuwa sa biglang pag-usbong ng bagong simula naming dalawa.
Itutuloy...