Part 24: Mapanganib Na Kapehan

817 Words
Inimbitahan ako ni Colonel Ricardo "Ric" Santos sa opisina niya. Isa siyang mataas na opisyal ng Pampanga Provincial Police, mga late Forty's na, matikas pa rin, matangkad, at may aura ng isang ama na sanay mag-utos at nasusunod. Gwapo rin si Colonel—matangos ang ilong, makisig ang tindig, at may kakaibang karisma na hindi ko maipaliwanag. Parang 'yung tipong kahit nakaupo lang, nangingibabaw ang presensya. "Montoya," tawag niya sa akin. "Samahan mo muna ako. May kape ako rito, galing pa sa Baguio, barako. Bihira 'to." Hindi ko naman mapigilan. Isa pa, respeto rin sa mas mataas na opisyal. Pumasok ako at agad niyang inilapag ang tasa sa harapan ko. Ang amoy ng kapeng barako ay halos makapagpawala ng antok ko. "Salamat po, Colonel," sabi ko sabay lagay ng tasa sa bibig. Pinagmasdan niya ako habang humihigop. May kakaibang titig sa mga mata niya, hindi ko agad mawari. Hindi naman bastos, pero matalim. Parang sinusukat ako mula ulo hanggang paa. "Balita ko, ikaw ang pinaka-maasahan ni Inspector Villareal," wika niya. "Hindi ka ba nahihirapan sumabay sa kanya?" Ngumiti ako, medyo nahihiya. "Hindi naman po. Mahirap, oo, pero masaya akong makasama siya sa operasyon. Alam n'yo po... siya kasi ang tipo ng lider na kahit gaano kabigat, gagaan kapag siya ang kasama." Tumango si Colonel Ric. "Magaling siyang bata... magaling din ang pagpili ng kasama. Ikaw, David, may asawa ka na ba? O pamilya?" Napatingin ako sa kanya, medyo nagulat sa tanong. "Wala pa po, Colonel. Focus muna ako sa trabaho." Bahagya siyang ngumiti, halos may ibig ipahiwatig. "Minsan hindi trabaho ang dapat inuuna. Kung puro trabaho, mauubos ang oras mo. Sayang ang panahon." Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng init sa pisngi. Parang may ibang bigat ang tono niya. Flattered, oo, pero hindi ko masakyan kung biro ba o seryoso. "Kung ganoon... dapat marunong ka ring magpahinga, Montoya. Ang katawan, kung palaging sa giyera, bibigay din." Dahan-dahan niyang nilapit ang tasa niya at tumingin diretso sa mga mata ko. Bago pa ako makasagot, biglang bumukas ang pinto. "Colonel." Si Adrian. Walang paalam, walang katok. Diretsong pumasok na parang may-ari ng silid. Nakapulidong uniporme, tikas ng katawan, at nangingibabaw ang awra. Para bang biglang bumigat ang hangin sa opisina. Napatingin si Colonel Ric, bahagyang nakakunot ang noo. "Inspector Villareal. Hindi ka man lang kumatok." "Pasensya na, Colonel," sagot ni Adrian, malamig ang boses pero nakangiti. "Hindi naman po ako iba rito. Sa totoo lang, gusto ko lang kumustahin ang partner ko." Lumapit siya sa tabi ko, tumayo sa likod ng upuan ko, at bahagyang inilagay ang kamay niya sa balikat ko. Ramdam ko ang bigat at init ng palad niya. Napatingala ako, nagtaka kung bakit parang ang tapang ng dating niya. "Montoya, okay ka lang ba rito?" tanong ni Adrian, pero ang tingin niya ay nakatutok kay Colonel Ric, hindi sa akin. "Oo naman, Sir," sagot ko agad. "Nagyaya lang si Colonel ng kape—" "Alam mo, Colonel," putol ni Adrian, "malaking bagay talaga ang suportang binibigay ninyo sa team namin. Lalo na't alam kong may direct line kayo kay General Villareal sa Crame... kapatid ng namayapang ama ko." Biglang tumahimik ang opisina. Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Colonel Ric. Mula sa pagiging medyo kampante, biglang naging mas pormal. Tumuwid ang upo niya, parang natigilan. "Ah, gano'n ba?" sabi ni Ric, bahagyang natawa pero halatang nagbago ang tono. "Kung ganoon, malaking karangalan pala ang makatrabaho kayo, Inspector." "Salamat po," tugon ni Adrian. "At siyempre, malaking bagay din na alagaan ninyo si Montoya. Hindi ako mapapalagay kapag wala ako sa tabi niya." Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Adrian doon. Nahihiya ako sa pagitan nilang dalawa. Pakiramdam ko, may hindi ako maintindihan na usapan na ako mismo ang sentro pero wala akong kaalam-alam. "Colonel," dagdag pa ni Adrian, "may tawag ako mula Crame. Baka po kailangan ko muna siyang hiramin." Tumayo ako agad, dala ng respeto at disiplina. "Salamat po sa kape, Colonel." "Anytime, Montoya," sagot niya, pero hindi na nakatingin sa akin kundi kay Adrian. Paglabas namin ng opisina, sumara ang pinto. Tahimik ang hallway. Tanging tunog ng sapatos namin ang naririnig. Hindi ko natiis. "Sir..." tawag ko kay Adrian. "Bakit parang... hindi ko alam, pero iba ang dating kanina." Huminto siya at tumingin sa akin, diretso sa mga mata ko. Ang titig niya ay puno ng apoy, pero nakapigil. "David, tandaan mo 'to: hindi lahat ng ngiti ay inosente. At hindi lahat ng kape, para lang sa kape." Hindi ko alam kung bakit, pero kinilabutan ako. Habang naglakad kami palayo, ramdam ko ang tensyon sa katawan niya. Tahimik, pero matigas ang panga, mahigpit ang hawak sa folder na dala niya. Halatang pinipigilan ang selos na ayaw niyang ipakita sa akin. Ako? Wala akong kaalam-alam. Pero sa loob ko, may bumubulong na nagsasabing delikado ang pag-inom ng kape... lalo na kung ang nag-aalok ay isang tulad ni Colonel Ric. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD