Hindi ko na namalayan ang oras. Sa dami ng tawanan at kwentuhan, parang nawala lahat ng bigat ng nakaraang buwan. Si Tita Estella ay panay ang pangungumusta sa akin, si Kara naman ay nagtatanong tungkol sa field experiences ko, habang si Junior ay todo yabang sa medalya niya sa Taekwondo. Kung tutuusin, first time kong maramdaman ang ganito—isang hapag-kainan na puno ng init, hindi ng takot o pangamba. Hindi ito interrogation. Hindi ito mission briefing. Isa itong simpleng gabi ng pamilya. Habang pinagmamasdan ko sila, napansin kong panay ang titig sa akin ni Adrian. Hindi na niya kailangan magsalita. Nakikita ko sa mga mata niya ang saya, na parang sinasabi: “Ito ang mundo na gusto kong ibahagi sa ’yo, Dave. Ang tahanan na matagal mo nang hinahanap.” Huminga ako nang malalim. Kahit hin

