bc

Bearer Series 2: Behind Closed Door (BoyxBoy)

book_age16+
250
FOLLOW
901
READ
drama
twisted
loser
school
gay
like
intro-logo
Blurb

Tien Quiño's life is supposed to have normal dreams and a gentle flow of events. He is a gay guy with a wish to get out of poverty. He is working and at the same time studying.

But because of the twist of events and an unexpected fate, he will meet the famous bisexual guy, Hor, who will change everything from what he expected.

From a study first type of guy, to have a secret love affair.

But what if he was just being played by the gay Tien's life? What if he is not an average guy or gay because he can be pregnant.

What if Hor is not his end game?

chap-preview
Free preview
Episode 1
Chapter 1 Danger  Tien Quiño Sunday, ang pinaka-busy na araw sa buong summer job ng buhay ko. Marami ang nasa mall ngayon para mag-gala, karamihan ay mga estudyante na magmula bukas ay simula na naman ng pakikibaka sa paaralan. Ako man din ay magkahalong kaba, excitement at takot ang nadarama ko. Isa akong promdi... ayos at galaw ko pa lang ay nahahalata na ng mga nakikilala ko. Kahit na mababa ang confidence ko ay sinubukan ko pa rin ang pakikipagsapalaran dito sa Maynila. Maliban sa sayang ang nakuha kong scholarship ay, isa sa mga pinakamalaking kolehiyo sa bansa, pangarap ko rin na maiahon kami sa hirap ni kuya Sibal. Siya na lang kasi ang mayroon ako. Gusto ko na balang araw ay maibalik ko sa kanya ang lahat, kahit na ang bilin niya ay mangarap ako na para sa aking sarili lamang. Nabalik na lang ako sa wisyo nang makita kong mas dumami ang bilang ng mga kostumer sa loob ng Milktea shop. Mabuti at sa loob ng limang buwan ay na-master ko na ang tamang galaw at mabilisang pagtatrabaho rito. Hindi naman ako nahihirapan pa dahil mababait ang mga katrabaho ko. “Magpunas muna ako ng lamesa, Ti. Ikaw na muna ang bahala sa counter, ah?” Tumango naman ako bilang pagsang-ayon kay Cheska. Sa lahat kasi ng araw ay ngayon pa lumiban ang isang kasama namin sa shift. Habang busy ako sa pag-aayos ng mga bagay na nasa counter ay agad kong narinig ang pagtunog ng wind chime. Agad akong napalingon sa pinto at may tatlong binata ang naroon. Kahinaan ko talaga ang mga gwapo, madali akong mahiya at manliit kapag kausap o kaharap sila. Though, sa trabaho ko ay winawaglit ko na ang ganitong bagay. Biglang balik sa counter si Cheska. Bumulong naman siya sa akin. “Napadalaw ang mga kampon ni Taning.” Anong mayro’n? At bigla namang nagbago ang mood nito? “Taning?” tanong ko. ‘Yong isang lalaki, matangkad at nasa 5'9’ ang tangkad, may suot itong eyeglass na square na mas ikinaasitig nito. ‘Yung isa naman, mukhang Zayne Malik ang datingan at ‘yong pinakagitna ay mukhang football jock na super gwapo sa mga american movies. Tall, green eyes, bulky ang katawan at mukha siyang walang emosyon at bored. Lumapit sila sa counter, mukhang ‘yong mga babaeng kostumer namin ay nasa kanila ang atensyon. Kinausap ng Arabian hotty si Cheska. “Hi, Cheska? Still beautiful and dazzling in my eyes.” Mataray na umirap ang kasama ko. “Naligaw ‘ata kayo? Hindi niyo ba nabasa ang karatula sa harap? Milktea shop ‘to, hindi bar.” Pero nang-aasar lang na ngumisi ang lalaki. “Mas natu-turn on ako sa iyo kapag nagtataray ka.” “Gosh! Kung si Ma’am Ver ang kailangan niyo, alam niyo naman kung nasaan ang opisina niya, ‘di ba? Shoo, may mga kostumer pa kami.” Palatak na ngumiti ang lalaki. “Until then, sweetheart.” Sambakol na tiningnan ako ni Cheska. “Nasira na ang araw ko.” Hindi ko na halos marinig ang reklamo ni Cheska nang makita ko ang American jock looking na mataimtim na nakatitig sa akin. Nag-init nang agaran ang pisngi ko at biglang kabog ang aking puso. Nakita ko na lang sila na naglaho ng pumunta sila sa likod ng shop. Kinalabit ako ni Cheska para kunin ang atensyon ko. Nice naman na wala pang bumibili sapagkat maaantala ang usapan namin. “Napansin ko ang tinginan na ‘yon, Ti. That guy’s name is Hor Roswell.” Nanlaki ang mata ko. “Kaano-ano niya si Ma’am?” ‘Yong may-ari ng shop. “Her younger brother. And I am telling you this, Tien. That guy screams danger. Alam ko na mag-aaral ka sa RU, he is also studying there. And I swear! You won’t love to meet him again under other circumstances!” Inaasikaso ko muna ang mga bagong dating na kostumer. They order black forest Java chip milktea at ang isa ay strawberry frap. “Hor is a dangerous man. He loves toying girls and guys, Ti. And by his looks ay mukhang trip ka niya! He is a bisexual... And you don’t want to be his personal boy toy.” Bigla naman akong kinabahan. So... dapat ay layuan ko siya? Grabe naman pala ‘yung Hor na iyon. Ibang-iba sa ugali ni Ma’am Ver na mabait, simple at parang nakatatandang ate na rin ang turingan namin. Matapos ang sampung minuto ay lumabas na ang tatlo sa opisina. Lumapit sila sa amin at nag-order ng maiinom at velvet cake. Nanginginig kong ibinigay sa kanila ang order nila, especially si Hor. Grabe makatitig! Para akong binabalatan na hinuhubaran. Maski sa pag-upo nila ay pansin ko na nakatingin siya sa akin. Mas dumodoble ang kaba ko. "Ti, pumunta ka nga sa stockroom at ilista mo na lang ang lahat ng kailangan para sa susunod na linggo. Kaya ko na rito. Kaysa sa hinuhubaran ka nila ng tingin! Ang cute mo kasing uke." Hindi ko man maintindihan iyang uke na sinasabi ni Cheska ay sinunod ko na lang siya. Halos isang oras din ako sa stockroom. Mabuti at paglabas ko ay wala na ang tatlo. Pagkatapos ng shift ko ay niyakap ako ni Cheska at Ma'am Ver. Mabuti at okay lang na mag-part time job pa rin ako rito. "Good luck sa first day mo!" "Thank you, Cheska. Salamat din, Ma'am." Hindi ako agad umuwi at nagdesisyon ako na maglibot sa mall at bumili pa ng iba pang mga kailangan ko para bukas. I have my uniform na talaga namang napakamahal, so I have to buy just a two pair of pants and the top uniform. All I need is to buy a binder and a pen, lots of pens, since mahilig ako sa calligraphy and I am also a secretary way back in my senior high. Habang namimili ay kesyo hindi ako komportable na tila ba may nagmamasid sa akin. I admit that it is so bothersome. Pagkauwi ko ay nakita ko si kuya Jiro na mukhang may tinitipa sa laptop. "Hi, Tien. How's work?" "Ayos naman po. I left earlier, pero bumili muna ako ng mga gamit sa mall." Tumango siya. "Tara rito. Let me share with you these delicacies." Walang hiya-hiya na akong lumapit. There's a ton of cassava cake, special puto at sapinsapin with palitaw na nasa lamesa. May pitsel din ng manggo juice sa lamesa. "Goodluck sa college life mo bukas, Tien. Sabay ka na sa akin bukas?" aya ni kuya Jiro. "Sige, Kuya."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Love Guru

read
31.7K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
41.4K
bc

Ang Roommate Kong Siga

read
31.3K
bc

My Brother's Wife [GxG]

read
72.6K
bc

BAYAW

read
51.5K
bc

NINONG III

read
323.2K
bc

Summoners Path: The Supreme One

read
17.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook