SOBRANG BIGAT ng loob ko sa mga nangyari sa amin ni Liezel. Walang gabing hindi ko siya iniiyakan magmula ng nagdesisyon akong iwasan siya at nangako kay Louis na lalayuan ko na, kapalit ang usb na naglalaman ng video namin nung shower party ni ms Lira sa Palawan. Flashback: A few months ago at shower party in ElNido: Nangunotnoo ako ng madaanan ang mga kasamahan kong waiter dito sa pinagtatrabahuan kong restaurant dahil bakas ang tuwa at kasabikan sa kanila na napapairit pang tila kilig na kilig! "Ahm! Anong meron?" usyoso ko. "Uy Ced! Dude sama ka sa sideline namin mamaya, kulang pa kami ng isa, request kasi ng magiging costumer namin na anim dapat ang magpe-perform sa kanila mamaya!" excited na bulalas ni Jojo, isa sa mga katrabaho ko at kaibigan na rin. Lalong nangunot ang noo ko a

