Chapter 2 Liezel POV

1217 Words
"Anong ginagawa mo dito?" inis niyang tanong. Padabog pa itong nagtungo sa lababo para maghugas ng mga plato. Nakangisi akong lumapit at umupo sa countertop katabi nito. "Di mo ba nabasa 'yung rules sa pinto na for staff only?" aniya na halatang 'di gusto ang prehensiya ko kaya lalo akong napangisi. Lalo siyang gumugwapo sa paningin ko sa pagsusungit nito. Siya din ang unang lalakeng lantarang pinapakitang walang pagtingin sa akin. "I don't f*****g care about your rules, baby. I can even buy this whole island if I want too." Napailing lang itong nagpatuloy sa paghuhugas. Hindi na rin ito sumagot na tila walang planong kausapin ako. "Hey about last night--" Natigilan ako ng sinamaan niya ako ng tingin at seryosong humarap sa akin. Nagpamewang ito at kitang nagtitimpi kaya nagngising aso ako na lalong ikinainis ng gwapong mukha nito. Ang sarap niyang pagmasdang nababanas sa akin. I-uwi ko na kaya ito? Fvck! "P'wede ba? Busy ako, wala akong oras makipag-usap sa may saltik at spoiled brat na katulad mo! Umalis ka na nga!" singhal nito. Tumayo na ako at kwinelyuhan itong palapit sa mukha kong ikinatigil naman nito. "Pasalamat ka gutom na ako.abas na nga ako at baka mamaya ibang nakakatakam na pagkain dito ang makain ko. See you around, baby." Bulong ko at dinampian ng munting halik ang punong-tainga nito. Unti-unti kong iniharap ang mukha ko ng nakangisi at kita ang pamumula nitong 'di na makatingin sa mga mata ko. BUMALIK na ako ng table namin at saktong nilalapag na ang mga pagkain. Naiiling naman ang mga barkada ko na tila nahihinulaan na ang ginawa ko sa loob maliban kay Kristel na naka halukipkip at seryoso. "Mukhang tinamaan ka sa cute na dancer na 'yon ha?" tudyo ni Naeya at nagsimula ng kumain. Napangisi lang naman ako. "Let me just remind you, Liz. Malapit na ang engagement mo kaya umayos ka," naiiling pagpapaalala ni Irish na kumakain na rin. "Tsk. I'm just having fun with that cute one, you know me," pakunwaring ismid ko na nagsimula na ring kumain. Nahsisimula na rin kasing magreklamo ang mga bituka kong alak pa rin ang ginigiling mula pa kagabi. "Yun na nga eh, kilala ka namin. Hwag mo ng pag-trip-an 'yong guy. Can't you see how busy he is? Dancer sa gabi, waiter sa umaga," may halong panenermon ni Diane. Kibitbalikat lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami sa lounge chair na nakahilera sa pool area. Maaliwas at napakapresko ng paligid. Tanaw ang puting buhangin, asul na dagat at berdeng bundok na nakakarelax sa pakiramdam at isipan. Magdadapit hapon na nang magising kami kaya nagtungo ulit kami sa restaurant para magmeryenda. Pagpasok namin, napangisi ako ng si Cedric ulit ang nakatokang lumapit sa amin. As usual, seryoso na naman itong humarap matapos kunin ang order namin. Akmang aalis na ito nang iharang ko ang paa ko sa dadaanan nito at tumayo. "Hwag mo akong simulan, nakatingin ang manager namin," mahina at mariin nitong saad na nagpangisi sa akin. Luminga ako sa paligid at nakita ang manager nila na nakamasid sa may cashier. Sinenyasan ko ito at agad lumapit, napakalapad pa ng ngiti nito na halatang nagpapa-cute tsk. "Yes, ma'am Del Prado. What can I do for you?" malambing tanong nito. Umiling ako na tinuro si Cedric na nanlalaki ang mga mata sa akin na tila nagbabanta. "I want him to join us, is it okay?" aniko. Laglag panga ang mga ito sa sinaad ko na napakurap-kurap at tila hindi ma-proseso ng utak ang sinaad ko. "Ahm, yeah sure, ma'am. Ced, paki-assist sila nang maayos, huh?" baling niya sa katabi na sinamaan pa ako ng tingin. Kinuha ko kay Cedric ang papel at inabot sa manager. Umupo na ako at iginiya ang ulo na umupo na rin ito. Napabuga pa ito ng hangin bago umupo sa harap ko. Tumayo ako at nakipagpalitan kay Diane na tinabihan nito, naiiling lang naman ang mga kaibigan ko sa akin. "Hey handsome, I'm Lira by the way." "Diane, baby." "Irish, sweetheart." "Naeya, cutie." Sunod-sunod nilang pakilala, siniko bahagya ni Irish si Kristel na tahimik. "Kristel, handsome." "And Liezel, at your service, my baby," kindat ko. "Cedric po," mahina at nahihiyang sagot nito kaya napasinghap ang mga kaibigan ko. "Don't be too polite, sweetheart. Baka ma-fall ako," pabebeng saad ni Irish kaya tinadyakan ko ang paa nito sa ilalim ng mesa. Nag-blush naman si Cedric sa sinaad nito na halatang nahihiya at hindi komportable sa amin. "Ouch! Haha just kidding, why so possessive, girl?" natatawang daing nito. Nagtatakang tumingin tuloy ang lahat sa akin. Inakbayan ko si Cedric at tinapik sa balikat na nakangisi. "Back-off, Irish. I was the first one." Aniko. Napailing naman ang mga ito. PAGKATAPOS naming mag meryenda ayinabutan ko ng limang libo si Cedric. Kunotnoo itong tumitig sa perang inaabot ko kaya sinilid ko sa bulsa nito. Ngumiti ako n inilapit ang mukha sa tainga nito. "Thanks for your time, baby. Meet me at the resto tonight at 9 'oclock, hmm?" bulong ko at humalik sa pisngi nitong ikinatuod nito at napapasinghap pa ang mga kalapit naming nakamata sa amin. Tatawa-tawa kaming lumabas ng restaurant ng mga kaibigan ko at nagtungo sa aming mga silid para magpalit ng swimsuit. Naka-white robe kaming lumabas na nagtungo sa dagat. Agaw attention pa kami sa lahat lalo na nang magsihubad kami ng robe at lumantad ang pangangatawan. Napanganga ang mga tao dito dahil naka-two piece swimsuit lang kaming anim. Nagtungo kami sa dalampasigan at nagsimulang maghabulan, wisikan at tawanan na parang mga batang nakawala sa hawla. Napangiti ako na umahon ng makita si Cedric na naglalakad patungo sa likod ng hotel. Nagulat pa ito nang hilahin ko at ikubli sa matayog na halaman. Napalunok ito ng bumaba ang paningin sa katawan ko at nag-iwas tingin kaya napangiti ako. "Ano na naman ba?" mahina at naiilang niyang tanong. Hindi ito makatitig kaya't hinila ko sa batok at siniil ng halik sa mga labi nitong nakakatakam kaya natigilan ito! "Damn, baby. Para kang tuod d'yan ah. Kiss me back," paanas ko at muling sinunggaban ang mga labi nitong napaawang! Napakagat ako sa ibabang labi nito kaya napanganga ito at agad kong ipinasok ang dila ko na ginalugad ang loob ng bibig nito at nakipaglingkisan sa dila nitong nahihiyang naninigas sa sulok! "Damn it! kiss me back," nanggigigil kong anas at lalong pinalalim ang panghahalik ko dito. Napangiti ako ng humawak ito sa baywang ko at unti-unting sinasabayan ang halik ko. Halatang hindi ito marunong tsk. "Uhmm. . . fvck, baby, I'm f*****g go to hell because of you. . .my baby," hinihingal kong paanas na muling binalikan ang mga labi nitong katulad ko'y naghahabol hininga! "Ahem!" Natigilan kaming parang binuhusan ng tubig at humarap sa sabay-sabay na tumikhim sa likuran ko. Pinaningkitan ko ang mga ito ng nakangisi silang nakapamewang sa amin. Napayuko tuloy si Cedric at kita ang pamumula nito. "What?!" siinghal ko sa pambibitin ng mga ito sa akin! "Gaga ka talaga, Del Prado. Kaya naman pala nawawala ka bigla eh." Iiling-iling saad ni Janaeya na halos kaladkarin na ako palayo kay Cedric. Nagtawanan ang mga ito at hinila na ako pabalik ng dalampasigan. Nagpatianod na lang ako na kinindatan si Cedric bago bumaling sa mga istorbo kong kaibigan na halos kaladkarin na ako pabalik ng pampang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD