Pagkatapos patayin ni Daniel ang tawag sa telepono, paglingon niya ay nakita niyang madaling tumakbo papalayo si Cherry. Narinig ni Cherry lahat ng usapan nila ng asawa niyang si Robe, hindi niya alam kung bakit ngunit masyado siyang nasaktan sa lahat ng narinig niya kabilang na doon ang pag "i love you" niya sa asawa. Marahil siguro ay mahal na mahal niya pa rin ito, lalong lalo na ngayon na may nangyari sa kanila! At kay Daniel lang niya ibinigay ng buong buo ang sarili, ngunit alam niya sa sarili na mali ito dahil may pamilya na ito! maraming beses niyang turuan at pigilan ang puso niya na kalimutan na ito at patayin ang pagmamamahal niya dito. Ngunit sadyang marupok ito pag naka harap na niya ang taong una niyang minahal. Hinabol siya ni Daniel at tinatawag, ngunit hindi niya it

