SAMANTHA POV Alas nueve na nang umaga at kasalukuyan kaming kumakain ni Zyne ngayon. Nagpunta sina Lili at Sofia dito kanina para sabihin na okay na raw ang lahat at mamaya daw lalas-cuatro ang simula ng ceremony. Aaminin ko na kinakabahan ako kaya naman pasimple kong sinulyapan si Zyne na nasa harap ko at tahimik na nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape. Isa sa mga bagay na alam ko na kay Zyne, kapag wala siya sa mood kumain ng kanin, kape ang dapat kong ihanda. Pero paano ko malalaman kung nasa mood siya kumain ng kanin? Patuloy lang kami sa pagkain ng pagkain ng bumukas ang pinto at bumungad si Mr. Zion ''Good morning couples!'' nakangiting bpagbati nito sa amin. Kaagad naman akong tumayo at lumapit sa kaniya habang parang walang narinig naman si Zyne. ''Good morning din po, Mr

