"Make sure keep an eye on her George, Ikaw ang inaasahan ko na mag-u-update sa akin ng sitwasyon ni Darlene," paalala ko sa isa sa aking pinagkakatiwalaang bodyguards.
"Yes sir, ako na po ang bahala kay Ma'am."
Kanina pa nakababa sasakyan ang asawa ko ngunit ako'y narito pa rin sa may Airport. Balak kong hintayin ang mismong pag-alis ng plane na sinakyan niya.
"Help her as much as possible that you can. And call me if she or you... needed anything."
"Masusunod po."
Tinanguan ko si George, pagkatapos ay napaalam na rin ito na aalis na. I booked him a flight but different to Darlene's Plane. Ang punta nya ay kung saan din patungo ang asawa ko.
Ibinigay ko ang lahat ng possibleng kailanganin niya; cash, credit cards and a car when he securely landed on the place.
He will be my eyes.
...
Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako sa nangyari kanina. Inaasahan ko naman ang pagiging double ng paalala sa akin Jethro, about my safety here in the Project's Venue. Ang hindi ko lang ma-tindihan hanggang ngayon ay kung bakit niya ako hinalikan nang pababa na ako sa kotse kanina.
Napaka random no'n, at ang mas ikinagulo pa ng isipan ko ngayon ay kung gaano ka-passionate at sincere ang halik na 'yon. Akala ko nga ay sasabog na Ang dibdib ko kanina sa labis na pagkagulat sa ginawa niya.
Walang dahilan na sumasagi sa isipan ko kung bakit niya nagawa 'yon. Napaka impossible naman na mahal niya 'ko, hello, ilang linggo pa lang kaming nagkakasama as partners. Ano 'yon ang babaw ng damdamin niya?
"Haaay..." Napaling-iling ako. "Imposible talaga 'yon. Baka naman na-m-miss niya lang ang asawa niya at akala niya ay ako 'yon. Oo tama, puwede rin naman, at wala naman ding probleama sa akin as long as may boundaries pa rin kami sa isa't-isa."
Aywan ko ba kung bakit kailanngan kong mag-explain sa sarili ko, hindi naman kailangan.
"Darlene, tumawag na sa akin ang La Vienna team. Mamayang gabi ay magkakaroon ng small talk about the start of Photoshoot tommorrow. Ngayon ay magpahinga ka na muna, at 'wag kang nang lalabas ng hindi ko alam. May mga paparazzi sa paligid, and they are digging to get an update regarding 'your alleged... 'Someone."
Sa Dami ng sinabi ni Helsey ay ang pagtango-tango lang ang naisagot ko. Paano ba naman, may nakausot na tsismosong media men ang nakakuha ng litrato ko na hila-hila ni Jethro noong gabing sinundo niya ako sa Presinto. Mabuti na nga lang dahil likod lang nito ang nakuhaan, Wala pa 'kong kailangang in-explain. At isa pa'y ayaw ko rin sana na madawit pa ang pangalan ni Jethro.
After I texted Jethro na narito na ako sa destinasyon namin ay natulog na muna ako, tatawag sana ako kaso ay 'wag na lang. Ayokong magkailangan lang kami tungkol sa 'kiss'.
Alas sais na ng gabi nang makababa kami ni Helsey sa hotel room na okupado namin. Mabuti na lang dahil dito na rin sa Hotel nagbook ng dinner ang Head ng La Vienna Project. Bukas lang namin kailangang bumiyahe patungo roon sa mismong Venue ng photoshoot.
"Less Carbs Darlene, huh. You need to be fit by tommorrow, punta ka na ro'n, ako na ang kukuha ng water," sabi ni Helsey.
Tumuloy nga ako sa paglalakad patungo sa assigned table ko, ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakaratng do'n ay may bumangga mula sa likuran ko.
"S-sorry-" Ngunit hindi ko na natuloy pa 'yon ng makilala ang pigura na nakatayo na ngayon sa harapan ko.
"Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan m, huh?"
I knew this lady in red dress. She's Maxine Del Mundo, ang top tier model ng kabilang Kompaniya. Hindi kasi magkakilala personally but I did work with her three years ago, rookie pa ako no'n.
"Maxine Del Mundo?"
Na starstruck talaga ako sa kaniya. Ang alam ko'y ahead siya sa akin ng 1 year, pero grabe sobrang ganda niya, almost perfect.
"Yes. I know what my name is."
"S-sorry- for what happened Miss." Paghingi ko ng pasensya. "I'm a huge fan, Darlene—"
"Yes, I know you. You're the scandalous woman. You're face is all over newspapers and television. Are you not even aware of it?" Taas ang kilay na tanong niya sa akin.
Hindi ako masyadong updated sa sarili kong buhay kaya hindi ko alam. Hindi rin ako pinapahintulutan ni Jethro na manood ng kahit na anong news kapag nasa bahay na. Hindi ko naman daw kailangang mag-bother, dahil siya ang bahala sa lahat ng gusto na mapasukan ko.
"Oooh, why I am even talking to you?" Medyo pabulong lang ang boses ni Maxine. Nililimitahan niya ang 'range' na maaabot ng kaniyang pagtataray sa akin.
Ayon sa papel ng kasunduan na pinirmahan ko sa La Vienna ay hindi ko nakita ang pangalan ni Maxine sa models nila. Ah! Baka nasa ibang project siya, pero iisang Venue lang.
Iniwan ako ni Maxine sa aking kinatatayuan, pero kahit ba tila may attitude ito sa akin ay wala akong pakialam, ang importante'y nagkaroon kami ng interaction.
"Sana pala'y nakapagpapicture man lang ako o 'di kaya'y nahingi ang number niya. Kaso mukhang bad mood siya."
Dumiretso na ako sa puwesto ko't maya-maya ay dumating na rin si Helsey bitbit ang pagkain ko.
"Grabe ka naman, parang ayaw mo 'kong pakainin ah. Baka naman mahimatay ako nitong pagkaing kinuha mo, ni wala man lang carbohydrates eh." Reklamo ko rito. Paano.ba naman ay mga gulay ang kinuha niya mqy dalawang pirasong sea food lang na nakahalo.
"Bumawi ka na lang after this, sige na kumain ka na. Lalabas muna ako, may kailangan lang akong tawagan."
"K." Sa inis ko'y wala na kong naisagot ng maayos sa kaniya.
"Mag-o-order na lang ako mamaya ng Chicken, hmp. Hindi puwedeng ganito, gutom-gutom ang person."
Pinagtyagaan ko na nga lang 'yon sa ngayon. Okay na 'to kaysa wala. Hiniwalay ko na nga lang ang ilang piraso ng brocolli na nasandok pa ni Helsey. Hindi ako mahilig sa gulay na 'to.
Maganda at comfy ang Hotel na pinag-stay-han namin. As of now ay wala pa naman akong maipipintas dito. Five star din para sa costumer service nila.
"Oh My Gosh! What are you eating Darlene? Kambing ka ba?"
Nairita ako sa boses na 'yon. Ano't narito rin ang babae na 'to? Ang alam ko'y hindi naman siya nakakuha ng kontrata sa La Vienna ah, ano, papansin lang?
"What a small World talaga, 'no?" sabi pa nito't walang pasabi na naupo sa katabing silya ko.
"May nakaupo riyan," mataray kong sabi sa kaniya.
"I don't care."
Naiikot ko ang aking eyeballs upang ipikita ang iritasyon sa kaniya. Kahit kailan talaga'y pa-epal ang Sally na 'to.
Ibinaba ko ang tinidor na hawak at abot hanggang tainga ang pekeng ngiti na hinarap siya. "Ano na namang ginagawa mo rito? Selos na selos ka ba talaga sa pagkakakuha ko sa project kaya pumunta ka pa talaga rito ngayon? Don't tell me na fan na kita ha. OMG, magpapa-party ako."
"In your dreams girl, never kitang magugustuhan as you. Well, pumunta ako rito para mapanood kung papaano kang mapahiya at masira, na-predict ko na kasi na after this ay wala ka nang babalikan na career." Humagalpak ito ng tawa habang ako naman ay nakangiwi nalang sa kalokohanh pinagsasabi niyaa.
At saan niya naman napulot ang ideya na 'yon?
"Alam mo Sally, umuwi ka na lang, nagmumukha ka kasing ka-awa-awa eh. Hindi ka na nakakatuwa sa mga mata ko."
"Oh, bravo! We have the same feeling for each other, huh." Bulalas ni Sally. Isinandig niya ang kaniyang likod sa kinauupuan tapos ay nginisihan pa ako. "Bakit kaya hindi tayo magpustahan? I bet for my life kapag hindi kita naalis sa catalogue na 'yon." Dugtong pa niya.
Labis na ang pagkasira ng ulo nitong si Sally, paano ba niya naaatim na manghamak at manlibak ng iba para sa sarili niyang interes?
Bumuntong-hininga ako. "Ayaw kong mag-aaksaya ng oras sa 'yo, Sally. Kung hindi ka busy sa buhay mo, ako oo. So, if you'll excuse me puwede ba... Aalis na ako."
Akma na akong tatayo no'n ng kabigin pa niya ako dahilan upang mapabalik ako sa aking kinauupuan.
"Aray! Ano ba Sally?" Nagulat ako pero minabuti kong malumanay na boses lang ang gamitin sa pagkakasabi sa kaniya.
"You don't leave until I say so, Darlene! You stay here!" Mas hingpitan nito ang pagkakapisil sa braso ko. Dahil sa hindi naman kami nagsisigawan ay hindi halata na may namumuo na palang tension sa pagitan namin ni Sally.
"Baliw ka na, alam mo ba 'yon ha? Bitiwan mo 'ko dahil kung hindi ay sisiguraduhin kong makakarating 'to kay Boss." Pagbabanta ko sa kaniya.
"Tignan natin kung sino ang papaniwalaan nila."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang 'yon, mukhang may masamang binabalak na naman ang babae na 'to. At hindi ko na nga kailangan pang maghintay ng matagal upang malaman kung ano 'yon.
"Oh my Gosh! What have you done, Darlene?"
Tinginan ang mga tao sa gawi namin sa lakas ng sigaw ni Sally.
Wala akong ginawa sa kaniya, siya ang nagtapon ng juice sa sarili niya.