"What happened?" Pakikiusyoso ng ilang staff na nasa malapit lang.
Hindi ako ang eskandalosa kundi ang babae na 'to. Baliw ba siya para tapunan ang sarili niya ng juice tapos ay ako ang sisisihin. Grabe, hindi ko na kinakaya ang pinagagawa ng babaeng 'to ha.
"I'm just congratulating her for getting the project, but I was shocked for what she did. Tinapunan niya ako ng juice niya."
Kung may best actress award lang siguro ngayon na puwedeng ibigay sa kaniya ay mananalo na 'to sa kadramahan niya.
May ilang nakisimpatya sa pag-iyak iyak ni Sally na para bang totoo talaga ang pinaparatang niya sa akin. Nag -abot pa ng tissue ang nasa kabilang lamesa at may iilang nag-badmouth na sa akin.
Dahil sa sikat ang hotel na ito ay masyadong maraming mga mata rin ang nakatitig sa gawi namin. Umiwas na nga ako ng mukha nang mapansin pa na may kumukuha na naman ng litrato.
Ang malas ko naman talaga sa eskandalo.
"Ano'ng nangyari DArlene?" Biglang sulpot ni Helsey sa likuran ko.
Akmang ibubuka ko na ang bibig ko upang sagutin ang katanungan ng aking Manager ng unahan ako ni Sally.
"Tinapunan niya lang naman ako ng juice niya, Ikaw Ang Manager niya, 'di ba? Bakit hndi mo siya tinuturuan ng right manners ha?"
"Right manners po? Galing pa talaga sa inyo 'yan ha? Excuse me lang pero alam kong hindi 'yan magagawa nng talent ko. Pero kung talagang sigurado ka sa paratang mo ay bakit hindi natin ipa-check ang CCTV? Mayroon naman siguro no'n rito."
Wooh, gusto kong bigyan ng palakpak si Helsey sa tinuran niya. Akalain mo 'yun natuto na siyang lumaban sa salita? To think na naging alipores pa siya minsan ng Sally na ito. Siguro'y nagsisimula nang kumulo ng palihim ang dugo niya ngayon.
"No need to do that dahil nasa harapan mo naman na ang proweba, maraming witness ang makapagsasabi sa inyo ng nangyari," ani pa nito na siyang kinakunot ng aking noo.
"Totoo po 'yon, nakita ko na talagang siya ng nagtapon ng juice sa damit ng babae na ito."
Matapos akong unang ituro ng babaeng nakaputing dress at medyo may kaliitan ay si Sally naman ang itinuro niya. So ang sinasabi niya ngayon ay talagang ako ang may mali?
"Sandali nga--"
"Tama siya, nakita ako rin ang nangyari."
Napapikit na lang ako sa mga narinig, ni hindi ko na nagawang magpaliwanag ha. Talaga bang may witness sa nangyari? Eh kung gano'n ay bakit lahat sila ay mali?
"Oh my goodness, this is ridiculous! You're Darlene, right? Ikaw yung nakuha para maging lead model sa project La Vienna?"
Tinanguan ko ang tanong ng isang babaeng matured na ang mukha, may pagkabalingkitan at kung susumahin ang edad ay mukhang nasa mid-40's na. Nakasuot din to ng eyeglasses na tiyak na may grado na rin.
"What are you thinking, huh? Hindi pa nga tuluyang humuhupa ang issue's tungkol sa 'yo ay gumagawa ka na naman ng bago? Talaga bang sisirain mo ang lahat ng mapuntahan mo?"
"Pero Ma'am, wala po akong kasalanan. Nananahimik lang ako sa puwesto ko., siya ang lumapit sa akin at gumawa ng gulo," pilit kong pagpapaliwanag sa kanila.
Pinasunod nila kami sa silid mismo ng nakakataas na 'boss'. Doon ay kinausap nila kami ng masinsinan tungkol sa balak nilang gawin sa role ko.
Ngunit hindi na ako lubusang nagtaka pa, ano pa ba ang aasahan ko gayong halatang pabor na pabor sila sa kaartehan ni Sally. Ano, porque hindi maganda ng image ko ngayon ay tuluyan na nila akong i-d-discriminate? Argh!
"This is a serious matter, Darlene. Ipagdasal mo lang na walang rumors na lumabas tungkol sa gabing ito. Dahil kapag may nahagilap ako kahit na isa sa social media ay tinitiyak ko sayong wala kang mapapala sa Project na 'to. Aalisin kita sa ayaw o sa gusto mo."
"Ho?" Aba! Sandali lang, parang ibang usapan na ang gano'n ah. Kanina'y sa pagiging Lead Model lang pero ba't biglang humatong sa tatanggalin na talaga sa pinaka project?" May kalakasang sabi ni Helsey. Ang mga kamay nito ay nasa beywang na niya, tuluyan na ring nangunot ang no nito dahil sa kausap.
Balak ko pang sumagot no'n ngunit agad na hinawakan ni Helsey ang aking kamay at siya ang naging-front sa aming dalawa. Nakatingin na lang din ako sa kaniya, bigla na lang kasing naging tila-armalite ang bibig nito sa bilis ng kaniyang mga sinasabi.
"Teka lang po Ma'am, parang ang unfair naman ata sa amin ang desisyon na 'yan. Bakit niyo aalisin sa pagiging Lead Model ang talent ko gayong may pinirmahan tayong kontrata?"
Palihim akong napasang-ayon sa sinabi ni Helsey, oo nga naman may kontrata kami na napagkasunduan.
"Maybe yes, but we can't tolerate such a behavior. Kapag lumabas pa ang issue na 'to ay kaya niyo bang maresolbahan? Isa pa, pumayag na nga kami na siya ang kuning model sa kabila ng ibang issues niya kahit alam naming possibleng magkaroon ng dagok iyon sa imahe ng Kumpaniya. Pero kung mas lalo lang na lalala ang problema ay mas maigi na alisin na lang siya sa mga models na kakailanganin namin. Magbabayad kami ng danyos."
Umiling-iling si Helsey at nameywang pang muli. "Ay hindi ho kami tatanggap ng kahit na anong danyos mula sa inyo. Kung ayaw niyo talagang masira ang pangalan niyo at ng Kumpaniya niyo ay ayusin niyo ang sistema na mayroon kayo. Dahil kapag ginalit niyo ako, na Manager ni Darlene ay itataga ko sa bato at sisiguraduhin na hindi magiging maayos ang buhay niyo. Ibigay niyo ang nararapat kay Darlene, at kami rin sa inyo."
Hindi na humaba pa ang usapan sa pagitan namin. Matapos ang halos thirty minutes ay tinatahak na namin ang daan pabalik sa aking silid. Ngunit kahit na na-settle na ang usapan ay hindi pa rin matapos si Helsey sa mga rants niya. Gusto ko nga rin sanang makisabay dahil sa totoo lang ay medyo masama ang naging impact sa akin ng nangyari, subalit mas inisip ko na lang na mas lalong gugulo ang pangyayari kung makikipagmatigasan pa ako.
Ang importante ngayon ay kasama pa rin ako sa proyekto, kailangan ko kasi ang exposure na ito upang kahit papaaano'y malinis man lang ang pangalan ko.
"Magpahinga ka na muna ngayon, Bukas pa ang totoong laban mo."
'Yon ang huling huling sinabi sa akin ni Helsey bago kami tuluyang maghiwalay ng landas.
Ang silid ni Helsey ay nasa tapat lang din ng silid ko kaya madali lang akong makakakatok kung kailanganin. Pero sana'y wala na akonh kailangan sa ngayon upang makapagpahinga naman siya, sobra ang effort niya ngayong araw magsimula sa flight namin hanggang sa gulo ngayon.
Halos alas diyes na ng gabi nang maisipan kong mahiga na ngunit kahit na ano'ng pilit ko'y hindi naman ako abutan ng antok. Nag-exercise pa nga ako para mapagod ngunit wala pa ring epekto. Hanggang sa makareceive ako ng message kay Jethro. Nagdalawang isip pa ako na reply-an 'yon, kaya lang ay mukhang kailangan ko ng makakausap.
Dalawang messages pa lamang ang naibabalik ko sa kaniya ng biglang nagring ang cellphone ko, sa gulat ko pa'y nabitiwan ko 'yon. Kasunod ay ang paglakas ng kabog ng dibdib ko, napatayo pa ako't nakagat ang aking pang-ibabang labi.
[Hello.]
[Hi. How are you? Bakit gising ka pa?]
[Ah, hindi ako makatulog kasi... Medyo stress rin.] Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nangyari. Baka kasi mamaya ay mag over react lang siya tapos biglang magpunta rito. 'Wag na lang siguro.
[Stress? Why? May problema ba? Ano'ng nangyari?] Sunod-sunod na tanong niya. Sabi ko na eh, OA reaction na naman 'to.
[Hindi wala, ano ka ba. Nastress lang ako kasi hindi ako nakakain maayos kanina, alam mo naman kailangang i-maintain ang katawan lalo na para bukas. Sayang lang kung kailan ako nagc-crave ako ng chicken.]
[Oh, yeah. Pero mas kailangan mong kumain ng maayos. Do you want anything other than Chicken?]
Nandilat na lang ang mga mata ko sa sinabi niya nailayo ko pa nga ang cellphone sa tainga ko't napatakip ng aking bibig. Naisip ko kung sumakes ba ako sa kagustuhan kong makakain ng masarap ngayon.
[Darlene?]
["Ah, oo nandito pa ako. Hmm... Siguro masarap i-partner ang chicken sa malamig na soda.] Binigyan ko ang sarili ng good job hand, ngunit ang tanong ay kung papaano naman ni Jethro ibibigay ang gusto ko.
[Okay. Just wait, darating ang food mo riyan in thirty minutes.]
[Huh? Seryoso? Don't tell me nandito ka sa area ko ha. Di ba, marami kang schedules this week?] Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, napasilip pa nga ako sa bintana at napalinga-linga. Aywan ko, pero parang may kung ano sa akin na natuwa sa gano'n kaisipan.
[No. I'm in the house right now. But don't worry I will be in touch with you. Call me if you need anything, ako ang bahala. For now, you wait for your food. Eat. Hindi ako fan ng dieting style, kaya naman kainin mo lahat ng gusto mo.]
Hala. Grabe naman siya, edi tumaba na ako niyan pag ganun. Ilang minuto pa'y pinagbuksan ko ang nagdoorbell sa akin silid. Tama nga si Jethro thirty minutes lang ang itinagal ng pagdating ng pagkain na ipinangako niya sa akin.
Matapos kong magpasalamat sa kaniya'y ito na mismo ang nanguna sa pagbaba ng tawag sa akin. Masayang masaya ako na pinapapak ang Chicken Joy na magkabilaan ko pang hawak.
Beep.
One message received.
[Kapag matapos ka na ay i-message mo pa rin ako. I'll wait for it, pagkatapos ay saka ako matutulog. Eat well, Darlene.]