Habol ko ang aking paghinga, agad akong nagpa-upo ng maramdamang galing ako sa patulog. Ngunit kasabay ng gulat na 'yon ay ang pagtataka ko kung nasaan ako.
"Ospital ba 'to?" Nagtanong ko sa sarili. "P-paano ako nakapunta rito?"
Wala akong mapagtanungan, mag-isa ako sa silid. Ngunit sa kumpol ng bulaklak at prutas na nasa lamesa ay mukhang may kasama naman ako rito.
"Si-si Derek ba ang kasama ko rito ngayon? N-no, hindi puwede."
Walang sabi-sabi na hinila ko ang suero na nakakabit sa akin, medyo masakit 'yon ngunit wala na 'kong pakialam pa. Kailangan kong makaalis dito ngayon.
"Kailangan kong humingi ng tulong, si Helsey, nasaan ba siya? Or even my phone, nasaan na ba 'yon. I need to contact anyone... Ah! Si Jethro, kailangan na niyang malaman 'to."
Inayos ko ang sarili, naghanap ako ng p-puwedeng ipantakip sa mukha ko. Mahirap na, baka dito pa ako pagpiyestahan ng mga reporters or anyone.
"Ano bang kamalasan sa buhay to, Darlene." Pagbulong-bulong ko sa sarili.
Ngunit lahat ng kumpiyansa ko sa sarili ay tila naglaho ng mapansin ang dalawang bulto ng lalaki na nakatayo di kalayuan sa silid. Hindi naman sila nakahanap sa gawi ng pintuan ko, pero nakapagtataka lang ang hulma ng katawan nila. Pang bodyguard, tapos mga naka-itim na suit pa. Hindi ko sila kilala kaya mas lalo akong kinutuban.
Bumalik ako't nag-isip ng plano, kagat ko ang daliri sa aking hintuturo habang nakasandig sa likod ng pintuan.
"Kailangan mong lakasan ang loob mo, hihingi ka lang ng tulong. Tama, sisigaw na lang ako kaagad paglakabas ng pintuan."
Bumuga ako ng hangin. Kasunod ang ilang ulit na pag-inhale at exhale. Muli kong pinihit ang seradura upang makalabas.
Subalit laking gulat ko na lang ng pagbukas ko sa pintuan ay ang matipunong pigura na ng aking asawa ang sumalubong sa akin.
Hindi agad ako nakapagreact ng makita siya, maging ito ay nakatingin na lang din s akin, sa kaliwang kamay ay bitbit niya ang isang paper bag na hindi ko rin alam kung ano ang laman. Hindi siya mukhang galing sa trabaho dahil sa suot niyang t-shirt lang at pants.
'Siya ba ang nagdala sa akin rito? Alam na ba niya kung ano ang nangyari?'
"J-jethro?" Nauutal ko pang pagtawag sa pangalan niya.
"Where are you going? You're not supposed to walk around. " Hinila niya ako pabalik sa loob pagkatapos niyang magsalita.
"Jethro, ikaw ba ang nagdala sa akin rito?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa ng tanong. Ngunit sa isipan ko'y mas gusto kong magpabebe sa kaniya, humingi ng simpatya, yakapin siya't sabihin na sinaktan ako ng pamangkin niya. Pero mas naisip ko na sobrang O.A ko kapag ginawa 'yon. Hindi kami gano'n ka open sa isa't-isa para gawin 'yon. Isa pa hindi naman talaga kami matatawag na 'mag-asawa.'
It's just a deal, right?
Ngunit hindi nagsalita si Jethro, busy siya sa pag-aayos ng mga pagkain na dala niya. Wala ba siyang balak na tanungin ako? Nang kahit na ano?
"I'm sorry, hindi ako naka-kontak sa 'yo about what happened. Hindi na rin kasi nagkaroon ng pagkakataon, and--"
"Why are you apologizing? Did you do anything wrong?"
Kasabay ng pgtanong niyang 'yon ay ang paglunok ko sa aking laway. Bakit nga ba? May point ang sinabi niya, wala akong ginawa para humingi ng paumanhin sa kaniya o kahit na kanino pa. O baka dahil ayokong ma-disappoint siya sa akin.
"Eh, k-kasi..." Hindi ko talaga alam kung paanong sisimulan ang pagpapaliwanag. Ngunit bas hindi ko na nalaman ang traydor na luha ko, bigla na lang silang naglandas sa gilid ng aking mga mata. Nakayuko ako, siguradong hindi naman niya 'yon mapapansin, wala siyang pakialam sa akin.
"Da*n it!"
"H-huh?" Bigla kong angat sa aking ulo, naguluhan kasi ako sa naging sagot niya. Ngunit lahat ng pag-aalinglangan ko sa mga bagay-bagay ay nawala ng masalo ko ang isang mahigpit at mapagsumamong yakapin Jethro.
At simula sa puntong 'yon ay tuluyang nang bumuhos ang emosyon na pinipigilan ko. Isang nagwawalang paghagulgol ang nagawa ko.
Alam kong ito ang kailangan ko ngayon, isang mahigpit na yakap.
"I'm so worried about you. I'm sorry I failed to protect you," ani Jethro. Mas lalo kong naramdaman ang kapayapaan sa kaniyang malambing na boses.
Hindi ko na rin maipaliwanag ang tila pagtalon ng aking puso sa tuwa, ilang beses niyang hinagod ang buhok ko habang nakadantay ang aking mukha sa kaniyang matikas na dibdib.
Hindi ko mawari kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon, kakaiba, ngunit masasabi kong gusto ko ito.
"Hindi ka ba g-galit?" tanong ko sa kaniya.
"And why would I? Your a victim here, and don't worry about anything. Ako na ang bahala."
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no'n pero sana'y walang halos dahas.
"Puwede bang mag-quit ka na sa trabaho mo? Do'n ka na lang sa 'kin, araw-araw kitang makikita. Malalaman ko kaagad kung may problema."
Nakatitig na ako sa kaniya, hindi pa rin nagkakalayo ang katawan namin sa isa't-isa. Na-amaze lang ako sa sinabi niya.
"Ano ka ba, ayos lang naman ako--"
"No, you're not Darlene, press are all around, waiting for the chance to ask for your side. They already downgraded you, and I hate them for that. I'll soon file a legal suit for each of them." Seryoso siya, na para bang concern na concern siya sa akin.
Wait, hindi ba?
"Part naman 'yon ng trabaho ko, basta alam kong wala akong ginagawang masama."
"Still. . ." Tumigil siya sa pagsasalita, doon na nagkaroon ng puwang na espasyo sa pagitan namin. Pero ang mas nagtaka ako ay hindi siya bumitaw sa akin, nasa beywang ko ang dalawang kamay niya.
Simple akong napalunok ng laway. Huli kong naramdaman ang ganito ay noong maayos pa ang pagsasama namin ng ex ko.
Aywan ko ba.
"Ayoko pa rin." Iyon ang idinugtong niya sa hindi niya itinuloy na sasabihin sana kanina.
"P-pero bakit? Hindi mo kailangang matakot para sa akin. Super thankful na ako sa emotional support na binibigay mo ngayon. Ah! Nga pala si Jenny? Kumusta siya? Alam niya ba ang nangyari sa akin?" Naging sunod-sunod ang tanong ko sa kaniya lalo ng naging malagkit ang titig niya sa akin.
"Bakit ganiyan ka m-makatitig Jethro? M-may dumi ba ako sa mukha?" This time, ako na ang naglayo ng sarili ko sa kaniya. Kumilos ako upang maalis ang mga kamay niya sa akin.
Medyo awkward bigla, nailang ako sa naging tingin niya sa akin, bigla kasing napuno ng kislap ang mga mata niya na may halong panlalamon na rin.
Nagkunwari akong namimili ng apple sa dala niya't nakiusap na balatan niya 'yon para sa akin.
Ano ba DArlene, ang arte mo 'no? Feeling mo naman talaga puwede kang pumasa sa standard ni Jethro, eh sa edad pa lang mukha na kayong mag-kuya eh.
"Can I kiss you? I Badly want to kiss you, Darlene."
"A-ano?" Hindi ako makapaniwala sa hiling niya, at never kong in-expect na hihilingin niya ang gano'n sa akin. Pero dahil isa rin akong baliw, na hindi maintindihan ang sarili sa mga oras na ito ay um-oo ako. Binigyan ko siya ng pahintulot, na siyang hindi ko pinagsisihan.