Third Person's POV~
Tila napuyat si Maddi dahil inabot sila ni Jef ng hating gabi sa paguusap thru phone calls. Maganda ang gising niya pero ayaw pa niyang bumangon ng kama niya dahil nagmumuni-muni pa siya.
Tiningnan niya ang phone niya at may text na kaagad ito mula kay Jef. Tila mas maaga itong nagising kaysa sa kanya kahit pa linggo naman.
Rereplyan na sana niya ito ng humahangos namang biglang binuksan ng nakababata niyang kapatid na babae ang pintuan ng kwarto niya at ikinagulat niya ito.
"Ate! Ate Madison!"
"Good morning Grace."
"Ate! May bisita ka sa baba! Ang gwapo!"-Halos kilig na kilig naman ang kapatid niya.
Ipinagtaka pa niya ito pero napabalikwas siya sa naisip niya. Hindi siya sigurado pero malakas na ang kutob niya.
Kaagad siyang naghilamos at nagayos bago bumaba. Sa staircase palang ay tinatanaw na niya ang bisita niya na nakatalikod. Kausap nito ang papa niya.
"J - Jef?!"-Halos hindi siya makapaniwala sa nakikita ngayon.
Nilingon siya nito ng nakangiti at tila walang pangamba. May hawak itong bouquet of flowers. Tumayo si Jef at inabot sa kanya ito. "Good morning beautiful."
Naghahalong gulat at hiya ang nararamdaman niya ngayon. Ngayong nasa bahay nila si Jef na wala man lang pasabi!
"Anong ginagawa mo rito?"-Simpleng bulong nito pagkakuha ng bulaklak.
Napapakamot lang ng ulo si Jef at hindi malaman ang isasagot. "Ah, eh --"
"Ehem!"
Tila napatingin silang dalawa sa tatay ni Maddi na seryosong nakatingin sa kanila.
"Ah, Jef this is my dad. Pa, this is Jef po."
"Nagkakilala na kami niyan. Totoo bang manliligaw mo yan?"-Seryoso namang tanong ng ama nito.
"Ah papa, o - opo."
"Kung -- kung papayag po kayo sir, gusto ko pong pormal ligawan si Maddi kaya po ako pumarito. Pasensya na po kung biglaan."-Tila walang bakas na kaba o takot kay Jef habang kaharap at kausap nito ang ama ni Maddi.
Nakita naman ni Maddi na talagang sincere si Jef sa mga sinabi nito. Pero kita rin sa itsura ng tatay niya ang pagkabigla at pagkaseryoso. Hindi niya alam ang dapat gawin dahil hindi niya man lang ito nabanggit sa pamilya.
"Ah, tara't magalmusal muna!"-Paglapit sa kanila ng mama niya. "Tara Jef!"
"Ang sarap ng tuna sandwich mo Jef ah."-Pagbati pa ng mama ni Maddi dahil pinagdalahan din sila nito ng gawa niyang tuna sandwich.
"Thank you po mam."
"Tita nalang."
"Ah Jef, taga saan ka ba hijo?"-Seryoso pa ring tanong ng tatay ni Maddi.
"Taga San Jose del Monte, Bulacan po talaga ako."
"So saan ka nagaaral Jef?"
"Nursing student po ako sa UST mam, ay tita po."
"Nursing? Kagaya ni Natalie."
"Eh kuya Jef, ilang taon ka na po ba?"-Pagsingit pa ng kapatid ni Maddi na si Grace.
"22 years old na ako."
In-interview ng buong pamilya ni Maddi si Jef sa buong almusal nila. Nahihiya man si Maddi pero natutuwa siya ngayon dahil alam na ng pamilya niya ang tungkol kay Jef. Hindi nga lang niya sigurado kung gusto ba talaga ng mga ito si Jef. Lalo na ng papa niya na mula pa kanina ay hindi nagbabago ng ekspresyon ng itsura.
"Maiba ako, paano ba kayo nagkakilala ni Maddi ah?"
Nagkatinginan naman sina Maddi at Jef dahil pareho silang natatawa sa unang pagkakataong pagkikita nila.
"Ah, sa --"
"Sa bus po."-Pagsingit bigla ni Jef kay Maddi at tila kinabigla ito ni Maddi. "Nagkasabay po kami sa bus at nagkatabi ng upuan."-Mas lalong kinagulat ni Maddi ang mga narinig."Napasandal po siya sa akin habang natutulog at ganun rin po ako sa kanya."-Halatang kinikilig na ang mama at kapatid ni Maddi pero ang papa niya ay napapataas pa ng kilay.
"Teka? You - you remembered?"-Halos hindi makapaniwala si Maddi. Ni hindi na niya nabanggit kay Jef ang una nilang pagkikita na yun. Halos nakalimutan na nga niya.
Nginitian lang siya ni Jef. "Pero hindi pa po kami nagkakilala doon. Sa isang blood letting program po sa school, nakita ko po siya ulit at sinigurado ko na pong makikilala ko na siya doon."
"So you mean --"
"Hindi nga rin po ako makapaniwalang makikita ko siya ulit doon as a donor. Kaya hindi ko na pinalagpas na makilala siya."
Naiwang tulala lang si Maddi kay Jef habang kilig na kilig naman ang mama at kapatid niya sa kwento ni Jef.
"Ang cute ng story nila noh papa? Parang tayo lang noong high school tayo. Inaabangan- abangan mo pa ako sa tapat ng room ko!"-Natutuwa namang kwento ng mama ni Maddi.
"Ah ehem. Syempre, alam mo namang matagal na kitang crush noon eh."-Pasimple pang sagot ng papa ni Maddi at napangiti naman silang lahat.
"Hmm, alam ko naman yun!"
.
.
.
"Ah Jef, dito ka na mag-lunch ah?"-Pag-aya pa ng mama ni Maddi kay Jef.
"Ah, sige po tita. Thank you."
Naiwan naman sila ulit sa salas at nanood ng t.v. Tahimik lang sina Maddi at Jef dahil nakabantay ang tatay niya sa kanila.
"Ate Maddi, maligo ka kaya muna?"-Pangaasar naman ni Grace sa ate niya at nanlaki naman ang mga mata ni Maddi.
"Ah, dito ka lang ah. Babalik din ako."-Nanakbo naman si Maddi at naiwan naman si Jef na medyo awkward na dahil pinagmamasdan siya ng tatay ni Maddi.
Pagkapanik ni Maddi ay kaagad niyang tinext ang mga kaibigan tungkol sa ginawa ni Jef. Hindi rin makapaniwala ang mga ito at halos mamatay sa kilig.
Nagmadali na siya sa pagligo dahil alam niyang maiilang si Jef maiwan doon mag-isa.
Pagkaba ni Maddi, hinanap niya kaagad sina Jef pero wala ito sa salas. Ganun rin ang papa at kapatid niya.
Naghanap siya sa paligid ng bahay at doon niya sa veranda narinig ang ingay ng kapatid niya.
Nakita niyang seryosong naglalaro ng chess board games ang papa niya at si Jef.
"Go papa! Nakakadalawang kain na si kuya Jef sayo oh!"
Nang maramdaman na nila ang presensya niya, tiningnan naman siya ng mga ito at nginitian kaagad siya ni Jef.
Naupo si Maddi sa bakante nalang na upuan ng round table na pang apatan. Pinagmasdan niyang maglaro ang papa niya at si Jef.
Magaling sa chess ang papa niya, ito rin ang nagturo sa kanya. Minsan niya lang din itong natatalo.
Sa katagalan ng laro, nakikita ni Maddi na mukhang nahihirapan ang papa niya na kalaban si Jef. Hindi rin niya akalaing marunong pala si Jef nito.
"Check!"-Paglapit ni Jef ng King niya sa King ng papa ni Maddi.
Napapakamot ulo naman ang tatay ni Maddi dahil mukhang talo na siya anumang galaw pa niya.
"Oh my god kuya Jef! Natalo mo si papa!"-Saad pa ni Grace.
"Talaga papa? Natalo ka ni Jef?"-Pagdating ng mama ni Maddi.
Nag-unat naman si Jef dahil sa wakas ay nakahinga na siya ng maluwag.
"Hmm pinagbigyan ko lang siya. Sa susunod, hindi na."
Wala naman din nagawa si Jef kundi maglaro ulit kalaban ang papa ni Maddi. Seryoso man ay nagiging masaya din ito para kay Jef.
Sa tuwing nakakakain ang tatay ni Maddi, tuwang-tuwa ito.
"Ah hahaha, kain na ang horse mo!"-Natutuwa naman si Maddi dahil mukhang gumagaan na ang loob ng papa niya kay Jef.
Nanalo naman sa pangalawang laro ang papa ni Maddi pero umulit pa sila ng isang laro dahil naging tabla sila. Pinagbigyan pa rin siya ni Jef.
"Papa galingan mo ah!"-Pag-cheer pa ni mama ni Maddi na minamasahe pa ang balikat ng asawa.
"Nako kuya Jef mas galingan mo! Nakasalalay diyan ang pagpayag ni papa sa panliligaw mo kay ate Maddi!"-Nagtawanan naman sila pero napatingin si Jef kay Maddi. Nginitian niya ito at kinindatan.
Mas naging seryoso ang laro. Mukhang walang gustong magpalamang. Close fight lang sila.
"Pagkatapos niyan, dumiretso na kayo sa dining ah. Maghahain na ko. Tulungan mo 'ko Grace"-At umalis ang mama ni Maddi kasunod ang kapatid nito.
Ilang saglit pa at patapos na ang laban. Pero imbes na kainin ng King ni Jef ang sa tatay ni Maddi. Nag-move closer lang ito at tiningnan naman siya ng tatay ni Maddi, at ganun din si Maddi sa kanya.
"Maddi is not a prize to win sir, I love your daughter and I respect her. As much as I respect you po."
"Papa, Maddi, Jef! Tara na dito!"-Pagsigaw pa ni mama ni Maddi.
"I just want your blessings sir if ever po na --"-Napatingin naman si Jef kay Maddi na natutulala sa kanya. "If ever po na sagutin na ako ni Maddi."
"Hmm"-Yan lamang ang tugon ng papa ni Maddi na tila nagiisip.
Ilang sandali pa ay tumayo na ito at napatingin sa kanya sina Maddi at Jef.
"Tara na't magtanghalian Maddi, hijo."
"Sige po sir."
"Tito. Tito nalang."
Napatingin ang dalawa sa tatay ni Maddi at sa unang pagkakataon ay nginitian nito si Jef.
"Thank you po, tito."
"Sumunod na kayo."-Nauna itong umalis at naiwan saglit ang dalawa.
"Oh my? You did it."-Natutuwa namang saad ni Maddi rito.
"Didn't I?"
"I can't believe you've all done this for me Jef. I - I never expect any of these."
"I told you, I'll do everything."
Sabay-sabay nananghalian ang kaanak ni Maddi kasama si Jef. Hindi gaya ng almusal na puno pa ng tensyon, ngayon ay puno na ng tawanan at biruan.
Tila mabilis din namang natanggap ng pamilya ni Maddi si Jef.
Na-overwhelmed din si Jef sa pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Maddi.
.
.
.
"Na-appreciate ko ang pagpunta mo dito hijo para pormal na ligawan ang panganay ko. Pumapayag na ko."-Pagtapik pa sa balikat ni Jef. Papaalis na rin kasi si Jef at nagpapaalam na ito.
"Thank you so much din po tito sa pagpayag niyo po. I promise po na iingatan at aalagaan ko po si Maddi."
"Ah! At siguraduhin mong hindi mo sasaktan ang anak ko kung hindi -- "
"Pangako po tito."
"Magingat sa pag-drive Jef ah. Ikamusta mo nalang kami sa lola mo. Sana mabisita niya rin kami dito."
"Sasabihin ko po tita."
"Kuya Jef, chocolates ulit pagbalik mo ah?"
"Grace!"-Pagsuway naman ni Maddi sa kapatid.
"Oo naman, ikaw pa."
"Ako ng maghahatid sa kanya."
"Maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo sa akin. Mauuna na po ako."
"Mag-ingat ka."
Sinamahan naman ni Maddi si Jef sa kotse nito.
"Thank you ulit ah. Hindi pa rin ako makapaniwala."
"Saan? Sa pagpunta ko dito o sa sinabi ko sa kanila na naaalala ko pa talaga yung pagsandal mo sa akin sa bus?"
Tila ikinagulat ulit yun ni Maddi at napuno siya ng hiya sa binata.
"Oo nga pala! Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin yun ah?!"
"Kasi gusto kong mapalapit muna sayo."-Natatawa naman si Jef dahil namumula na si Maddi sa hiya.
"Nako naman oh!"
"See you tomorrow."
"Huh?!"
"Susunduin kita bukas para ihatid sa school mo."
Napangiti na lamang si Maddi at tumungo bilang pagsangayon.
Gustong-gusto niya ang ginagawang pagsundo at hatid ni Jed sa kanya. May sasakyan man ito o magko-commute sila, basta kasama niya ito, masaya na siya.
Ngayon sigurado na si Maddi sa nararamdaman niya para kay Jef. Ayaw na rin naman niyang patagalin ang panliligaw ng binata. Siguro ay hahanap nalang siya ng tamang tyempo para masabi dito ang matamis niyang 'Oo'.
.
.
.
Habang nagiintay si Maddi sa mga kaibigan niya, minumuni-muni niya pa rin ang mga nangyari simula kinaumagahan.
Nagkaayaan kasi na magmeryenda silang apat at para na rin makibalita sa nangyari.
"Oh guys, ingat kayo! Baka maapakan niyo!"-Pagsuway pa ni Ingrid sa mga kaibigan.
"Whoop! Whoop! Sumasabit pa sa paa oh!"-Umaarte naman si Reign na parang mainiiwasan sa paahan.
"Aray! Nakakapatid naman itong haba ng buhok mo Maddi!"-Umaarte naman si Natalie na tila naaasar sabay hawi ng mahaba niyang buhok.
Natatawa nalang si Maddi sa inaarte ng mga kaibigan na parang may iniiwasang mahabang bagay bago tuluyang makalapit sa kanya.
"Ay grabe! Ang haba ng hair oh? Mula Fairview hanggang San Jose del Monte!"-Ingrid
"Ano ba guys, maupo na nga kayo!"-Natatawa pa ring suway ni Maddi sa mga kaibigan.
Naupo naman ang tatlong kasama niya.
"Dali! Anong nangyari?!"-Reign
"Pwedeng mag-order muna tayo? Nakakagutom makipagpatintero sa buhok ni Maddi eh."-Natalie
Pagkadating ng mga order nila ay nagkwentuhan lang ang mga magkakaibigan na tila hindi nauubusan ng sasabihin.
Masayang-masaya din naman silang lahat para kay Maddi. At lalong masaya sila dahil tanggap ng pamilya ni Maddi si Jef.
Mukhang wala ng mahihiling pa si Maddi sa ngayon. Sobrang saya niya sa piling ng pamilya niya, sa mga kaibigan niya at ngayon kay Jef na nagpaparamdam sa kanya kung gaano siya kaespesyal.
Na kahit simple man siya sa paningin ng iba, ang mga espesyal na tao sa buhay niya ay pinapahalagahan din siya.