EPISODE 19 RACHEL’S POINT OF VIEW. “EDUARDO! Hindi pwedeng makapasok ang Coleman na iyon dito! Wala siyang karapatan para puntahan si Rachel!” Naalimpungatan ako nang marinig ko sa malakas na pag sigaw ni Mommy. Hinay-hinay kong binuksan ang aking mga mata at hinanap sa aking paningin si Mommy at Daddy. Nakita ko naman sila sa hindi kalayuan na nag-aaway ngayon. “M-Mom, D-Dad?” tawag ko sa aking mga magulang gamit ang aking mahinang boses. Napatigil sila sa kanilang pag-aaway at napatingin sa akin. Mabilis silang lumapit at hinawakan ni Mommy ang aking kamay. “Anak, wala bang masakit sa iyo ngayon? May nararamdaman ka bang kakaiba?” malambing na tanong ni Mommy habang nakangiting nakatingin sa akin. Hindi ko sinagot ang tanong ni Mommy. Napatingin ako sa paligin at napagtanto kong

