EPISODE 24 RACHEL’S POINT OF VIEW. “Rachel, aalis muna ako. Kailangan kong pumunta sa bayan kasama si Sebastian para sa negosyo namin,” paalam ni Louis. Napatigil naman ako sa aking panonood ng movie ngayon sa aming malaking TV at napatingin kay Louis. “Anong oras ka uuwi?” tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at mabilis na hinalikan ang aking labi. “Mabilis lang ako doon, uuwi rin ako kaagad, Gusto mo bang sumama ka na lang sa akin?” Mabilis akong umiling. “No. I’m fine here,” sabi ko at hinalikan ang kanyang pisngi. Tumango siya at nagpaalam na sa akin. Nang makaalis na si Louis ay napatayo na muna ako at pumunta sa may kusina upang makakuha ng mga pagkain dahil nagutom na rin ako. Bumalik ako ngayon sa pagkakaupo sa couch at pinagpatuloy ang aking panonood ngayon. Tumunog

