EPISODE 29 RACHEL’S POINT OF VIEW. “Louis, sorry! Hindi ko talaga sinasadya. H-Hindi ko alam na may allergy pala si Tita sa peanut,” humihikbi kong sabi nang dumating na rito si Louis sa hospital. Hindi siya nagsalita. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Napasubsob ako sa kaniyang dibdib at niyakap din siya ng mahigpit. “Sorry…” mahina kong sabi. Bumitaw siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luha sa aking mukha. Seryoso ang tingin sa akin ni Louis ngayon at hindi ko malaman kung ano ang kaniyang iniisip, kung galit ba siya sa akin o naiinis dahil ang tanga tanga ko. “Wala kang kasalanan, Rachel. Hindi mo alam na may allergy si Mommy sa peanut kaya ‘wag mong sisihin ang sarili mo,” malambing na sabi ni Louis at hinalikan ang aking noo. U

