EPISODE 20 RACHEL’S POINT OF VIEW. “HINDI ko pa rin kayang maniwala sa iyo ng buo, Louis Anderson,” seryoso kong sabi kay Louis. Nandito pa rin siya ngayon sa aking kwarto at tapos ko ng linisin ang kanyang sugat at gamutin ito. “I know, and I will earn your trust again, Rachel,” wika ni Louis. “You want me to trust you again? Sabihin mo sa akin ang lahat, Louis,” sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya. “Ano ang gusto mong malaman?” “Everything. Lahat ay gusto kong malaman, Louis,” mahina kong sabi. Tumango siya at humalukipkip. “Ask me anything.” Bumuntong hininga ako bago mag tanong sa kanya. “Plinano mo lang ba ang pagkikita natin? Iyong unang pagkikita natin sa party, Louis?” tanong ko sa kanya. Umiling siya habang nakatingin pa rin sa kanya. “No, Rachel. Sa mga oras na

