Chapter 77-3

725 Words

"Mamaya na namin ipapaliwanag sa iyo," sagot ng isa na hinawakan ako sa braso. "Nasaan si Mr. Villanueva?" matigas na tanong ko sabay haklit sa kamay ng babaeng nakahawak sa braso ko. "Nasa loob na po ng base at hinihintay na lang tayong dumating," sagot nito. Maingay ang tunog ng chopper at malakas ang hangin. Halos kaladkarin ako ng babaeng nakahawak sa braso ko palapit na para bang nagmamadali siyang makaalis kami sa lugar na ito. May hinala na ako kung bakit. Mukhang natunton na nang mga tauhan ni Draven ang lugar na ito kaya gusto nila akong ilipat ng hideout. Naging alerto ako at biglang gumalaw ang mga kamay ko. Mabilis na naagaw ko ang baril na nasa bewang ng isa sa mga babaeng kasama ko ng hatakin ko ito at pagkatapos ay itinutok sa ulo ko. Alam kong mahalaga ako sa grupong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD