Wala nga kaming kiss the bride kanina at wala rin vow. Basta pumirma lang kami sa papel at pagkatapos ay tapos na rin ang kasal namin ni Draven. "Why do you look so sad, Agatha?" kunot ang noo na tanong ni Draven na nasa harap ko na pala. Umiling lang ako sabay yuko ng ulo. Ano ba ang inaasahan niya, ang maging masaya ako kasi sapilitan na nagpakasal kaming dalawa? "I know you don't want this marriage, Agatha. But accept the reality na kasal na tayo," sabi ni Draven na para bang normal lang sa kanya na pakasalan ang isang estranghero na gaya ko. "Ang lupit mo, Draven. Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na mabuhay ng normal," masama ang loob na sabi ko, habang nanlalabo ang mga mata at nakayuko. Ayaw ko siyang tingnan, hindi ko kaya. Ang sakit sa dibdib, pinaramdam niya sa

